Finding Bea

1K 27 0
                                    

ALEX POV
          Nagsimula akong kontakin si Caloy...di sya naka online sa messenger. Lampas 10 months na din ng huli kaming nagkamustahan. Nag-iwan ako ng message para sa kanya....

"Caloy musta ka na. Bro please reply pag nabasa mo 'to... need to talk to you ASAP" yan iniwan kong message sa messenger nya

          Sinunod kong hanapin si Ana ang bestfriend ni Bea pero no luck talaga....mas lalo na ng i-search ko si Bea sa internet....fb, instagram, twitter no luck pa din. Naisip ko tuloy na baka may asawa na sya at malamang iba na ang gamit nyang apelyido. Pero ayoko munang mag-isip ng ganon....bata pa sya para mag-asawa. Saka sana may nabalitaan ako. Pano nga kaya kung meron na. Biglang sumakit ang ulo ko. Sana mag-online si Caloy sya nalang ang pag-asa ko. Ano kayang gamit na pangalan ni Bea sa fb baka naman di nya ginagamit yung totoo nyang name. Yung iba nga dyan binabaligtad ang spelling bg pangalan nila kaya mahirap i-trace. Ayoko munang dagdagan ang mga alalahanin ko. Kay Caloy muna ako magtatanong.
          Di pa din ako dinadalaw ng antok dahil din siguro iba ang oras dito at hindi pa nagkakapag-adjust ang katawan ko sa time difference. Halos pass 3 na ng madaling araw ng mag-pop-up ang pangalan ni Caloy sa screen ng laptop ko....

" bro musta....anong nakain ko at ng pm ka sa akin? May problema ba?" Si caloy

          Di ako nakatiis tinawagan ko na sya sa messenger para mas mabilis ang usapan namin. "Caloy kumusta?" Sabi ko " Nasa davao ka pa din ba? Musta ang tropa dyan?" Kinumuta ko muna sya

"Gago ang tagal na nung huli tayong nagkumustahan? Anong nangyare sa'yo? Okey kame lahat dito. Ikaw ang kumusta? Kelan ka magbabakasyon dito?" Si caloy

"Bro may balita ka kay Bea? Nasa manila pa ba sya o sumunod sa pamilya nya sa canada? Nag-asawa na ba sya?" Tanong ko

"Yan wala akong alam kasi mula ng umalis sya ng Davao di ko na sya ulit nakita. Alam ko nasa manila pa din sya. Asawa? Di ko alam wala akong balita sa kanya..." si caloy

"Ganun ba? Si Ana? Andyan pa din? Di ba bestfriend nya yun?" Sabi ko

"Naku di ako nagagawi sa kanila saka busy yun dahil sya na ang nagpapatakbo ny grocery sa bayan. Kahit pareho kaming andito sa davao di naman kame halos nagkikita. Alam mo na night shift ako kaya pag gising sya at nasa grocery nila patulog pa lang ako nun..." si caloy

"Bro baka naman may mahagap kang info about Bea balitaan mo naman ako..." sabi ko

"Bro anong meron at hinahanap mo si Bea? Hangang ngayon pa ba? Bakit kasi nung magkakasama tayo di mo diniskartehan? Andito ka lang sa Davao abot kamay mo yung chick na halos alagaan mo mula magdalaga. Tapos ngayon saka mo hahanapin kung kelan di na natin nabantayan." Litanya ni Caloy...

          Nagtaka ako sa sinabi ni caloy sa akin kaya napatanong din ako sa kanya.... " anong sinasabi mo?" Sabi ko

"Alex para na tayong magkapatid alam ko kung anong ibig sabihin ng mga ikinikilos mo kabisado kita. Yung panghaharang mo sa mga manliligaw ni Bea noon...yung pagbabantay mo sa pag-uwe nya sa bahay at yung halos samahan mo sya kahit pagpunta lang sa cr sa likod ng court dahil madilim dun. Pare ako pa ba ang di makakabasa sa mga kilos mo? Nagtataka lang ako kung bakit pinalampas ko ang mga pagkakataon nung magkakasama pa tayo dito sa Davao..." si caloy

          Malalim na bunting hininga lang ang naisagot ko kay Caloy at..... " bata pa kasi si Bea nun ayokong may masabi ang mga pamilya namin kung sakaling ligawan ko sya. Tsaka isa pa pupunta ako ng America ayokong maging kame tapis iiwan konlang sya dito. Saka bro nung mga panahon na yun magulo pa nun...ayokong makasakit at ayokong mSira ang pinagsamahan ng pamilya namin kaya hinayaan ko na lang. Di ko naman akalain na hangang ngayon eh maiisipan kong hanapin si Bea...."

"Sige ganito nalang...magtatanong-tanong ako pero hindi ako nangangako ng may makukuha akong impormasyon pero try ko pa din. Dadaan ako sa grocery nila Ana magbabaka-sakali ako..." si caloy

"Sige bro salamat basta balitaan mo ako... one of these days dadalaw ako dyan...thank you bro!" Sabi ko

          Yun lang muna ang pag-uusap namin dahil duty na si Caloy sa trabaho nya. Di ko muna sinabi na nakita ko si Bea at nasa Manila ako ngayon. Ayoko munang may makaalam na nandito ako baka may makapag sabi kay Bea baka taguan ako ng babaeng yon. Nanghihinayang akong di ko sya nasundan kanina pagkakataon sanang malaman ko kung san sya nakatira. Di bale may mga darating pang pagkakataon. Atleast ngayon alam ko kung saan syang mall namamasyal at san sya kumakain ng pizza.
          Para akong gago nasabi ko sa sarili ko. Ngayon ako naghahabol sa kanya kung kelan parang masaya sya sa boyfriend nya. Ang sweet nila tingnan kanina kung makaakbay yung gago na yun sa balikat ni Bea akala mo naman mawawala lagi. Sarap sapakin ng lalaking yon. Magkaroon lang ako ng pagkakataon lulumpuhin ko yun para di na makalapit kay Bea.

BEA's POV

          Hangang ngayon napapaisip ako kung si Alex ba yung nakita ko sa mall. Pero malabo naman yata kasi nasa US sya pano sya mapupunta dito. Hmp nababaliw na yata ako sa kakaisipnsa isang yun at pati sa mall ay inaakala kong nakita ko sya. Ayokong magtanong kay Ana baka magtaka sya. Napagkasunduan na namin kasi na di nanamin babanggitin pa si Alex sa mga kwentuhan namin. Ako pa nga ang nagsabi sa kanya nun kaya di pwede ako magtanong ng tungkol kay Alex.

          Mabuti pang kalimutan ko nalang yan di na maganda ang nagiging  epekto sa isip ko pag tinuloy ko pa ito. Okey na ganito na lang walat-walang koneksyon sa isat-isa. Mas tahimik walang kumplikasyon. Ayoko ng guluhin pa ang magulo ko ng buhay. Dapat sa akin mag focus sa mga dapat kung gawin. Kaylangan ko ng matapos ang isinusulatbkong novel para naman may mai-submit na ako sa publishing house. Ngayon lang yata ako nabakante ng ganito katagal. Ayoko ng ganito walang magyayare pag tinuloy ko ang kagagahan ko.

          Bukas na bukas din kaylangan kong mag update sa novel ko. Focus Bea focus. Ayokong mabawasan ang trust fund mas mabuting palaguin ko yun para sa mas malaking pagkakagastusan sa future. Maayos din naman ang mga turn-outs ng mga novel ko...best seller pa din sa bookstore kaya kailangan ko lang ituon ulit ang isip ko sa nga nobela ko. Tama Bea ganyan nga...wag mo ng dagdagan pa ng kumplikasyon ang sitwasyon na meron ako....

          Okey na ako bukas....kaylangan konng bagong idea at bagong line of thoughts para sa pending novel...itutulog ko lang ito para bukas maging maayos ang takbo ng utak ko at maituloy na ang nakabitin kong trabaho....
    
          Kaylangan ko bukas ng bagong environment para mas ma-inspire akong magsulat. Gusto ko bg bagong ambiance sana makakita akonng kapihan na may garden o may swing....i need to inspire my thoughts....positive lang lage Bea

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon