AIRCRAFT HANGAR

940 29 2
                                    

ALEX POV

Nasa aircraft hangar kame ng airline. Dito kame nag-aayos ng mga eroplano. Para lang itong talyer yun nga lang mga eroplano ang naka-garahe dito. Puro pinoy ang kasama naming technicians. Tatlo kaming naiwang engineer mula amerika. Si Chief bumalik na sa mother company at ako ang tumatayong chief engineer dito.

Di mawaglit sa isip ko ang usapan namin ni Caloy nung isang gabi. Napuntahan na nya si Ana at wala syang napiga na impormasyon tungkol kay Bea. Pati pinsan ni Bea sa davao walang alam kung kumusta na sya. Ni hindi daw nila alam kung nasa pilipinas pa ito o baka sumunod sa pamilya ng daddy nya sa canada. Para daw naglaho si Bea na parang bula na lang magmula ng umalis ito doon. Pero ang tumatak sa isip ko ang ay sinabi ng isang ka-teammate namin noon sa basketball. Mahirap daw hanapin ang taong ayaw magpahanap. Ano kaya ang ibig nyang sabihin doon. Nagtatago ba si Bea? Bakit? Anong dahilan? Bakit kahit kailan di sya bumalik sa Davao? Bea loves that place...dun sya lumaki at nagka-isip.

Magmula ng makita ko sya sa mall di na yun naulit. Sobrang panghihinayang ko na di ko sya nasundan para man lang malaman ko kung saan sya nakatira sa manila. Mas lalo akong naging sabik na makita sya ulit. Mas gusto kong malaman kung anong nangyayare sa buhay nya ngayon. Gusto kong malaman kung anong relasyon nya sa lalaking kasama nya at kung para kanino ang mga laruanh binili nila. Ayoko mang isipin pero sumasagi sa utak ko na baka para yun sa anak nila ng lalaking yun. Di ako matatahimik hangang di ko nalalaman ang totoo. Parang sasabog ang dibdib ko tuwing naiisip ko ang eksena sa mall...ang pag-akbay nya kay Bea, ang pagkuha nya sa bag nito para di mabigatan....gusto ko syang sapakin.

Isa pa si May...pinapasakit nya ang ulo ko. Ayaw pa din nyang sumuko na di kame talaga para sa isat-isa. Tinapat ko na sya na talagang hangang dito na lang kame at di ko kayang pantayan ang pagmamahal nyang binibigay sa akin. Di pa rin sya sumusuko at hihintayin daw nya ako sa america at saka daw kame mag-uusap ulit. Ayoko ng makipagtalo pa sa kanya. Basta atleast nasabi ko na ayoko na at ituon nalang nya ang oras at pagmamahal nya sa iba. Wala na akong mg stay pa sa america gusto ko na dito tutal same company dillar pa din ang sweldo. Kaylangan nga lang namin ikutan ang tatlo pang hangar sa asia. Pero okey na din bale dito ako base ngayon sa pilipinas. Kung kaylangan ako sa singapore o sa thailand araw lang ang iwawalay ko sa pilipinas. Oras lang din ang byahe walang magiging problema sa akin. Mas gusto ko na ang ganito.

" pare mamaya ha labas tayo..." sabi ni carl
" o chief happy-happy naman ah" si Ram
" ano bang meron....di mo naman birthday?" Alex
" chief unwind lang masyado kang seryoso tatanda ka agad nyan..." si Ram
" oo na oo na. Basta wag sa masyadong maingay na bar saka wag dun sa crowded..." Alex said
"Oo may tinuro sa akin si fred yung technician natin na isa .... maganda daw dun sa bagong bar pwede mag-sing-a-long. O di ba...dun tayo mamaya..." carl
" siguraduhin nyong ok dyan at makaka-unwind tayo kungdi patay kayo sa akin..." sabi ko

Nasabi ko sa sarili ko na kung nagtatago si Bea o ayaw nyang magpahanap malamang may malaki syang dahilan. Mas lalo kong kaylangan syang makita...at mas lalong walang dapat makaalam na hinahanap ko sya at nandito ako sa pilipinas. Di ko alam kung anong rason nya pero hindi ako naniniwalang walang alam si Ana kay Bea. Napaka-imposible nun halos magkarugtong ang hininga ng dalawang yun. Kung wala akong mapipiga kay Ana ako na ang gagawa ng paraan. Oo malaki ang manila pero the meer fact na nakita ko sya sa mall ibig sabihin andito lang sya sa area at pareho lang kame ng ginagalawang lugar. Di pa din ako nawawalan ng pag-asang magtatagpo din kame one of these days. Kaylangan ko lang balik-balikan ang mall na yun. Ramdam kong malapit lang sya sa akin.

Nasa bookstore ako may bibilhin sana akong libro ng mapadaan ako sa shelves ng mga pocketbooks. Naalala ko nun sinasamahan ko si Bea na bumili ng mga ganoong libro. Mahilig syang magbasa ng mga romance novel. Napaka idealistic nya sa pagiging inlove at pagkakaroon ng relasyon. Madalas ko sya pagalitan at pagsabihan na bata pa sya para magkaroon ng boyfriend. Kahit sinisimangutan nya ako eh alam ko namang nakikinig sya sa akin. Wala syang sinagot noon ni isa sa mga nanliligaw sa kanya. Madami akong itinaboy na manliligaw nya...tinatakot at binabantaan. Dahil malaking tao ako takot sila sa akin. Akala nila kuya ako ni Bea, yung iba nagmamatigas pero matapos naming i-bully di na din babalik. Halos walang makalapit sa kanya nung mga panahon na yun bantay sarado si Bea at ikinatutuwa ko yun. Minsan iniisip ko na kung sana siguro hindi ako nagpuntang America di rin kaya umalis si Bea ng davao? Pano kaya kung niligawan ko sya tutal naman tapos na sya ng college nung mga panahon na yon at may maayos akong trabaho. Pwede ko na syang ligawan di na nakakahiya sa pamilya nya malapit na rin naman syang mag twenty nun...? Ang daming bakit? Ang daming kung sana?

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon