BEA's POV
Halos umaga na ng maghiwalay kaming dalawa ni Ana. Kungdi lang namin inaalala na mangingitim ang mata namin bukas sa araw ng kasal nya ay di kame mapupuknat sa kwentuhan. Ilang beaes nga ba syang sinundo ng kapatid nya sa kwarto ko pati ang mommy nya sinundo na din sya. Kaya nga humiwalay na kame sa isat-isa....kahit nung mga bata pa kame halos buong maghapon na kaming magkasama sa school pero di pa sin kame nauubuaan ng kwentuhan hangang patulog na kame. Nakaka-miss ang makasama ko si Ana...sana katulad na lang ng dati....
Tapos na akong ayusan sa kwarto ko sa hotel...nakabihis na din ako. Kinatok ako ng kapatid ni Ana at nasa baba na daw ang van para sa mga abay. Sa totoo lang ngayon palang ako lalabas ng hotel simula ng dumating ako kahapon. Maghapon lang din lang ako sa hotel room ko gaya ng plano ko. Daming pinag bago ng davao simula ng umalis ako dito. Mas lalo itong umunlad...kung pwede nga lang na dito kame mamalage ni Fonsy kaso nga malabo yon. Erase na nga lang ang mga isiping yan. Mas mabuting mag focus kung anong meron sa kasalukuyan...makuntento nalang.
Pagdating sa simbahan may ilang nakakilala yata sa akin...tinitigan ako ng tita ni Ana at ng mamukhaan nya ako ay kinabig ako at hinalikan sa pisngi. Kinumusta at puro opo at tango lang ang isinagot ko. Mas mabuti na yun kesa magsinungaling ako... less talk less mistake. Maya-maya eto na ang wedding coordinator nya at inaayos na kaming mga abay...nasa hulihan ako bago si Ana. Halos di ko maigalaw ang mga paa ko natatakot na may mga makakilala sa akin mula sa grupo ng barkada ni Alex. Di ko masyadong iginagalaw ang mga mata ko para wala akong mahagip na di dapat sa paningin ko. Halos patapos na ang seremonyas ng kasal at maya-maya lang papunta na kame sa reception ng hotel kung saan kame naka check-in. Pagpasok namin sa ballroom may mga bisita na kaming inabutan....ipinakilala isa-isa kaming entorage at ang panghuli ay ang bagong kasal. Katabi ko ang mga kapwa abay ko sila na din ang kakwentuhan ko mula pa kanina. Nang tinawag ako ng emcee para sa aking mensahe para sa bestfriend ko....di ko napigilang umiyak para bang may nawala sa aking isang mahalagang parte ng buhay ko. Pero hindi ako selfish para ipagkait ko kay Ana ang makasam ang lalaking pinaka mamahal nya. Gusto kong maging masaya sya sa bagong buhay nya bilang isang maybahay. Masaya kaming nagyakapan at nag-iyakan....lahat ng tao pinalakpakan ang aming pagkakaibigan.
Naihain na lahat ng pagkain sa mesa pwera pa ang nasa buffet. Kami naman sinilbihan ng mga naka unipormadong mga waiter...nagkakasayahan habang pinapanood ang mga bagong kasal para sa ritwal na gagawin nilang bilang bagong mag-asawa. Dumating na sa part ng program na ako na ang kakanta ayon sa request ng bride....
"Ladies & Gentlemen please give your round of applaus for our maid of honor...Miss Beatrice Concio" sabi ng emcee
Namatay ang maliwanag na ilaw sa stage at tanging yung nasa background lang ang bukas yun ang request ko kay Ana kakanta ako pero ayokong may spotlight sa akin....gaya ng request nya yun ang kinanta ko.... "A love to last"
May umalalay sa akin pababa ng stage ng nag-angat ang mga mata ko sa kamay na nakahawak sa akin nabigla akong hawak ni Alex ang kamay ko. Bigla kong nabawi ang kamay kong hawak nya at para bang nanuyo ang lalamunan ko at umurong ang dila ko....nanlalamig ang buong katawan ko sa isiping halos magkadikit na ang mga braso naming dalawa...hinawakan nya ang siko ko para paupuin kung saan ang mesa ng mga abay....tumabi sya sa akin palibhasa natapos ng kumain ang iba at pinuntahan kung nasaan ang mga kasama nila.
Kaylangan kong kumalma....kaylangan kong maging natural sa harap ni Alex. Ayokong may mahalata sya sa mga kilos at galaw ko hindi ito ang tamang panahon para pumalpak ako....hindi kaylanman lalo na sa harap ni Alex at lalo na hindi dito sa Davao....
"Hi Bea....long time no see! How are you?" Si Alex
"Well i'm fine....kelan ka pa dumating?" Sabi ko
"Kahapon lang... nagkataon lang na kasal ni Ana..." sabi nya
Kaya siguro nakita ko si caloy kahapon sa airport baka si Alex ang sinundo nya....nasa isip ko lang..."So bakasyon ka pala...?" Pagtantya ko sa kanya
"Oo ilang araw lang...i need a break sobrang busy sa work. Ikaw san ka naka base? Dito ka pa din ba sa Davao?" Tanong ni Alex
"Freelancer ako...no permanent address!" Sabay ngiti para di nya mahalata kung gano ako nate-tense sa presensya na
"Pano ba yan naunahan ka na yata ng bestfriend mong mag-asawa...?" Si Alex
"Ha? Unahan? Well hindi pa naman ako ganun ka tanda para makipag-unahan na mag-asawa...ikaw ilan na ang anak mo?" Nabigla ako sa sinabi ko parang gusto kong bawiin pero kahiyaan na
"Hey...wala sa bokabularyo ko ang mag-asawa sa ngayon. I'm still living in the prime of my life being a bachelor..." saad ni AlexButi na lang wala syang alam na may anak sya sa akin. Kungdi kame pa ni Fonsy ang magiging dahilan ng pagdurusa nya. Sabi na nga ba gigolo pa din ang lalaking ito....nagulat ako ng pumitik sya sa harap ng mukha ko....
"Magaling ka pa ding kumanta...na miss ko ang boses mo...!" Si Alex
"Di ko matanggihan si Ana eh baka di ako kausapin pag di ko pinagbigyan..." sabi koNatuwa ako ng marinig na na miss nya ang boses ko. Para akong high school na pinuri ng crush nya. Hay kung ganun lang sana kasimple ang buhay at sitwasyon ko ngayon. Pero sa bibig na rin naman nya nanggaling na ayaw nya pang mag-asawa at at ayaw pa nya ng responsibilidad. Sabagay kahit dati pa naman ganyan na din sya happy go lucky...ngayon ko lang napatunayan na tama ang naging desisyon ko na di sabihin ang tungkol kay Fonsy....
Kaylangan kong humiwalay sa kanya bago pa nya ako ma-corner mahirap na...di na ako tatagal pa na nasa tabi ko sya para ng sasabog ang puso ko at sobrang nanlalamig ang buong katawan ko sa kaba...hangang tinawag na lahat ng dalaga para sa bouquet ng bride...nakakuha ako ng pagkakataon na humiwalay kay Alex...
"Excuse ha...." sabi ko
"Sige dun ka sa harap para masalo mo..." kantiyaw nya sa akin
Imbis na sumali ako dumaan ako sa kabilang side para di nya ako makita...tumakbo ako papuntang elevator para sa floor kung nasaan ang kwarto ko. Dali-dali akong ngbihis halos di ko na tiniklop ang mga gamit ko at isinaksak lang lahat sa trolley bag ko at lumabas ng hotel sakay ng taxi papuntang airport. Kaylangan kong makaalis ng davao ngayon na...napatulong akong maghanap ng flight pauwe ng manila...isa na lang ang binigay na option sa kin sa ticketing....davao to clark. Sa pampanga ako bababa...kinuha ko na may masasakyan naman siguro ako dun kahit bus pauwe ng manila...bahala na si batman. Sa cr na ako ng airport nagtanggal ng make-up ko. Siguro by this time pati si Ana hinahanap na ako. Tinanggal ko ang battery ng celfone ko para walang makatawag sa akin kahit sino. Ayoko munang makakausap ng tao....sobrang nawiwindang ako. Hangang ngayon di mawala sa isip ko na nagkita at nagkausap kame ni Alex....OMGPanu nangyare at nasa kasal sya ni Ana? Bakit sya nasa pilipinas? Kelan sya babalik sa US? Sabi nya kanina nagbabakasyon lang sya dito. Sana umalis na sya dito o kaya sana sa Davao lang sya at wag pupunta ng manila. Buti na lang mabilis akong mag-isip kanina at di ko nasabi kung san ako naka base. Dyosko po...wag sana kaming magkita kahit kailan....
Nasa loob na ako ng plane...kaya nakahinga na ako bg maluwag lalo na ng i-announce na take off na kame...salamat at nakaalis na ako ng Davao. Mayamaya lang nasa condo na ako mabilis lang naman ang byahe malapit lang ang clark to manila. Madami namang bus ayokong mag taxi mahirap na halos midnight na ako darating ng clark....bahala na kung pano ako uuwe ng manila ang mahalaga natakasan ko si Alex bago pa man humaba ang oras na magkasama kame. Tama si yaya maring kaylangan ihanda ko ang sarili ko sa lahat ng posibleng mangyare. Kung papano ko gagawin yon hindi ko pa alam sa ngayon. Makaka-isip din ako ng solusyon kung tutuusin wala pa naman yung problema kaya walang dapat problemahin. At ang mahalaga sa lahat walang alam si Alex sa nangyare six years ago...
BINABASA MO ANG
Stupid heart
RomanceSi Bea ang babaeng inaalagaan ni Alex noong una pa man noong nasa Davao pa sya.... kuya ang turing sa kanya nito. Mag-bestfriend ang mga lola nila kaya dahil doon di nya ito magawang ligawan. Isa pang dahilan ay bata pa ito ng mga panahon na yun. K...