The Motive

726 20 0
                                    

MAY's POV

"Ano ba talagang meron sa babaeng yan at patay na patay si Alex sa kanya?"
"Ngayon ka lang yata nagka ganyan sa isang lalake May. Akala ko ba FUBU mo lang si Alex? Bakit parang naghahabol kang girlfriend kung maka-asta ka dyan?" Si Rina
"Eh di ba ikaw nagsabi aa akin na may nagbago kay Alex dahil sa Bea na yon. Kaya nga kahit ayokong pumunta dito sa pilipinas bigla akong naging interesado."

"Wow ha...kinakati ka lang girl! Di mo matanggap na ayaw na nya talaga sa'yo." Si Rina
"Okey na sana kaso maldita ang bibig ng isang yon. Lumalaban parang may pinagmamalaki. Tingnan ko kung hangang saan ang tapang ng Bea na yan." Inis na sabi ko

"Ano ba talagang gusto mong mangyare ha. Nasa America pa lang wala na kayo ni Alex? Nasan na ba yung italyano mong boyfriend? Saka bakit ba hahabol-habol ka ngayon. Ikaw pa mismo nagtapos ng relasyon nyo....kung relasyon ngang matatawag un. Eh wala ngang pakialam sayo si Alex kung asan kang lupalop at kung sinong kinakalantare mo." Si Rina

"Isa pa yan mula ng pumunta ako sa office nya, di ko na ulit sya nakita. Di rin nya sinasagot ang tawag at text ko."
"Bakit nga ba nya sasagutin eh ano ka ba nya? May, meron lang kayo pag gusto mong makipag-sex. Sex buddies lang kayo. Nasaktan lang yang ego mo dahil kahit yun ayaw na ni Alex." Si Rina

"Bwiset...bwiset talaga yang Alex na yan. Lalo na yang Bea na yan...humanda sila sa akin." Sabi ko
"Naku girl...iba na si Alex. Iba nya kung alagaan si Bea. Nung nakasama namin sila sa dinner minsan grabe akala ko di si Alex ang kaharap ko. Ang sabi ni Carl si Bea ang nag-iisang babae ni Alex na sobra nyang inalagaan nung nasa Davao pa sila. Di lang nya niligawan nun dahil alam mo na, bata pa si girl. Bakit ka ba sobrang galit mo dyan? Mahal mo ba si Alex o nasaktan lang ang ego mo dahil tinanggihan ka nya.? Sabi ni Rina

"Ngayon lang tumanggi si Alex sa akin. At ngayon lang din ako tinanggihan ng lalaki. Kala nya, makikita nilang dalawa.!" Sabi ko

"Naku girl kesa aksayahin mo ang bakasyon mo dito, mag-enjoy nalang tayo. Besides eversince naman physical lang ang meron kayo why go deeper kung alam mo namang di yon kayang ibigay ni Alex sa'yo. Don't make your life miserable." Sabi ni Rina

BEA's POV

Nadagdagan pa ng dalawang araw ang stay ni Alex sa singapore. Di na bumalik ulit si May sa condo at nalaman ko din kay Camille na naging girlfriend nga ni Alex si May sa america. According kay Camille walang exclusive relationship si May kay Alex. Oo sila ang constant na kasama ni Alex dahil magkaibigan si Rina at May. Boyfriend naman ni Rina si Carl na kaibigan ni Alex. Pero di ako matatahimik hangang di ko nalalaman ang totoo galing mismo kay Alex. Ayoko ng magulong relasyon, ayokong maeskandalo, ayokong pati anak ko madamay. Si Alex lang ang makakasagot sa lahat ng tanong ko. Kung kailangan kong makipag-break sa kanya wag lang guluhin ni May ang buhay ng anak ko gagawin ko. Bahala si Alex ayusin kung ano man si May sa buhay nya basta di kaylangan madamay ang anak namin dito. Pag si Fonsy na ang pinag-usapan lahat kaya kong isakripisyo.

Ngayon ang dating ni Alex galing singapore, kausap ko sya kagabi. I need to give him the benefit of the doubt. Side lang ni May ang alam ko, at ang impormasyong binigay sa akin ni Camille nung minsang nagkita kame sa coffee shop ng hindi sinasadya. Maliban dun wala na akong alam pa. Ayokong husgahan si Alex sya ang ama ni Fonsy at hindi mapuputol ang ugnayan namin dahil may anak kaming dalawa. Sobrang close na ng mag-ama kaya kaylangan kong lawakan ang isip ko alang-alang sa anak namin. Kung kaming dalawa lang ni Alex ang involve madali pero may Fonsy na sobrang mahal ang daddy nya. Magiging unfair ako sa anak ko kung ilalayo ko nanaman sya sa ama nya. Kahit kay Alex di ko pwedeng pairalin ang galit ko ng ganun-ganun na lang.

COFFEE SHOP

"Hoy babae space-out ka nanaman." Si Ron
"Wala...mamaya na kasi ang dating ni Alex." Sabi ko
"Kaya nga since andito na sya once and for all i'll ask him about that bitch." Si Mia
"Alam mo sa totoo lang malinaw naman na nanggugulo lang yung babaeng yun. Di ba nga FUBU lang sila ni Alex." Si Ron
"Saka Bea ha tigil-tigilan mo na yang pagka-ashumera mo. Ginawa mo na yan six years ago and look what happened. Nasayang ang mga taon na wala sa tabi mo ang tatay ng anak mo pati si Fonsy nawalan. Kaya kung ako sa'yo matuto kang lumaban. Kilala ka namin matapang ka, ipaglaban mo kung anong dapat sa'yo at lalo na kung ano ang dapat para sa anak mo." Si Mia

"Don't worry i will not do the same mistakes six years ago. This time haharapin ko kung anong meron, hindin-hindi ko na tatakbuhan ang problema ko." Sabi ko

Nasa kwarto ako ng katukin ako ni yaya, andyan na daw si Alex. Ayokong makahalata si Alex na may gumugulo sa isip ko. Alam kong pagod pa sya at dumeretso lang galing airport para makita kaming mag-ina. Di ko muna sya kakausapin tungkol kay May busy pa ang mag-ama habang naglalaro. Dami nyang pasalubong kay Fonsy na toys and books. Kahit kay yaya meron din syang inabot kanina. Sabay-sabay kaming naghapunan ipinagluto sya ni yaya ng kaldereta as usual masaya sa dinning habang kumakain kame. Pero alam kong nararamdaman ni Alex na may gumugulo sa isip ko lalo na ng hagilapin nya ang kamay ko habang nakaupo kame kanina sa dinning table.

"Coffee mo. Tapos nito umuwe ka na, alam ko pagod ka." Sabi ko

Niyakap nya ako at hinalikan sa labi at nagpaubaya naman ako. Ang hirap itago ang mga nasa isip ko pero gusto ko muna syang makapag pahinga bago kame mag-usap...

"I missed you...grabe gusto ko ng madaliin ang trabaho sa airline sa singapore. Kala ko may babaguhin nanaman kahapon. Buti nalang nakisama lahat isang final checking okey na. Sobrang miss ko na kayo ni Fonsy." Sabi nya

"I missed you too!" Tipid na sabi ko habang nakayakap din ako sa kanya
"Tahimik ka? May problema ba? Kanina ko pa napapansin." Sabi ni Alex
"Wala pagod lang...ikaw din kaylangan mo ng mag pahinga. Ikaw ba maghahatid kay Fonsy sa school bukas?" Tanong ko

"Oo siempre andito na ako...tsaka sa thursday pa ako papasok sa hangar. I'm free tomorrow." Sabi nya
"Ah okay. May lakad ka ba bukas after mong ihatid si Fonsy?"
"Wala naman. May pupuntahan ka ba? Pag-drive kita?" Si Alex
"Sige...sama na ako paghatid mo kay Fonsy para di ka na pabalik-balik." Sabi ko
"O pano bukas na lang...i love you, tulog ka na." Si Alex
"Sige ingat ka sa pag-drive...i love you too."

Bukas ko na sya kakausapin, the sooner the better. Ayoko ng patagalin pa ito. Mas mabuting alam ko lahat ang tungkol sa kanya. Tama si Mia mahirap mag-assume mahirap mag-conclude. Kung pwede mo namang tanungin yung taong involve mas mabuti. Hindi naman ako tanga para di malaman kung ano ang totoo sa hindi. At mas kilala ko si Alex kaysa sa May na 'yon. Malayo ang dalawang taon nilang naging mag-boyfriend kumpara sa taon na pinagsamahan namin sa davao. Wala namang problema kung naging girlfriend nya si May normal naman yon. Ang gusto ko lang malaman eh kung may relasyon pa sila habang kame na. Ayokong manapak ng babae, ayokong aakusahan ako ng mang-aagaw, hindi ko pinangarap yon.

Mag-uumaga na di pa din ako dalawin ng antok. Di ko alam kung anong mangyayare sa usapan namin ni Alex mamaya. Ayokong sobrang umasa pero sa totoo lang ayokong mawala si Alex. Mahal na mahal ko na sya mas lalo pa ngang tumindi yon ng naging kame na. At kung ako ang pipiliin nya lalabanan ko talaga yang malanding babaeng yan. Gusto ko lang talagang makasiguro na ako nalang ang nag-iisang nasa puso ni Alex. Gusto kong marinig yon galing sa kanya. Ayokong lumaban ng walang kasiguraduhan...kaylangan masagot muna lahat ng tanong ko sa isip ko. From then i'l do my move. Hindi ko isusuko si Alex lalo na pag nalaman kong ako pipiliin nya. Wala akong pakialam kung gaano na sila katagal na FUBU ng babaeng makating higad na yon. Tuwing naalala ko ang mga pinag-sasasabi nya dito sa condo gusto ko syang sabunutan. Mabuti na lang din at di sya mabusisi ng makita nya ang picture ng mag-ama. Mas mabuti talagang wala syang alam tungkol sa relasyon nila. Baka guluhin pa nya ang anak ko. Mahirap na. Sana bumalik na sya sa america at wag ng babalik pa dito kahit kailan. Hay nakakairita talaga ang impaktang yon. Konting oras na lang makakausap ko na si Alex...

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon