Alex's Version

918 27 3
                                    

ALEX 's POV

          Nasa loob ako ng isang grocery store ng mapansin ko ang isang bata habang nilalaro nya ang bola ng basketball. Natuwa akong pagmasdan sya, naalala ko nung bata pa ako kung gaano ko gustong maglaro ng basketball. Umupo ako sa harap nya para magpantay kame. Ewan ko bakit kinausap ko sya hindi ko naman gawain ang ganon pero may iba akong naramdaman kung bakit ko sya nilapitan at kinausap....

"Hey who's with you? I'm Alex. Is this yours?" Sabay turo ko sa bolang hawak nya "you know how to play baskeball?"
"Yeah but i don't have someone to play it with. My mom doesn't know how." Si Fonsy
"What's your name?" Hinawak ko ang bola at ng dribol ng konti habang naka-upo sa harap nya. Nakita nya siguro na marunong ako kaya namilog ang mata nyang ngumiti sa akin
"I'm Fonsy...you know how to play basketball? Can we play?" Si Fonsy ulit...tumayo sya sa harap ko at nawala ang kanina bored nyang mood
"Sure...but not here baka mapalabas tayo." Pero tinuloy ko pa din ang pag-dribol ng bola. Sumilay sa labi nya ang ngiti ng magpakita ako sa kanya ng moves how to handle the ball properly.
"Wow...can you teach me that....?" Si Fonsy ulit
"Yes I can...but how about your dad? Di ka ba nya tinuturuan mag basketball?" Habang ng squat ako sa harap nya para magpantay kame ni Fonsy. Biglang lumungkot ang mata nya...
"I don't have a dad.." bumuntong hininga ang bata sa harap ko

          Ginulo ko ang buhok nya sabay ng tawag ni Carl sa akin papuntang counter. Nakitang kong tumakbo na din si Fonsy sa ibang direksyon dahil may tumawag sa pangalan nya. Di ko na hinabol marahil mommy nya ang tumawag sa kanya. Nasa ibang counter kame ng makita ko ulit si Fonsy mag-isa sa tabi ng push cart nakapila. Sinabihan ko si Carl na mauna na at may kakausapin lang ako. Pinuntahan ko si Fonsy at ngumiti ulit sya sa akin habang papalapit ako sa kanya. Di ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Para kasing nabagabag ako ng sabihin nyang wala syang daddy. Sino bang bata ang walang daddy??? May iba sa mukha ng batang ito...parang may magnet sya at hinihila ako papalapit sa kanya. Para bang tinitingnan ko ang sarili so sa salamin. Magkapareho kami ng mata, nakikita ko ang itsura ko nung bata pa ako sa kanya. How does it possible? Habang kausap ko sya i feel happy, magaan sa pakiramdam noon ko lang naramdaman ang ganoon.

"Hey Fonsy...where's your mom?"
"She get me some chocolates....i love chocolates but i can't eat that much i had asthma." Sabi nya
"Chocolates my favorite...." i'm still fascinated with this boy i still want to talk to him. To know him more.
"I can't call you just by your name. My mom said to respect people older than me. Can i call you tito Alex instead?" With a smile in his face talking to me
"Of course...i love that!" Habang ginugulo ko ang buhok nya

          Suddenly a lady approach us. Lumingon ako hearing that familiar voice...

"Fonsy here...you can eat this but not to much okey?" Sabi nya pero di pa nya ako napapansin dahil kinakausap pa nya si Fonsy
"Mom this is my friend...tito Alex! Sya yung kinukwento ko sa'yo kanina!" Si Fonsy
"Bea? Your Fonsy's mom?" Tanong ko na hindi makapaniwala na nasa harapan ko sya at sya ang mommy ni Fonsy
"You know each other? You know my mom?" Si Fonsy with a big question mark written all over his face
"Yeah we're friends since we were kids..." yun lang naisagot ko habang nakatitig ako kay Bea

          I stayed with them hangang makapagbayad sila sa counter hoping i will get some more informations. But Bea stay quiet only nods and very little words came her mouth. She is busy with her fone. Only Fonsy and I are talking to each other. The boy is so interested in basketball and boys stuff. I even offered them some help para buhatin ang mga pinamili nila. I'm hoping that they don't had a car para sa akin na sila sumakay at maihatid ang mag-ina. But unfortunately they have their own kaya hangang parking lot kung saan naka park ang kotse ko sila naihatid. Fonsy wave me goodbye habang di man lang ako tinapunan ng tingin ni Bea ng nasa loob na sila ng kotse. Simpleng thank you lang ang narinig ko bago sya sumakay at wala na...di ko mahuli ang nag-iiwas ng mga mata ni walang expression ang kanyang magandang mukha. Tinandaan ko ang plate number ng kotse nya dagdag impormasyon na maibibigay ko sa PI na inuupahan ko para ma-trace ko si Bea. 

          Nasa condo na ako ng tumawag ang PI na inuupahan ko. Di ko sinabi sa kanya na nagkita na kame ni Bea dahil yun lang naman ang nangyare wala pa din akong alam kung anong meron sa buhay nya ngayon maliban sa may anak na sya. Sa tingin ko mas lalo kong dapat mag pursige na ipahanap sya dahil sa natuklasan ko. May resulta na daw yung pinapagawa ko sa kanya kaya pinapunta ko na lang sa condo...

"Sir may nakuha na akong impormasyon. Sori natagalan. Napaka pribado pala ng babaeng pinapahanap nyo. Pati pangalan na binigay nyo wala akong nahukay." Sabi ni Fred (PI)

Inilabas ni Fred ang laman ng dala nyang brown envelope. Picture ni Bea at ni Fonsy ang tumambad sa akin....mga files ng mag-ina at mga impormasyon na nakalap nya.

"Dig some more...alamin mo lahat ng nangyare simula ng umalis sya galing Davao papuntang manila six years ago." Sabi ko kay Fred

Tumango sya sa akin at saka umalis na ng condo ko. Naiwan ang laman ng mga envelope kanina. Pinagmasdan ko ang mga litrato nakakalat sa dining table. Napaka-ganda ng mukha ni Bea... at si Fonsy bakit wala syang ama. Anong klase ang lalaking nakasama ni Bea at iniwan silang mag-ina? Di man lang yata nakilala ng bata ang ama nya.

Binasa ko lahat ng mga nakalap na impormasyon ni Fred. Apelyido ni Bea ang dala ni Fonsy....ALFONSO CONCIO 5 y/o. Napaisip ako bumigay agad si Bea pagdating nya ng manila. Malamang dinaan sya sa bilis ng gagong lalaking ama ni Fonsy. Nagsusulat na pala sya ng nobela pero wala dito ang workplace nya. Andito din ang address ng condo unit nya. Siya pala ang nasa likod ng pen name na STUPID HEART sa pocketbook novel. Napangiti ako sa isiping tinuloy nya ang chilhood dream nya na maging writer. Sana matagal ko na syang hinanap. Mahirap siguro ang naging buhay nya lalo sa pagpapalaki mag-isa sa anak nya. Nalungkot ako at nanghihinayang sa panahon. Sana din na lang ako pumunta ng america. Iningatan at inalagaan si Bea tapos lolokohin lang sya at iiwan. Bumagsak ang balikat ko sa isiping yun. Wala ako sa tabi nya lalo sa mga oras na kaylangan nya ng makakasama at tutulong sa kanya. Pero wala na akong magagawa nangyare na ang nangyare di ko na mabubura yon. Di na mababago ang mga naganap six years ago. Sa ngayon kaylangan kong makapasok sa buhay nilang mag-ina. Andito na ako para alagaan sila...si Bea at si Fonsy. Kaya pala sobrang lungkot ng mga mata ni Fonsy nung sinabi nyang wala syang daddy. Kaylangan kong makaisip ng paraan para mapalapit sa buhay ng mag-ina. Lalo kay Fonsy gusto kong maalis ang lungkot sa mga mata nya. Babawiin ko kung anong dapat ay sa akin. Di na ako papayag na mawala pa silang dalawa. Ano pa man ang napagdaanan ni Bea wala akong pakialam...akin sya noon hangang ngayon. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.

Natutuwa akong titigan ang mga litrato ng mag-ina. Lagi sila sa mall sa toy store, kumakain sa isang fastfood. Sa arcade, nagsusundo din si Bea sa school kay Fonsy. Madaming picture si Bea habang nasa coffeeshop may dalang laptop sabi sa report ni Fred dun daw nagsusulat si Bea ng mga story sa novel nya. Madami na din syang na-publish na pocketbook. Maganda ang mga ngiti nya pero di tumatagos sa mga mata nya. Kumusta nga kaya talaga si Bea??? At si Fonsy kaylangan nya ng ama...natigilan ako sa isang litrato ni Fonsy close-up ng mukha nya nakahilig sa balikat ni Bea. May kamukha ang bata...kahit ayaw kong isipin pero yun ang itsura ko nung bata ako??? Panu nangyare na kamukha ko ang anak ni Bea? Bakit ko sya kamukha? Pareho kami ng mata, ng ilong pati hugis ng mukha. Anong koneksyon ko kay Fonsy? Napaglihian ba ako ni Bea? Totoo ba ang lihi? Sandali lang may sumagi sa isip ko....yung bahid na pula sa kutson ng kama ko sa Davao. San galing yun? Sabi ni manang nakita nya yun nung umaga pagkatapos ng despadida ko papuntang america. Sobrang lasing ako ng gabing yun...si Bea din ang umalalay sa akin paakyat ng hagdan hangang sa kwarto ko. Ano ba talaga nangyare nun....wala talaga akong matandaan sa sobrang kalasingan. At ng umagang nagmamadaling pumunta ako sa bahay nila Bea di ko na sya naabutan. Bakit nga ba ako pumunta sa bahay nila Bea nun? Ano nga bang itatanong ko? Alam ko may dahilan ako eh? Sandali may nakita ako kaya ako napabalikwas sa kama non at nagmamadaling pumunta sa bahay nila....may kulay pulang bahid yung bedsheet may.... DUGO!!!

May kung anong kabang sumilay sa dibdib ko. Inaalalang pilit ang mga nangyare ng gabing yun. Inakala kong panaginip lang lahat... yun ang gusto kong paniwalaan lalo na ng makita kong wala ng bahid na pula ang bedsheet pag balik ko sa kwarto ko. Hinanap ko pa nga yung bedsheet pero nakasalang na ito sa washing machine kaya mas lalo naging malabo ang kumpirmasyon ko.

Kaylangan kong malamn ang totoo...gusto kong malaman lahat. Hindi ako makakapayag ng ganito na lang. Aalamin ko ang lahat mula sa umpisa. Sana tama ang hinala ko...sana hindi pa huli ang lahat....sana umayon sa akin ang tadhana...

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon