Bonding with Fonsy

913 22 5
                                    

BEA's POV

Pagkatapos ng tanong na yun ni Fonsy di na nya na inulit. Ilang araw ko muna syang pinagpahinga saka ko ulit pinapasok sa school. Susunduin ko na sya para magbo-bonding kame tutal saturday na bukas at wala syang pasok.

"Fonsy....!" Nakangiting tawag ko
"Mommy!!!" Sabay takbo papunta sa gawi ko

Niyakap ko sya at binuhat papasok ng kotse. Sa loob nagtanong ako...

"O san mo gustong kumain?" Sabi ko
"Bonding tayo mommy?" Namimilog ang mata nya habang nagsasalita
"Oo naman, ano gusto mo kainin? Movie tayo gusto mo?" Ako ulit
"Eat muna mommy i'm hugry eh." Sabi ni Fonsy

Feeling ko kaylangan kong bumawi sa anak ko pagkatapos ng tanong na yun tungkol sa ama nya. Kailangan kong iparamdam sa kanya na okey lang kahit kaming dalawa lang, na walang kulang sa kanya kahit di nya nakakasama ang ama nya. Di ko pa din masagot ang itinanong nya sa akin noong nakaraang araw. Gusto kong maramdaman nya na sapat na ako para sa kanya.

Dinala ko si Fonsy sa favorite restaurant nya...masigla na ulit ang anak ko at masayang kumakain ng...

"Mom teacher told us about family day in school. I don't want
to go coz i don't have a daddy to tag along?" Sabi ni Fonsy
"It's okey baby i'm here i'll be there ang nanay maring too." Sabi ko
"Mom my classmate said that family should be mommy, daddy and son or daughter" sabi nya ulit
"Fonsy it's not always like that...kahit mommy and son family pa din yun..." pilit ko
"Among my friends ako lang ang walang daddy? How was that?" Si Fonsy
"Because sometimes yung ibang family yung daddy nila nag-wo-work sa ibang country sa malayo.." sabay buntong hininga ko
"Eh bakit sila may picture ng buong family with their dad? Why us wala nun? I never saw a picture of dad? May classmate din ako work din sa malayo ang dad nya pero he comes home. And when he's dad is here sya ang sumusundo sa classmate ko.." si Fonsy

Wala nanaman akong naisagot sa kanya. Mas mabuti na yun kesa magsinungaling ako sa anak ko. Ngayon ko naisip na madami na palang mga tanong na naglalaro sa murang isip ng anak ko. Na nai-ko-compare na pala nya ang sitwasyon namin sa mga kaibigan nya at classmate sa school. Madami na syang sagot na gusto nyang makuha sa mga mumunting tanong tungkol sa ama nya. Hindi ko ito napaghandaan akala ko baby pa si Fonsy...akala ko okey lang sa kanya ang lahat. Hindi ko yata ito kakayanin ng mag-isa. Tama ang sinabi ni Mia kayalangan di ako mag sinungaling kay Fonsy ayokong dumating ang araw na magagalit sya sa akin dahil bukod sa itinago ko ang tungkol sa ama nya ay nagsinungaling pa ako. Ayokong magpatong-patong ang kasalanan ko sa anak ko. Ngayon palang kailangan ko ng paghandaan ang mga tanong ni Fonsy. Alam kong hindi pa huli para sa ganitong bagay...dapat lang na maipaliwanag ko sa anak ko ng maayos ang sitwasyon namin sa paraan na di sya malilito at masasaktan.

Habang nasa mall di pa din naalis sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Fonsy kanina. Umuukilkil sa utak ko ang mga sinabi nya. Sa mga ganitong pagkakataon ko nararamdaman ang panghihinayang na sana nabigyan ko ng buo at kumpletong pamilya si Fonsy. Nangyare na ito sa akin noon nung namatay ang mommy ko at nag-asawa ng iba ang daddy ko. Pakiramdam ko habang lumalaki ako mag-isa ako, na outsider ako sa bagong family ni dad. Ngayon naman halos kapareho lang din ang nararanasan ni Fonsy...yung para bang may kulang sa pagkatao mo. Sa murang kaisipan nya nakikita kong may hinahanap sya. Dahil kung ramdam nyang walang kulang sa kanya eh di sana di nya kinukumpara ang sarili nya sa iba. Ayokong maawa sa anak ko at sa sitwasyon namin dahil kung tutuusin di naman sya kulang dahil may ama naman talaga sya at nasa ibang bansa lang.

Maghapon kame sa mall nag arcade at binili ang gusto nyang laruan sa toy store. Kumain ng mga favorite nyang pagkain. Mag-movie sana kame kasi di pa showing ang gusto nyang palabas. Kahit pagod nakta ko ang ngiti sa labi ng anak ko tumatagos yon hangang sa mga mata nya. Lumalaki syang parang mini version ni Alex. Walang makapagsasabi na di sya anak ni alex lalo na ang mga nakakakilala sa aming dalawa. Kaya mas lalo akong natatakot na may maka-alam ng tungkol kay Fonsy.

Napansin yata ni yaya na pananahimik ko. Nasa kusina kame at dala ko ang laptop ko sa dining table habang si yaya ay busy sa gawain sa kusina. Si Fonsy ay mahimbing ng natutulog sa kwarto nya.

"Kumusta ang pamamasyal nyong mag-ina? Napagod yata ang batang yan..." si yaya
"Okey lang ya, alam mo naman si Fonsy sobrang active!" Sabi ko
"May problema ka ba? Mali...may problema ka alam ko...sabihin mo na. Tungkol ba ito sa tanong ni Fonsy sa'yo nung isang araw?" Si yaya
"Ya, kanina sa kotse nagtatanong ulit si Fonsy. Sabi daw ng classmate nya dapat pag family may daddy, mommy at anak." Sabi ko
"Ano pa? Hinanap nya ba sa'yo kahit picture ng ama nya o family picture nyo?" Si yaya
"Ha? Bakit may sinabi ba sa'yo si Fonsy? Nagtanong din ba sa'yo?" Laking gulat ko sinabi ni yaya
"Matagal na ayoko lang banggitin sayo dahil gusto ko sa kanya mismo mangaling...madami na syang tinatanong Bea. Matalino ang anak mo naikukumpara nya kayong mag-ina sa ibang pamilya na merong ama. Pati nga tatay ng kaibigan nya na nasa abroad alam nya at kung nasa abroad din daw ba din ang daddy nya kaya di nyo kasama. Bea malaki na si Fonsy nakaka-halobilo na nya ang ibang bata....nakaka-kausap sya ng ibang tao." Litanya ni yaya
"Nalilito ako ya, naguguluhan ako. Akala ko okey na kame ni Fonsy kahit dalawa lang kame....kahit ako lang sa buhay nya." Sabi ko
"Ikaw ang mag dedesisiyon Bea....kung sasabihin mo kay Fonsy ang tungkol sa ama nya. Hangang maaga pa ipaliwanag mo sa kanya kung bakit di nyo kasama ang daddy nya..." si yaya ulit
"Di ko alam kung paano yaya....ayokong magalit sa akin ang anak ko." Sabi ko
"Ngayon palang Bea mag-desisyon ka ipapaliwanag mo kay Fonsy ang sitwasyon nyo ng ama nya o ipapakilala mo si Fonsy sa ama nya? Mamili ka." Si yaya
"Huh....bakit ko naman sya ipapakilala sa ama nya e ni hindi nga alam ng ama nya na may anak sya..." galit na sabi ko
"Ganito yan...kung ipapaliwanag mo kay Fonsy ang tungkol sa sitwasyon nyo ni Alex siguro naman matatahimik yung anak mo dahil masasagot mo
Ang nga tanong nya...matalino ang anak mo Bea wag mong maliitin ang kakayahan ng isip nya na maintindihan ang sitwasyon nyo..."si yaya
"O tapos yung isang option mo ipakilala si Fonsy kay Alex? Ya alam mo ba ang sinasabi mo" sabi ko
"O tama ka kung ipapakilala mo naman ang anak mo sa ama nya....wala ka ng ipapaliwanag pa kasi once na pinakilala mo si Fonsy sa daddy nya may sagot na sya may daddy pa..." si yaya
" ya alam mo para namang napadali sa'yo ng mga gagawin ko para kay Fonsy. Alam mo naman na hindi yun ganoon ka simple. Ni hindi ko nga alam kung naalala ni Alex yung nangyare...ni wala syang ideya na may nabuong bata. Tsaka pag sinabi ko ba sa kanya tatanggapin ba nya si Fonsy, maniniwala ba syang sa kanya yan...anak nya." Sabi ko
Tinuloy ko pa ang pagsasalita... "tsaka ya masaya sya sa buhay binata nya...sabi pa nya he's enjoying his life being a bachelor....ngiting-ngiti pa nga sya nung sinabi nya yun sa akin nung kasal ni Ana..." nandilat ang mata ko sa nasabi ko. Me and my big mouth
"Ano nagkita pala kayo ni Alex sa kasal? Bakit ngayon mo lang sinabi yan? Sana pala sinabi mo na sa kanya na may anak kayo." Sabi ni yaya
"Ha...ya di yun ganun kadali..." sabi ko
"Kaya pala bigla kang umuwe nung gabing yun...andun pala si Alex." Sabi ni yaya
"Hindi ko sya inaasahang makita dun...hindi ko alam san ako magtatago.." sabi ko
"So andito pala sya sa pilipinas?" Si yaya
"Nagbabakasyon lang malamng nakabalik na ng america yun.." sabi ko
"May asawa na ba daw sya?" Tanong ni yaya
"Ya wala nga enjoy nga daw say sa pagiging bachelor. Malamang madaming kinakalantareng blonde yun. Si Alex pa.." sabi ko
"Ayun kaya pala nagseselos ka? Kung sinabi mo na may anak kayo eh di sana tapos ang problema...binata pa pala eh...may daddy na sana yung alaga ko.." si yaya

Inirapan ko si yaya at pumasok na ng kwarto...dinig ko pa ang munti nyang pagtawa sa akin na para bang nakakaloko. Kung sana ganon lang kadali solusyunan ang problema ko. Ni sa isang segundo hindi ko alam na magkaka-problema ako ng tungkol sa ama ni Fonsy. Akala ko dati pag minahal ko sya at binigyan ng lahat ng oras ko di na sya maghahanap. Akala ko pg naibigay ko lahat ng materyal na pangangailangan nya magiging sapat na. Akala ko ang hindi pag banggit o pag-ungkat man lang ng tungkol sa daddy nya di nya maiisip ito. Ngayon ko naisip na kahit anong gawin ko magtatanong at magtatanong si Fonsy tungkol sa daddy nya. Ngayon ko naisip na may ibang taong magpapamulat sa kanya ng mga bagay na iniiwasan ko sanang malaman nya. Mabuti pa nung baby sya simple lang ang mga gusto nya. Di ko na yata matatakasan ito....parang kahit iwasan ko at taguan babalik pa din ako sa reality na kaylangan kong harapin ang tungkol sa ama nya. Ano ba talag ang gagawin ko....para akong lumulubog sa kumunoy neto....

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon