Moment of truth

1K 25 1
                                    

BEA's POV

          Hindi ko man inaasahan na ngayon na ako kokomprontahin ni Alex tungkol sa anak namin...di ko naman sya masisisi. Kasalanan ko naman lahat ng nangyare. Simula palang sa umpisang may nangyare sa amin hangang sa pagtatago ko kay Fonsy.

"Sori Alex...magpapaliwanag ako." Nakatungo si alex habang nagsasalita ako pero alam kong naghibintay sya sa mga sasabihin ko
"Paano? Anong nangyare? Sabihin mo sa akin mula umpisa. God Bea wala akong alam na may anak tayo.  Five years....five fucking years!!! Why? Why did you do this to me? To our son?" Bakas ang hinanakit sa boses ni Alex ni hindi sya tumitingin sa akin

          Alam kong nasaktan ko sya. Siguro nga pakiramdam nya niloko ko sya. Dalawang beses kaming nagkita nito lang pero wala ako sinabi anuman sa kanya. Tinabihan ko sya sa upuan alam kong kaylangan ko ng sabihin ang lahat sa kanya. Wala na akong dapat pang itago. Tatanggapin ko kung kamuhian nya ako. Di ko na maibabalik pa ang limang taon pero siguro pwede pa naman silang maging masayang mag-ama lalo na pag nagising na si Fonsy.

"Alex...sorry sinadya kong itago sa'yo ang tungkol kay Fonsy. Hindi ko alam na mabubuntis ako pagkatapos ng nangyare nung gabi ng despedida mo." Di ko mapigilang maluha habang binabalikan ang gabing yon

"May nangyare sa atin Alex pero di ko sinasadyang madala, kasalanan ko dapat pinigilan kita kasi di naman ako lasing. Alam kong wala kang matatandaan pagkatapos ng gabing yon kaya umalis na lang ako. Wala akong lakas ng loob na humarap sa'yo. Sobrang lasing ka non..." 

Nagpatuloy akong magsalita "magta-tatlong buwan na ang tyan  ko ng malaman kong buntis ako. Nag-de-activate ako sa lahat ng account ko pati celfone number ko pinalitan ko. Ayaw kitang obligahin dahil wala ito sa plano mo. Isa pa wala naman tayong relasyon. May girlfriend ka at ayokong makigulo sa inyo."
"Bea nagkita tayo sa kasal ni Ana, sa grocery. Dalawang pagkakataon ang nagkaroon ka. Wala kang binanggit man lang. Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko." Si Alex
"Oo alam ko pero di ba sabi mo your enjoying your life as a bachelor. Sa tingin mo pano ko sasabihin sa'yo ang tungkol kay Fonsy na hindi maapektuhan ang pagiging bachelor mo. Ni hindi mo nga natatandaan na may nangyare sa atin so pano mo matatanggap si Fonsy..." naiyak na talaga ako kasi naawa ako sa sarili ko ayokong mgmaka-awa para sa atensyon nya lalo sa pagmamahal nya
"Hinabol kita nung nagising ako ng umaga after ng despedisa pero pagdating sa bahay nyo naka-padlock na ang gate. Sabi ng kapitbahay umalis ka na daw at may mga dalang maleta. Bea, lasing ako ng gabing yon pero alam ko kung anong nangyare. Di man natin plano at wala man tayong relasyon pero Bea magkaibigan tayo. Pano mo nagawang  itago sa akin ang anak ko ng limang taon. Hindi mo alam kung gano kasakit sa akin na ipagkait mo ang limang taon na wala ako sa tabi nya...the worst feeling i don't even know about his existence...Damn Bea you knew me better than that...." si Alex halos di na mapigilan ang luha sa mga mata nya
"I'm so sorry Alex. That time mag-isa lang ako litong-lito ako noong mga panahon na yun. Di ko alam ang gagawin ko. Buntis ako si yaya maring lang ang nasa tabi ko. Di ko alam kung tatanggapin mo ang bata. Wala akong magawa ayokong isumbat mo sa akin ang nangyare. I had to do what i did, to stand on my own never thinking whats gonna happen next. Noong mga panahon na yon yun lang ang alam kong tama...Sori Alex i didn't mean to hurt you..." yun lang ang at umiyak na ako dahil sa sobrang sakit at panghihinayang. Sana pala sinabi ko sa kanya. Pero huli na nasayang na ang limang taon. Tatayo sana ako sa kinauupuan ko pero pinigil nya ang kamay ko
"Let's just set aside what happen, for now let's focus on Fonsy. We can talked about that some other time pag okey na sya." Ngumiti si Alex sa akin pero nandun pa din ang lungkot sa mga mata nya.

          Parang nabunutan ako ng tinik dahil nasabi ko na kay Alex ang tungkol kay Fonsy. Nag-aalangan man umayon na lang ako sa kanya. Sa ngayon sa kanya ako kumukuha ng lakas. Ramdam ko pa din kung paano nya ako alagaan. Kahit
papaano gumagaan ang pakiramdam ko dahil nasa tabi ko sya. Alam kong madami pa kaming pag-usapan pero sa ngayon eto na lang muna...Sana magising ok na si Fonsy.

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon