Just my luck

867 27 2
                                    

BEA's POV

Bawat araw na dumadaan mas lalo kong pinaparamdam kay Fonsy na mahal na mahal ko sya. Wala man akong maisagot sa mga inosente nyang tanong binabawi ko na lang sa pag-aasikaso at dinadalasan ko ang bonding time namin. Palibhasa bata pa sya kaya nakukuha ko ang loob nya sa simpleng pag bili ng mga laruan at libro na gusto nya. Yung paglalaro namin sa arcade, watching movie at pagkain sa favorite nyang fastfood. In short bina-bribe ko ang anak ko para lang mapagtakpan ko ang ipinagkakait kong impormasyon tungkol sa ama nya.

Tuwing may pagkakataon ako sinasama ko si Fonsy kahit simpleng pag-go-grocery lang. Ayokong isipin nya na may sandaling nagkulang ako o di naibigay sa kanya. Oras man yan o materyal na bagay. Gaya ngayon andito kame sa mall. Nangako akong bibili kame ng RC helicopter na gusto nya dahil matataas ang grades nya ng 2nd quarter exam. Excited sya dahil matagal na nyang request yon sa akin. Pina-try ko muna sa mga tao sa loob ng toy store kung nag-pa-function bang mabuti yung laruan. Pinapili ko muna din si Fonsy yung madaling kontrolin na helicopter para di sya mahirapang i-operate. Pero ganun talaga ang mga bata basta laruan alam nilang paganahin konting turo lang sa instructions alam na nila. Tuwang-tuwa si Fonsy habang tinuturuan ng ng-aassist sa kanya. Umaabot ang ngiti sa labi nya hanggang sa brown nyang mga mata. Humiling pa sya ng bagong bola ng basketball ... maya-maya lang nasa counter na kame para magbayad.

"Thank you mommy...your the best talaga." Sabi ni Fonsy sabay halik at mahigpit na yakap sa akin
"Hhmp binola mo pa talaga ako....but your welcome. Basta good boy ka lagi." Sabi ko sa kanya
"Mam anak nyo po? Kala ko kapatid nyo?" Sabi ng lalaki
"Why may crush ka sa mommy ko? Hindi sya pwedeng ligawan bawal..." sabi ni Fonsy

Natawa ako sa ginawa ni Fonsy sa sa toy store. Manang-mana talaga sya sa ama nya overprotective pagdating sa akin. Matapos namin bilhin ang toys na gusto nya bumaba kame para mag-grocery. Di na aangal si Fonsy kahit san mo na sya isama kasi nabili na nya ang gusto nya. Inilabas nya sa supot ang bagong bola nya at pinaglalaruan ng pa-konti-konti habang nagmimili ako ng mga supply para sa bahay.

"Fonsy mamaya mo na yan laruin." Sabi ko sa kanya
"Mom gusto ko lang hawak yung ball ko." Fonsy

Pinaupo ko muna sya dun lang sa may fruit section habang namimili ako ng ulam. Basta ang importante malapit lang sya kung san ako naka-pwesto. Ayaw nya rin kasi ng amoy ng mga baboy at isda kaya di sya lumalapit dun. Nakikita ko naman na andun lang at paunti-unting dini-dribol ang bola nya. Hinayaan ko lang sya doon dahil abot tanaw ko naman sya. Nakalingat ako sandali at may kausap na syang lalaki hinayaan ko lang dahil mukhang may itinatanong lang naman ito. Hiniram pa nga nya ang bola ni Fonsy at para bang tinuturuan ng tamang pag-shoot at paghawak ng bola. Nakatayo na ang anak ko at nag-di-dribol at kalaro na ng basketball ang lalaking kanina lang ay kausap nya. Ganyan si Fonsy mahilig talaga sya sa basketball kaya pagnakaka-kausap sya ng tungkol sa basketball makukuha mo agad ang loob nya. Tumakbo na sya papunta sa akin....

"Mom did you see that tinuruan ako nung big guy ng tamang pag-dribol." Kwento ni Fonsy
"Who yung kausap mo? Sino ba yun? Di ba sabi ko sayo don't talk to strangers?" Sabi ko
"Mom mukha naman syang goodboy. He just ask me if i knew how to play basketball. Tapos sabi nya pag wala ako kalaro ng basketball pwede ko syang maging playmate. Dati daw kasi meron silang team." Kwento ni Fonsy
" basta mabuti na yung nag-iingat mahirap na." Sabi ko
"Sayang nga tinawag na sya nung isa pang guy kaya umalis na sya..." si Fonsy ulit

Nakapila na ako sa counter para magbayad ng humirit pa si Fonsy ng favorite nyang chocolate kaya iniwan ko muna sya sa counter para nakapila na yung cart namin tutal malayo pa naman bumalik muna ako sa loob. Binilin ko din sya dun sa babae kasunod namin sa pila. Pumunta ako sa lane kung nasaan ang mga chocolates at mga chips. Pabalik na ako ng makita kong may kausap si Fonsy na lalaki parang yung kausap nya kanina pero di ko matandaan kasi busy ako habang namimili ng mga ulam. Masaya pa silang ng high-five na akala mo matagal na silang magkakilala.

"Fonsy??!" Tawag ko sa pangalan nya
"There's my mom...mom i have a new friend." Si Fonsy

Literal na di ako makagalaw sa kinatatayuan ko na para bang bumigat at mga paa ko at nanigas ang buong katawan ko ng sabay na humarap si Fonsy at ang lalaking kausap nya. Nanlaki ang mga mata ko na makita ko si Alex kausap ang anak ko...holy crap
OMG...wala akong nagawa kundi ang lapitan ko silang dalawa...

"Hi!" Yun lang ang nasabi ko at nagbaba ako ng tingin
"Hi!" Sabi din ni Alex
"Mom you know each other?" Si Fonsy
"Yeah small world." Si Alex
"Mom he's the one i'm telling you. Magaling sya mag basketball. You know him pala mommy?" Si Fonsy
"Yeah friend ko ang mommy mo nung bata pa kame." Si Alex
"Wooh so pwede tayong mag play ng basketball friend pala kayo ni mommy? Okey lang ba mommy?" Si Fonsy
"Sure anytime...kung papayag ang mommy mo." Si Alex
"You know what baka busy sya besides di naman sya dito nakatira sa phillipines right....nagbabakasyon lang sya dito." Sabi ko
"Sayang po di tayo makakapaglaro." Sabi ni Fonsy

Gusto ko na syang paalisin sa tabi namin pero di ko magawa dahil magkasundong-magkasundo nilang pinag-uusapan ang tungkol sa basketball. Nakatayo si Alex sa tabi ko habang nakaharap naman si Fonsy sa kanya. Silang dalawa lang naman ang nag-uusap at inabala ko ang sarili ko sa pagdutdot sa telepono ko. Hangang matapos kong bayaran ang binili ko ay di pa din sya umaalis. Tinawag ko si Fonsy para lumapit sa akin...nagpaalam na ako kay Alex pero kinuha nya ang push cart na may laman na pinamili ko at sya na ang nagtulak nito.

"Okey lang hatid ko na kayo." Si Alex
"Ah wag na may dala akong oto.." sabi ko
"Sige ihatid ko na lang kayo sa kotse nyo para ako na lang magbuhat ng pinamili nyo." Si Alex
"Oo nga mommy mabigat yan. How will call you if your mommy's friend?" Si Fonsy
"Tito Alex you can call me tito Alex.." si alex

Para gusto kong masamid kahit walang laman ang bibig ko sa narinig ko kay Alex. It's getting more complicated now. Tito Alex oh my God pano na. Ano ba 'to mas lalong gumulo. Inilagay ni Alex ang mga pinamili ko sa compartment ng oto. Gusto ko ng makaalis sa parking area para makahiwalay na kaming mag-ina kay alex...

"Sige salamat. Mauna na kame sayo." Sabi ko
"Mom i want some icecream..." si Fonsy
"Tara meryenda muna tayo bago kayo umuwe..." si Alex
"Ah no baka masira yung mga ulam na binili ko. Sige we'll go ahead." Sabi ko at mabilis na pumasok sa loob ng oto

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko para makaalis na sa parking lot na yun. Para din makahiway na kaming mag-ina kay Alex. Sa lahat naman ng tao bakit sya pa ang makikita naming mag-ina. Ang tagal nilang magkausap ni Fonsy kanina. Bakit di ko man lang naramdaman na si Alex yun. Puro naman kasi likod nya ang nakikita ko kanina malay ko bang si Alex yun. At isa pa bakit andito pa yan di ba dapat lumipad na yan sa america. Di ba nagbabakasyon lang sya dito??? Malay ko bang andito pa pala sya sa pilipinas at of all places bakit sya nasa manila? Di ba dapat nagbabakasyon sya sa Davao? bakit dito? Ano ba naman kung sino pa yung ayaw mong makita yun pa yung laging sumusulpot na parang kabote. Walang sabi-sabi na andyan na sa harapan mo. Wala man lang warning. Gusto kong umiyak at sumigaw sobrang ramdam ko ang tensyon at stress sa buong kalamnan ko. Ano ba naman karma ito. Sana lang wala syang idea kung sino ang batang kaharap at kausap nya kanina. Wiling-wili pa naman si Fonsy habang ka-kwentuhan nya ang ama nya. Eto na nga yata ang katapusan ko...binabalikan na ako ng karma ko. Somebody help....ano ng mangyayare pag nagkabukingan na. May masasakyan ba papuntang pluto parang gusto ko na dun tumira para di ko na makasalubong pa kahit kailan si Alex....parang lumiliit at mundo ko kasabay ng pagputok ng sentido ko. Ano ba namang araw 'to. Totoo bang nangyayare sa akin to ngayon? Joke ba 'to? Sana nasa loob lang ako ng isang bangungot at sana magising na ako...help...somebody help me...please

"

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon