My Sneaky boys

929 28 0
                                    

ALEX's POV

It's early afternoon, i decided to visit my son. Kakagising lang nya ng dumating ako ng condo nila ng mommy nya. Nagdala ako ng favorite nyang pizza and pasta for merienda. Bonding time for me and my son. Sinadya kong pumunta ng maaga than usual just to be with him. Pero meron pa akong isang agenda, after i-send sa akin ni Bea ang mga pictures ng family day account ni Fonsy ang gamit nya. I'm hoping sana na ma-add nya ako sa fb nya so i can have a glimpsed inside her world pero i was stuck in the bottom again. That's why i had to resort to drastic actions now. I have to move fast and accurate and i have to start now.Sa dinning room habang kumakain kame nila yaya maring...

"Fonsy tuloy tayo mag watch ng movie sa weekend showing na yung movie na gusto mo?" Sabi ko
"Yes daddy tayo nila mommy." Si Fonsy
"Wala bang date ang mommy mo?" Unpisahan ko na 'to
"Date? What date dad?" Gulat na tanong ng anak ko
"Date as in sa boyfriend nya if any?" Sabi ko
"She's not allowed to have a date rather than with me or with you. Saka mommy has no boyfriend." Si Fonsy
"Ah really? Your mommy is so pretty...for sure meron syang suitors and admirers." Sabi ko
"Yeah i know some pero ayaw ni mommy kasi she's waiting for her prince to come." Si Fonsy
"Prince? Sino naman yun?" Sabi ko
"That i don't know...baka ikaw yun dad?" Sabay tawa ng malakas ng anak ko
"Wala naman naging boyfriend si Bea, Alex...bakit di mo kaya subukang ligawan para di tumandang dalaga ang alaga ko?" Si yaya maring
"Yeah dad...ligawan mo si mommy. Ikaw na lang ang boyfriend nya. Ayokong magkaroon ng ibang boyfriend si mommy gusto ko tayong dalawa lang ang boys ni mommy." Si Fonsy
"Naku Alex maraming lumiligaw dyan kay Bea baka akala mo. Di palang nya pinagtutuunan ng pansin dahil sabi nya noon bata pa si Fonsy at ayaw nya munang may makahati ang anak nyo sa atensyon nya. Pero pano ngayon dumating ka na at alam nyang hindi na lang sya ang mag-aalaga sa anak nyo may oras na sya para sa personal nyang buhay..." pagbibitin na salita ni yaya
"Dad gusto mo ba magkaroon ng boyfriend si mommy? Di mo ba sya love? Pano pag nagkaroon sya ng boyfriend? Does that mean magiging daddy ko na din yung guy?" Tanong ni Fonsy
"Siempre daddy won't allow that to happen." Sabi ko
"Alam mo Alex kaming mga babae mas nanaisin naming tumayo at bumangon kung saan kame nadapa." Makahulugang sabi ni yaya
"Dad...i love my mom so much. Do you love my mommy?" Tanong ni Fonsy
"Of course i do...i love your mom since when we where kids. Your mom is so special to me until now." I almost confess to my son
"O eh ano pang hinihintay mo Alex...ligawan mo na hangang andyan pa at abot kamay mo pa." Si yaya
"Yeah dad ligawan natin si mommy..." si Fonsy
"Okey...but you have to help me. Ayokong pumalpak this time. I'l make sure na we will be together this time, you, your mom and me.!" Sabi ko
"O eh ano pang hinihintay mo Alex...wag mo ng palampasin ang pangalawang pagkakataon na ito. Akala mo ba di ko alam na may gusto ka sa alaga ko noon pang nasa Davao kayo. Huli ko ang mga titig mo kay Bea noon pa." Si yaya
"Yaya talaga...ang bait ko kaya nun?" Sabi ko
"Naku Alex hindi lang simpleng pagbabantay ang ginawa mo sa alaga ko noon. Alam ko ang ibig sabihin sa Mga paghatid at pagsundo mo kay Bea noon. Hindi yun ginagawa ng isang kaibigan lang." si yaya pa din
"Alam mo yaya? Pano?" Sabi ko
"Basta alam ko...kahit lagi mo syang inaasar alam kong sa likod noon may espesyal kang pagtingin sa kanya. Ang pinagtataka ko lang bakit hindi mo sya niligawan noon?" Sabi ni yaya
"Bata pa sya noon yaya...ayokong pumalpak. Alam mo naman na close ang family namin sa family ni Bea." Sabi ko
"Kaya nga wag mong pabayaan si Bea na mapunta sa iba. Sayang naman ang pinaghirapan mo. Ikaw din?" Sabi ni yaya
"Wag ka mag-alala yaya...ako bahala. May alas ako." Sabay tingin ko kay Fonsy na nakatingin sa amin
"Yun naman pala eh..." sabi ni yaya
"Basta TOP SECRET natin to...." sabi ko sa dalawa
"TOP SECRET!!!" Sabay sabi ni yaya at ni Fonsy

          Maluwag ang isip kong umalis sa condo nila Bea. Atleast now i may mga kakampi ako, sabi ko nga nasa akin ang alas ang anak ko. Pangit mang isipin na gagamitin ko ang anak ko pero sa isang banda anak ko pa din ang magbe-benefit pag kasal na kame ni Bea. Yes i'm thinking about marriage. Di simpleng girlfriend lang ang gusto ko. I'l marry Bea kahit saan pa nya gusto tanggapin nya lang ako. I'm not doing this para lang mabuo ang pamilya ko. I'l marry her because i love her...i love her so much at ayoko ng mahiwalay pa sa kanya lalo ngayon na may anak na kame. It's about time that i will claim what is supposed to be mine from the very beginning. Tama si yaya di ko sasayangin ang pagkakataon na ito. Not now not ever. Di ako papayag na mapunta ang mag-ina ko sa iba. Akin sila and i will do anything to make them mine emotionally and legally.

         Sinundo ko ang mag-ina ko after lunch yun ang usapan namin ni Bea. Nagpa-book na ako online para sa movie ticket na panonoorin namin nila Fonsy mamaya. Since katapos lang ng lunch bumili nalang kame ng popcorn and drinks na babaunin sa loob ng sinehan. Nakaupo na kaming tatlo nasa gitna namin si Fonsy ng magsalita ito.

"Mommy i want to sit in the corner. Can we exchange place. Please mommy." Sabi ni Fonsy

          Nagpalit kame ng upuan ni Fonsy and i realize Alex is beside me. Imbis na si Fonsy sa gitna ako ngayon ang napapagitnaan ng mag-ama ko. This will be the longest movie i will ever watch in my entire life.  Nanonood kame ng sine noon pero grupo kame. Kaming mga babae ang magkakatabi at sila Alex naman ang magkakasama. Unlike now he's inches away from me. At mali pa ang soot ko i'm wearing again a sleeveless blouse lamigin pa naman ako.

          Pinahawak sa akin ni Alex ang popcorn at inilagay nya ang kamay nya sa may balikat ko. Akala ko kung anong gagwin nya pero biglang umalma si Fonsy...

"Mom stop poking me..." si Fonsy halatang asar

          Nagtataka ako sa sinabi ni Fonsy...kaya pala si Alex natatawa sa gilid ko kasi sya ang kumakalabit sa ulo ng anak nya. At inulit pa talaga kaya tumayo na si Fonsy...

"Dad i know it's you....mommy si daddy oh." Sabay upo sa upuan nya

          Nagkatawanan lang kame ni Alex dahil napagalitan sya ng anak nyang 5 years old. Almost half na ang movie at ramdam ko na ang lamig sa mga braso ko. May kinapa ako sa loob ng bag ko wala din ang alampay kong laging dinadala. Ewan ko ba bakit kabisado ni Alex ang mga galaw ko. Inakbayan nya ako at hinapit palapit sa katawan nya...

"Lamigin ka pa din..." bulong nya sa may tainga ko
"Wala yung alampay ko sa bag...baka naiwan ko sa kotse ko." Sabi ko
"Hayaan mo na, i'l keep you warm." Si Alex

          Naiilang man pero ayokong i-deny na gusto kong nakayakap sya sa akin. I feel so safe when i' m in his arms. Komportable akong sumandal sa dibdib nya at ramdam ko ang bawat tibok ng puso nya. Pakiramdam ko sumasabay ang tibok ng puso ko sa puso nya, parang pareho lang ang nilalaman nito. Ang sarap ng pakiramdam sana lang totoo, sana di lang pangarap, sana di lang puro sana.

          Matapos naming mag-dinner nag-arcade lang sandali ang mag-ama. Nagyaya na din akong umuwi at medyo late na din. Pagkahatid sa amin ni Alex hinatid ko na sya sa may pintuan ng condo namin...

"Thank you for today. Nag-enjoy ang anak mo." Sabi ko
"Ako rin naman sobrang enjoy kasama kayong dalawa. Bakit di ka ba nag-enjoy? Sabi mo kasi si Fonsy lang." sabi ni Alex
"Grabe ka siempre oo...makita ko lang masaya si Fonsy masaya na din ako..." alam kong namula ang pisngi ko sa tanong nya sa akin
"Okey i'l go ahead. Late na matulog ka na. Wag ka na magpuyat may bukas  pa naman sa mga iba mong gagawin. Send mo ulit yung mga pictures kanina ha. Kahit bukas nalang upload ko lahat para mapa-develope ko." Sabi nya
"Okey ingat ka pauwe...drive safe!" Sabi ko sa kanya

          Nagulat ako ng hinalikan ako ni Alex sa kanang pisngi ko. Di ako nakagalaw para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Natauhan nalang ako ng makita ko syang papasok sa elevator ng building. Sinabihan pa nya akong mag-lock na ng pinto....dali-dali akong pumasok at halos pabalibag kong naisara ang pinto. Hindi ko inaasahan yun. The last time hinalikan nya ako ng ganun graduation day ko. Nung gabing may nangyare sa amin iba na naman yun kasi lasing sya nun. Para akong lumulutang sa kama ko ng pag-higa ko. Di pa ako nakakapagbihis mula sa soot ko kanina. Ang daming nangyare ngayong araw na ito, may yakapan at may paghalik pa??? Nakaka-overwhelmed, dapat na ba akong mag-expect of something??? Para akong teenager na nahalikan ng longtime crush nya....

          Ayoko, hindi pwede...baka masaktan lang ako ulit. Mahirap na, i have to guard myself again.... me and my stupid heart....

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon