Revelation

826 19 0
                                    

BEA's POV

         Sa mga nag-daan na mga araw maayos ang sitwasyon namin ni Alex. Kulang na lang sa condo ko sya tumira. Sobrang close na nilang mag-ama as sa nakikita ko binabawi talaga ni Alex ang mga araw na di nya kasama ang anak nya. Gaya ng mga nakaraang weekend bonding kaming tatlo nila Fonsy sa mall.

"Dad, watch tayo movie after ha!" Si Fonsy kausap ang daddy nya habang kumakain kame ng lunch. Kahit sa pagkain di nawawala ang kulitan ng mag-ama.

"How's your week honey? Sobrang busy ka yata? May bago ka nanaman bang novel?" Tanongbsa akin ni Alex magkatabi kame upuan habang nasa harap namin si Fonsy

"Medyo busy kasi may ginagawa kaming story pero hindi pang pocketbook. Try namin mag-pass ng story pang indi film. Malay mo makalusot." Sabi ko kay Alex habang busy sya sa kakapisil ng kamay ko

"Daddy sabi mo magbi-beach tayo nila mommy. Tuloy pa ba yon?" Ang makulit na si Fonsy
"Siempre, tuloy yun wait natin ang sem break mo para di naman bitin ang vacation natin. Hon gusto mo sa Davao tayo sa sem break ni Fonsy para pakilala na natin sya sa mga lola." Ayan nanaman si Alex talagang gusto na nyang ipakilala ang anak namin sa pamilya nya.

          Masaya kaming kumakain ng lunch habang nagkukulitan ang mag-ama ng biglang sumulpot si May sa harap namin....

"Well well well, small world Alex. Sino ka nga pala??" Pang iinis ni May habang nakatingin sa akin

"Dad who is she???" May halong pagtataka ni Fonsy sa babaeng kaharap namin

"And who are you young man? And why are you calling Alex dad?" Sarkastikong tanong ni May habang palitan nya kaming tinitingnan ni Alex

"I'm Fonsy po and he's my daddy. Di ba dad?" Bibong sagot ng anak ko

"OMG? That's not possible? Alex sino ang batang 'to? Care to explain it to me!" Medyo tumataas na ang boses ni May at nakakakuha na kame ng atensyon. 

          Nanlalamig na ako sa kinauupuan ko halos hatakin ko na ang kamay ko sa pagkakahawak ni Alex pero ayaw nyang itong bitawan at mas lalo pa nyang hinigpitan ang hawak dito.

"Actually i don't owe you any explanation...pero sige for your satisfaction...i want to introduce to you my son Alfonso and here is Bea my soon to be wife and the mother of my child. Satisfied???" Nakawang sagot ni Alex habang hapit nya ang balikat ko palapit sa katawan nya.

"Hindi ako naniniwala sa'yo asshole...how can you have a son while you were with me in the states. Kung gagawa ka rin lang ng kwento yung paniniwalaan ko na." Inis na sabi ni May habang masama ang tingin nya sa akin

"I don't care if you believe in me or not May. It does'nt  matter. Your opinion is not important to us. Just leave so we can have a peaceful lunch." Si Alex na halatang naiirita na sa kausap nya.

"I know you are just doing these things para tigilan na kita...malamang ang batang ito ay sa disgrasyadang babaeng yan na inaako mo naman dahil baliw na baliw ka sa babaeng yan. Alex ipagpapalit mo ako sa babaeng yan na may anak na sa pagka-dalaga? Ganyan ka na ba talaga ka desperado na alisin ako sa buhay mo? Pati anak ng ibang lalaki ay inaako mo?" Di na napigilan ni May ang boses nya at halos nakatingin na sa amin ang mga tao sa restaurant

          Kahit ako ay di na nakapagpigil kaya tumayo na ako. Di ko hahayaang si May para ipahiya ako sa harap ng anak ko at sa maraming tao. Pigil ni Alex ang kamay ko pero nagsalita pa din ako

"Wala kang alam tungkol sa akin...wala kang alam sa pinagdaanan ko at wala kang karapatan para tawagin akong disgrasyada. Wag mo akong susubukang kantiin dahil di kita uurungan.." nanginginig na ako sa galit at gusto ko ng hablutin ang buhok ng babaeng ito

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon