The way to her heart

951 24 0
                                    

ALEX's POV

          Wala pang linaw ang lahat pero wala akong pakialam. Sa tuwing titingnan ko ang picture ni Fonsy at maalala ang malungkot nyang mga mata, mas lalo akong nagkakaroon ng motivation na makita sya at makasama. Tuwing maalala ko ang sinabi nya na wala syang daddy nasasaktan ako.

          Sinundan ko minsan si Bea inalam ko kung paano tumatakbo ang araw nya. Inalam ko kung anong ginagawa nya, san sya nagpupunta, san umiikot ang maghapon nya. Alam kong wala akong mapapala kung sa kanya ako magtatanong. Kilala ko sya hindi basta-basta yan mag-sasalita. Tama si Caloy mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. Ayokong malaman nya na may hinala na ako tungkol sa pagkatao ni Fonsy. Hindi ko din sya pwedeng komprontahin tungkol dito. Wala pa akong sapat na ebidensya puro hinala lang at tagpi-tagping pangyayare ng nakaraan. Pero pasasaan ba at magiging malinaw din ang lahat.

          Nasa harap ako ng pinto ng unit ng condo ni Bea alam kong wala sya dito dahil nakita ko syang papunta sa publishing house. Nagulat si yaya maring na makita nya ako sa labas ng pintuan matapos nyang bukasan ito...

"Alex! Alex ikaw nga ba yan? Panu mo nalaman na dito kame nakatira?" Si yaya
"Yaya kumusta na po kayo?" Sabi ko
"TITO ALEX!!!!" Sigaw ni Fonsy sabay takbo sa akin

          Nagulat si yaya maring sa naging reaksyon ni Fonsy sa akin. Wala yatang nakapagsabi sa kanya na nagkita-kita kame minsan sa mall. Well atleast di na sya gaano nakapag-tanong dahil hinila na ni Fonsy ang kamay ko papuntang sala.

"Tito Alex i miss you! How did you know where i am?" Si Fonsy
"I had ways. So how are you?" Sabi ko
"I'm fine. I'm so happy to see you! Can we play basketball?" Si Fonsy
"Sure kaso papayagan ka ba?" Si Alex

          Pumasok si yaya maring sa sala may dalang meryenda para sa amin. Nasa mukha nya ang pagtataka at tuwa ng makita ako.

"Pano ka napunta dito Alex? Panu mo nalaman kung san kame nakatira?" Sabi ni yaya
"Nagkita po kame minsan nila Bea sa mall." Safe kong sagot
"Nagkausap kayo ni Bea?" Pagtataka nya
"Opo...si Fonsy actually ang nakausap ko ng matagal busy si Bea sa fone nya that time. Hinatid ko lang silang dalawa sa kotse nya nung minsang nag-grocery sila." Sabi ko
"Ah ikaw pala ang Alex na pinag-uusapan ng mag-ina nun." Sabi nya
"Yaya di ba friend nya si mommy noon pa. Di ba tito Alex?" Sabi ni Fonsy
"Yeah Fonsy..." sagot ko nalang

          Hinayaan muna kame ni yaya maring na mag-kwentuhan sa sala. Tuwang-tuwa ang bata habang kausap ako. Pinakita nya sa akin ang mga toys nya at siempre ang pabiroto nyang bola. Gusto nya sanang maglaro sa basketball court pero sabi ko next time magpapa-alam muna kame sa mommy nya. Kaya nakuntento nalang syang maglaro ng basketball sa sala ng condo. Tinabi muna namin ang centertable para magkaroon ng space. Masaya akong nakipag-laro kay Fonsy ng bola at alam kong ganoon din sya. Bakas kay Fonsy ang pananabik na isang ama. Malambing ang bata,  masarap kausap, madami syang kwento, mas lalo tuloy akong nasasabik malaman kung ano sya sa buhay ko. May nararamdaman akong kakaiba sa tuwing tititigan ko sya, sa tuwing magkakadikit ang mga balat namin parang may ibig sabihin...lalo na ng yumakap sya sa akin. Di nya ako maabot kaya hangang baba lang ng bewang ko pumulupot ang maliliit nyang braso. Kinalong ko sya at ng magtapat ang aming mukha binigyan nya ako ng isang matamis na halik sa pisngi...

"Thank you Tito Alex for playing basketball with me." Sabay yakap sa leeg ko
"If you need somebody to play with i'm here. I'l play with you anytime.." sabi ko

          Halos maluha ako sa pagkakayakap nya na yon. May kakaiba akong naramdaman, kabog sa dibdib, saya na parang ayoko ng matapos. Nahagip ng mata ko si yaya maring na naluluha habang nakatingin sa amin ni Fonsy pero mabilis din syang nag-iwas ng tingin ng akin. Mas lalong nadagdagan ang mga tanong sa isip ko. Mga tanong na kaylangan kong hanapan ng sagot sa lalong madaling panahon. Nagpaalam na ako kay Fonsy at kay yaya maring. Ayaw pa sana akong paalisin ni Fonsy pero hindi pwede. Ayokong abutan ako ni Bea hahayaan ko muna sya alam kong di sya handang makita ako. Para lang pumayag si Fonsy iniwan ko ang celfone number ko kay yaya maring. Sinabi ko sa kanya na pag gusto nyang maglaro kame ng basketball tawagan nya lang ako at pupuntahan ko sya.

BEA's POV

          Kakalabas lang namin ng publishing house ni Mia. Papunta kame sa kalapit na pizza house para magmeryenda. After namin makita ni Fonsy si Alex sa mall di na napanatag ang isip ko. Pero ayokong magpaka-stress. Nagpaka busy ako para di sya sasagi sa utak ko. Alam ko naman na di sya magtatagal dito at babalik na sa america. Malamang coincedence lang ang lahat. Wala namang kakaiba sa kanya ng makita nya si Fonsy di naman sya nagtanong. Pero alam kong nagtaka sya di nga lang nya ako ma-confront. Anyway wala naman syang karapatan para konprontahin ako.

"Alam mo girl para ka laging lumilipad...yang isip mo nasa ibang lugar lagi. Ok ka lang ba? Si Mia
"Oo naman." Sabi ko
"Hoy babae share mo na yan? Ano ba talaga yang problema mo? Alam kong may di ka sinasabi sa akin?" Si Mia ulit
"Nagkita kame ni Alex!!!" Sabi ko sabay ng malalim na buntong hininga
"WHAT???si ALEX??? Yung tatay ng anak mo na ALEX? Kelan? Saan? Eh di ba nasa america yon? Paano?" Sunod sunod na tanong ni Mia

          Para na akong sasabog kaya kinuwento ko kay Mia kasi kahit kay yaya maring di ko masabi. Ayokong problemahin ang pagkikita namin at umaasa akong huli na yon. Pero naapektuhan pa din ako kinakabahan at natatakot na andyan lang sya sa tabi-tabi.

"So anong plano mo?" Si Mia
"Plano saan?" Tanong ko
"Kay Alex kay Fonsy? Sasabihin mo ba?" Si Mia
"Bakit pa? Di naman nya alam na sya ang ama ng anak ko. Di ba nga enjoy sya sa pagiging bachelor nya." Sabi ko
"Ano ka ba naman siempre matutuwa yon pag nalaman nyang may anak sya. Saka si Fonsy kaylangan nya ang daddy. Alalahanin mo lumalaki na ang anak mo. Maghahanap at maghahanap yan ng tatay." Sabi ni Mia
"Di ko alam Mia naguguluhan ako." Sabi ko
"Basta wag kang magsisinungaling lalo na kay Fonsy. At isaksak mo dyan sa utak mo na karapatan ng anak mong malaman kung sino ang ama nya. At karapatan din ni Alex malaman ang totoo tungkol kay Fonsy." Si Mia
"Natatakot ako Mia..." sabi ko
"Girl kaylangan mo yan harapin. Di mo yan maitatago habang buhay. Saka wag mong pairalin yang takot mo, for all you know wala ka palang dapat  ikatakot at ikaw lang ang gumagawa ng multo mo." Sabi ni Mia

          Alam ko naman yon kaya lang di ko alam kung paano at san ko uumpisahan. Alam ko matutuwa si Fonsy na malaman na may daddy sya. Baka nga mas matuwa pa yun pag nalaman nya na si Alex ang daddy nya. Pero si Alex pano kung di nya tanggapin si Fonsy. Pano kung di sya maniwala na anak namin si Fonsy na may nangyare sa amin. Masakit nga sa akin na wala syang maalala na may nangyare sa amin mas lalo na pag di sya maniwala na sya ang tatay ni Fonsy. Paano ko ipapaliwanag sa kanya yun.

          Nagpalipas ako ng oras sa kapihan. Ayoko pang umuwi para bang sinasakal ako tuwing nasa loob ako ng condo at walang nakikitang tao. Mas lalo kong naaalala ang sitwasyon ko. Sobrang nagi-guilty ako kay Fonsy di ko masabi sa kanya na yung taong tinatawag nyang tito Alex daddy nya. Gusto ko naman sabihin sa kanya kaya lang alam ko magkakaroon yun ng domino effect. Pero habang di ko kinokorek kay fonsy ang tungkol sa kaugnayan ni Alex sa kanya para na din akong nagsisinungaling sa anak ko. Di ko talaga alam kung anong gagawin ko.

          Gabi na ako nakauwe. Bukas maaga pa ang alis ko pa-tagaytay may seminar kame ni Mia crash course sa scriptwriting. One week lang naman, try naming magsulat para sa movies o teleserye. Malay mo sumikat. Well dagdag knowledge din naman saka para lumawak ang kaalaman sa pagsusulat. Nahiga na ako kahit ayaw dalawin ng antok. Maaga akong nag-set ng alarm para bukas. Ayokong ma-traffic saka sayang ang binayad ko kung di ako maka-attend ng seminar. Para din ito sa amin ni Fonsy.

          Maaga akong bumangon naligo at nagbihis. Gumawa na lang ako ng note para kay yaya maring. Alam naman nya na may seminar ako this week napag-usapan na namin ito. Alam nanaman nya lahat ng gagawin pag ganitong busy ako. Nakapag-grocery na din ako ng lahat ng kaylangan sa bahay kaya walang ng problema. Tatawagan ko nalang sya mamaya pag coffee break namin. Dinaanan ko ang kwarto ng anak ko at pinagmasdan ko sya. Habang lumalaki sya mas lalo nyang nakakamukha ang ama nya. Pati paboritong pagkain pareho sila, pagkunot ng noo, pagkahilig sa chocolates at sa basketball. Kaya siguro mas lalo kong di makalimutan si Alex dahil sa tuwing makikita ko si Fonsy ang ama nya ang naiisip ko. Wala naman akong naging boyfriend dahil wala akong naging gusto kahit kailan kundi si Alex lang. Sya ang long time ultimate crush ko...at hangang ngayon sya pa din ang gusto ko...napabuntong hininga na lang ako sa isiping yun...me and my stupid heart.

          Hinalikan ko ang pisngi ng anak ko bago ako umalis ng condo.
"Sorry baby...pag handa na si mommy ipapakilala kita sa daddy mo i promise..." nausal ko

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon