Life goes on

928 25 1
                                    

BEA's POV

After two weeks napanatag na din ako nasa isip ko nalang na nakabalik na si Alex sa US. Wala din akong tawag na nanggaling kay Ana. Isang beses kame nag-usap madaling araw pagkarating ko ng manila matapos ang kasal nya at ang pagtakas ko paalis ng davao nung gabing yun. Si Alex naman nagsabi na nagbabakasyon lang sya dito ng ilang araw at nagkataon lang na kasal ni Ana. Di rin malinaw sa amin ni Ana paano naka-attend si Alex at Caloy sa kasal. Di na namin pa inalam.

Bumalik na ako sa dating buhay ko...nawala na ang kaba sa dibdib ko dahil panatag na akong wala na sa Davao si Alex. Nasa publishing house ako kasama si Mia. Kakausapin kame ni Ron...being him as our boss lalo at andito kame sa opisina. May gusto yatang ipasama sa story sa bagong novel na ongoing. Kahit ganyan si Ron malaki ang tiwala nya sa amin ni Mia. Siguro kasi kakaiba ang mga twist sa mga nobelang ginagawa namin kaya naho-hook ang mga readers sa librong inilalabas sa bookstore.

Tapos na ang meeting pero nasa loob pa kame ng conference room...nag-uusap...sila kasi lumilipad ang isip ko ng bigla akong tapikin ni Ron sa noo

"Hoy san ka na nakarating...para kang nasa outer space?" Sabi ni Ron habang nakakunot ang noo
"Huh? Ano ngayon?" Sabi ko habang nakatitig sa kanila
"Tingnan mo 'to kanina pa kame ngak-ngak ng ngak-ngak dito eh di pala nakikinig" inis na sabi ni Mia
"Alam mo girl sumula ng dumating ka galing Davao parang naiwan na yung utak mo dun. Lagi kang wala sa sarili....ano ba yan?" Si Ron halatang inis na
"Ano ba talagang nangyare sa davao ha? Magsabi ka nga ng totoo..." si Mia

Isang malalim na buntong-hininga ang isinagot ko sa kanilang dalawa...hindi ko pa kasi nasaaabi kung anong nangyare sa Davao kahit kay yaya maring wala akong binabanggit. Ayokong balikan at ayokong isipin. Pero alam kong hindi titigil ang dalawang ito hangang di ako nagsasalita.

"Ano na? Baka sumabog ka nyan? Spill it out mare kaibigan mo kame..." si Mia
"Nagkita kame ni Alex sa wedding...." sabay buntong hininga ulit
"ANO!!!!!" Si Mia
"WHAT!!!" Si Ron
"Kaylangan talaga sabay????" Sabi ko
"So ano na? Anong nangyare? Nag-usap kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Mia
"Sandali lang... kaso mas lalo ko lang napatunayan na tama na itinago ko ang anak namin sa kanya..." sabi ko
"Bakit? May pamilya na ba sya sa america?" Si Mia
"E ano naman kung may pamilya na sya nauna naman sila ni Fonsy sa buhay nya noon ka...meaning sila ang original..." sabi ni Ron
"Hindi binata pa sya...at mismo sa bibig nya nanggaling na he is living at the peak of his life. Masaya daw sya sa buhay nya being a bachelor..." sabi ko
"Bachelor his ass....gago pala sya limang taon na syang walang alam na may anak sya." Si Ron
"Bakit kasi di mo pa sinabi?" Si Mia
"Bakit ko pa sasabihin mukha namang masaya syang walang commitment at responsibility sa buhay nya..." sabi ko "tsaka ok naman kame ni Fonsi kahit kaming dalawa lang"
" hoy mare ha eto payo lang....sa ngayon ok yan kasi wala pang tinatanong ang bagets pero once na naghanap yan ng tatay huwag na huwag kang magsisinungaling ng kung anong tungkol sa ama nya...para kung dumating yung time na kaylangan na nilang magkakilala hindi ka mahihirapang magpaliwanag kay Fonsy...." si Mia

Nagkatinginan kaming tatlo parang walang gustong magsalita. Kahit ako naumid ang dila ko. Biglang tumatak sa akin ang sinabi ni Mia. Wala naman akong balak magsinungaling sa anak ko. Kung sakaling magtanong sya tungkol sa ama nya sasabihin ko ang totoo. Kahit yun man lang magawa ko para sa kanya. He deserves the truth about his father ....

ALEX's POV

Naging busy ako after my Davao trip. Nagpatulong na ako sa private investigator nung nakaraang araw lang. Di ko kasi matutukan ang paghahanap ko kay Bea. Busy ako sa hangar dumagdag pa si Mia na kinukulit akong bumalik ng US. Di ko na lang pinapansin tutal naman wala na talaga akong balak na makipagbalikan pa sa kanya....Ng makausap ko si Bea sa Davao alam kong dalaga pa sya...dala pa din nya ang pangalan ng ama nya ayon sa wedding invitation ni Ana. Yun nga lang tinakasan nya ako....oo yun yung tamang word dun kasi....nagmamadali syang umalis ng davao na para bang may tinatakbuhan na kung ano.

"Pare ano nakausap mo na ba yung PI na binigay ng utol ko sayo?" Si Ram
"Nakausap ko na kahapon...wala ako masyadong maibigay na info...ang malinaw lang yung picture sa celfone ko tsaka yung full name ni Bea. Basta sabi ko lang andito sya sa manila...work nya i have no idea at all..." sabi ko
"Napaka misteryoso naman kasi nyang miss davao mo...ex mo ba yan? O binasted ka nya kaya gusto mong gantihan?" Sabi ni Carl
"Fuck you pare....ako nagpalaki dun!!!" Sabi ko
"Gago ka pala eh ano yun baby mo?" Si Ram
"Di ko naman niligawan lam mo na magkaibigan ang pamilya namin. I'm so unsure of myself that tine. May mga naging girlfriend ako. Tsaka napaka bata nya pa nun...i don't want to take advantage of her." Sabi ko
"O ngayon anong plano mo...liligawan mo na pagnahanap ng PI mo? Anong pinag kaiba nun at ngayon same age gap...?" Si Carl
"Yes i know pero atleast matured na sya ngayon di gaya dati para syang batang pinabili ng suka sa kanto...!" Sabi ko
"E pano kung may boyfriend na si Bea mo? O baka may fiancee? Malay natin???" Si Ram ulit
" I don't think so....kung may boyfriend sya eh di sna sinama nya sa wedding ng bestfriend nya..." sabi ko
" My point ka naman dyan...pero pare wag ka masyadong umasa...six years are long maraming pwedeng nangyare on that span of time!" Si Carl

Nasa condo na ako ng sumagi sa isip ko ang sinabi ni Carl....ano nga kayang nangyari kay Bea sa loob ng anim na taon na nakalipas. Ng nakita ko sya sa kasal ni Ana gustong-gusto ko syang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko sanang aminin na sa kanya na matagal ko na syang mahal kahit noon pang nasa Davao pa kami pareho. Na hindi ko sya muna niligawan dahil ayokong maistorbo ang pag-aaral nya. Na babalikan ko sya dito pagbibigyan ko lang ang parents ko na mag-stay kahit dalawang taon sa US. Yun naman talaga ang balak ko noon na babalik ako para ligawan sya. Ayoko ng long distance relationship gusto ko kung maging kame di na ako aalis sa tabi nya. Yun nga lang natagalan dahil kinumbinsi ko pa si dad na ayokong pumasok sa airforce. Mas pinili kong sa isang private company. Kung papasok ako sa airforce mas mahihirapan akong bumalik ng pilipinas....

BEA's POV

Pauwe na ako ng tumawag si yaya maring pinabibili ako ng gamot ni Fonsy sa asthma nya. Inaatake nanaman daw kaya ayun nagne-nebule sila. Asthmatic si Fonsy pero sabi naman ng doctor may mga cases daw naman na nawawala ito pag tungtong ng seven years old. Dumaan muna ako ng drugstore bago umuwi ng condo. Naabutan ko sila sa kwarto habang nag ne-nebule....

"Anong nangyare? Kumain ka nanaman ba ng chocolates? Ilan ba naubos mo?" Tanong ko
"Hay ewan ko ba...ng sinundo ko sya kanina umiiyak na hangang makauwe kame...umiiyak pa din. Kaya siguro umatake ang asthma nya." Si yaya
"Fonsy what happened?" Tanong ko
"Mom where's my dad???" Si Fonsy

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng tanungin ako ng anak ko tungkol sa ama nya. Di ko inaasahan na yun ang lalabas sa bibig nya. Wala akong naisagot bigla lang natulala na para bang naghahanap ng tamang salita para may masabi ako. Pero halos hindi ko maigalaw ang labi ko lalo na ang dila ko. Ayokong magsinungaling sa kanya pero hindi pa ako handa sa ngayon. Malayo sa inaasahan ko. Alam kong darating din ang oras na maghahanap si Fonsy pero masyado naman yatang napaaga. Hindi ko napaghandaan...sa totoo lang hindi ko iniisip ang ganitong eksena sa ngayon masyado akong naging kampante na bata na si Fonsy at wala pa sa isip nya ang tungkol sa ama nya. Ang buong akala ko ay sapat na ako para sa anak ko...na wala syang mararamdaman na may kulang sa kanya. Lahat naman ng atensyon at panahon ko inilalaan ko para sa kanya. Kulang pa ba ako para hanapin nya pa ang ama nya. Nasasaktan ako para sa anak ko. Hindi ko alam pano ko sya sasagutin....kung pano ko ipapaliwanag sa kanya na walang alam ang ama nya na may anak sya sa akin. Pano ko ipapaliwanag kay Fonsy ang sitwasyon namin na hindi sya masasaktan?

Alam kong malapit na ako sa sitwasyon na kaylangan ko ng ipaliwanag ang lahat kay Fonsy. Kaylangan ko na itong paghandaan at i-ready ang sarili ko sa maaring mangyare sa amin ng anak ko. Matalino si Fonsy pero ayoko syang masaktan. Ako ang may kasalanan kung bakit andito sya sa sitwasyong ito. Dahil 'to sa kagagahan ko...dahil di ko napigilan ang sarili ko sa sobrang pagmamahal ko kay Alex noon...Akala ko tapos na akong iyakan si Alex. Akala ko naka move-on na ako. Akala ko okey na ako. Pero bakit ganon isang tanong palang ng anak ko tungkol sa ama nya bumalik lahat ng sakit na akala mo ba kahapon lang nangyare lahat. Bakit ganito pa din ang nararamdaman ko? Bakit mahina pa din ako pag tungkol na kay Alex dumagdag pa si Fonsy? Mag-ama nga sila alam na alam nilang dalawa kung anong kahinaan ko....kelan kaya ako makaka-ahon sa sitwasyon na 'to. Natatakot ako...

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon