ALEX's POV
Nanghinayang akong di nalapitan at nakausap man lang si Bea. Narealize ko na nakaalis na sya matapos kong sagutin ang tawag ni Caloy. Hinintay ko pa din baka naman ng-cr o may kinausap lang... pero mag-iisang oras na di pa din sya bumabalik. Kaya kinuha ko ang fone ko at tinawagan na lang si Caloy baka may importante syang sasabihin.
Dalawang ring lang at sinagot naman nya ang tawag ko...
"Bro bakit...sori nasa loob ako ng bar kaya medyo maingay kanina. Napatawag ka???" Sabi ko
"Bro good news ikakasal si Ana and you know what si Bea ang maid of honor." Sabi ni Caloy
"Holy fuck!!!kelan? Saan? Paano mo nalaman?" Sunod sunod kong tanong kay Caloy
"Narinig kong pinag-uusapan sa supermarket nila...kaso intimate wedding daw kaya exclusive sa family at close friends...rsvp pa nga nakita ko sa invitation." Sabi ni caloy " dito sa davao ang kasal kaya malamang uuwe dito si Bea....sa susunod na linggo na yun.. ano ha? Sama ka?"
"Bakit imbitado ka ba...? Asik ko sa kanya
"Bro wala ka yatang bilib sa akin eh....nakausap ko ang papa ni Ana sa may harap ng bahay nila at alam mo ba inimbitahan nya ako at binigyan ng imbitasyon....nakalimutan mo yatang kaibigan ni dad ang papa ni Ana... o yan ha plus one kita. Kelan ka dadating dito???? Sapatos ko ha!!!" Si Caloy
Halos gusto kong lumundag sa tuwa ng matapos naming mag-usap ni Caloy sa fone...di ko man sya naabutan kanina sigurado ako sa kasal ng bestfriend nya di pwedeng di ko sya makita at makausap. Kung kaylangan ko syang kidnappin gagawin ko para lang masolo ko sya....
Lumaki ang pag-asa kong makikita at makausap si Bea sa davao. Kaylangan paghandaan ko na ito baka wala ng kasunod at mabulilyaso pa ako. Kung boyfriend man nya yung lalaking yun na lagi nya kasama....kaya ko pa syang agawin sa kanya.
BEA 's POV
Kinailangan kong umuwi habang nagkakasayahan pa sila sa bar. Tumawag kasi si yaya maring at may lagnat daw si Fonsy. Pagdating ko ng condo sinalubong ako ni yaya. Napainom na daw nya ng gamot si Fonsy masakit daw ang lalamunan yun daw ang idinadaing ni Fonsy kanina pagkagising ng hapon. Malamang tonsilitis ang hilig kasi sa chocolate parang ama nya. Hmp lagi nalang sumasagi sa isip ko si Alex. Para namang naaalala nya kame at parang alam nyang may Fonsy na nag-e-excist sa mundo.
Kinabukasan dinala ko si Fonsy sa pedia nya tama nga ako tonsilitis nga. As usual pina-alalahanan ko na naman ang makulit kong anak. Bumili muna kami ng gamot bago bumalik ng unit namin sa condo. Yan na talaga ang sakit nya madalas at talaga namang di nadadala pag dating sa tsokolate.
Kinuha ko ang gown kong pinatahe para sa kasal ni Ana. Sa friday ng gabi ang flight ko papuntang davao. Sabado na sana ako pupunta kaso nakiusap si Ana kung pwedeng friday ng gabi ay nandoon na ako para naman makapag-usap man lang kame. Sabado ng alas kwatro ng hapon ang kasal nya kaya malamng sa hotel na kame magkita kung saan din sya aayusan. Friday palang ng umaga naka-check-in na lahat ng kasama sa entorage sa hotel. Kinuha nya ako ng kwarto katapat ng sa kanya....eto na ang huling bonding namin habang dalaga pa sya kaya di ko pwedeng palampasin.
May takot akong humarap sa salamin habang sinusukat ang sosootin kong gown. Maya-maya pumasok si yaya maring at naka ngiting lumapit sa akin....
"Ang ganda...bagay sa'yo...hangang ngayon mukha ka pa ding prinsesa parang nung bata ka pa..." si yaya
"Yaya naman di na ako bata...binobola mo naman ako..." sabay buntong hininga
"Handa ka na bang bumalik ng Davao???" Si yaya
"Wala naman sya doon saka di ko naman isasama si Fonsy..,,hindi sa ayaw ko nag-iingat lang!" Sabi ko
"Ayokong kwestyunin ang mga desisyon mo. Alam kong alam mo ang ginagawa mo. Pero anak minsan wag yung sarili mo lang ang iniisip mo...isipin mo din ang anak mo ang mararamdaman nya....si Alex..." sabi ni yaya
"Ya...kahit katiting walang ideya si Alex na may Fonsy...for all we know baka may asawa at pamilya na sya sa US. Ayoko na sanang gawing kumplikado pa ang buhay naming mag-ina. Maayos naman kaming dalawa at kaya ko naman syang buhayin." Sabi ko "ayokong magkaroon ng obligasyon si Alex sa amin ni Fonsy. May sarili syang buhay hiwalay sa aming mag-ina..."
"Ang sa akin lang anak wag mong isara ang mga posibilidad na baka....baka lang dumating ang pagkakataon na kakailanganin ni Fonsy ang ama nya...kaya dapat bukas din ang puso at isip mo na pwedeng mangyare yun....ayoko lang na masaktan kayong mag-ina lalo na ikaw napakalaki ng isinakripisyo mo para sa anak mo. Tandaan mong di mabubuo si Fonsy ng wala si Alex...."
Makahulugan ang mga sinabi ni yaya sa akin. Sana lang wag dumating ang time na yun....sana wag mag dilang anghel si yaya. Natatakot akong malaman ni Alex na may anak kame. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya. Papano kung di nya tanggapin si Fonsy bilang anak nya? Pano kung di sya maniwalang nabuo si Fonsy sa isang beses naming pagsisiping at lasing pa sya. Matandaan pa kaya nya na may nangyare sa amin nung gabing yun....ayokong isipin kasi baka mabaliw ako. Sana wag na syang babalik dito sa pilipinas sana di na kame ulit magkita kahit kailan. Sana kahit kailan di sya kailanganin ng anak nya...
Kinausap ko na si Fonsy na mawawala ako ng dalawang araw dahi monday morning naman ang flight ko pabalik ng manila. Okey na din makapagpahinga man lang sa hotel after ng reception. Kakanta pa ako sa wedding ni Ana request nya yun... " a love to last" ang gusto nyang kantahin ko. Di ko naman sya pwedeng hindian. Ayokong magtampo sya sa akin...minsan na nga lang kame magkita di ko pa pagbibigyan....di ko sya kayang tiisin.
Kakaiba ang tabas ng damit ko at pati shade ng kulay ng motif nya. Para daw maiba ako sa entorage dahil ako ang maid of honor nya...matingkad na purple ang sa kanila at yung sa akin ay lilac...mas subtle na shade ng violet....nakahanda na ang travelling bag kong dadalhin hinihintay ko lang ang grab taxi na pina-book ko. Hindi ko alam kung bakit puno ng kaba ang dibdib ko para akong nanlalamig na parang lalagnatin na ewan ko ba???? Hindi ko alam kung anong dadatnan ko sa davao. Kaya nga din pumayag na akong sa hotel na tumuloy. Wala akong balak pasyalan ang bahay namin at wala din akong balak mamasyal sa dating subdivision kung san kame dating nakatira. Magkukulong ako sa hotel room ko makapagpahinga habang hihintayin ko ang mag-aayos sa akin. Sabi naman ni Ana na close friends and relatives lang ang invited nila. Rsvp din ang nasa invitation kaya alam na alam nya kung sino ang mga nasa guestlist nya. Matapos lang ang reception babalik na ako ng hotel matutulog at bukas ng umaga tatawagan ko na lang si Ana pag nasa airport na ako. Maaga na lang din ako pupunta sa airport dun na ako magbe-breakfast habang hinihintay ko ang flight ko pabalik ng manila. Naka program na lahat ng gagawin ko sa davao...practically i'l just stay on my room at lalabas nalang papunta na ng simbahan. Mabilis lang ito pag-aalo ko sa sarili ko. Before i know it nakabalik na ako ng manila....
Touchdown Davao...nostalgic, yun lang ang nabigkas ko paglabas ko ng airport ng davao. Mag-6 palang ng hapon kaya maliwanag pa...kahit naman nag-aagaw ang liwanag at dilim di ko inaalis ang shades ko....para akong tanga na nagtatago sa di ko alam kung kanino. Sana wala akong makasalubong na kahit na sinong kakilala ako o kamag-anak ko dito....sana wala maka-mukha sa akin kung sino ako. Sana matapos na ang kasal...mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng mahagip ko si caloy ang bestfriend ni alex. Bumababa sya ng kotse...di naman nya ako nakita at napansin....ano kayang gagawin nya dito sa airport? May susunduin ba sya? Sino naman kaya yun? Hmp baka kamag-anak nya madami din naman syang kamag-anak sa US. Buti nalang at pasakay na ako ng taxi di nya ako nakita....
Nagpahatid ako sa hotel kung saan ako naka check-in. InAyos ko ang gown ko ng biglang may kumatok sa pinto....pagbukas ko ng pinto impit na tili ang sumalubong sa akin at mahigpit na yakap ng bestfriend ko.....dito na kame nagkwentuhan sa kwarto ko...dito na din kame nagpahatid ng dinner naming dalawa. Kung pwede nga lang di na kame matulog dahil kulang pa ang magdamag sa dami ng mga gusto naming pag-usapan. Na miss ko talaga si Ana at alam kong miss na din nya ako....
BINABASA MO ANG
Stupid heart
RomanceSi Bea ang babaeng inaalagaan ni Alex noong una pa man noong nasa Davao pa sya.... kuya ang turing sa kanya nito. Mag-bestfriend ang mga lola nila kaya dahil doon di nya ito magawang ligawan. Isa pang dahilan ay bata pa ito ng mga panahon na yun. K...