Back on track

1K 39 3
                                    

BEA 's POV

          Maaga akong nagising parang magaan ang araw ko na ginawa ang mga bagay na routine na sa akin. Di rin ako hirap dahil andyan si yaya maring na nag-aasikaso sa amin. Mas alam nya ang mga dapat gawin pagdating sa bahay at kung anong mga kakainin. Panatag ang loob ko dahil maasahan ko sya parang anak na ang turing nya sa akin. Nasa isang donut shop ako napadpad....meron kasing mga teenage character ang novel na sinusulat ko. At siempre pag may donut may mga kabataan na tumatambay sa ganitong lugar. Masaya akong nakamasid habang puno ngbmga bagay ang isip ko na umaayon sa nobela ko. Halos tatlong oras na ako dito at sa tinatakbo ng story ng nobela umiikot na ito sa mga bagay bagay na dapat nitong itakbo. Tama ang desisiyon ko kagabi na mag focus mind over matter sabi nga nila. Dapat ikaw ang mag-kontrol sa puso mo at hindi ang puso mo ang kokontrol sa'yo. Masaya akong nakapagsulat ulit....gumana ulit ang utak at imahinasyon ko at hindi nabalot ng mga bagay na dapat naibaon na limot. I've rested for a while when suddenly Ana pop-up sa messenger ko sinagot ko yun at isang matinis na sigaw ang bumungad sa akin.....

"B E S T F R I E N D!!!!!! I'm getting married....." si Ana "bestfriend this is it...bes sobrang saya ko." Obvious naman dahil sa rumehistrong mukha nya sa screen ng laptop ko.

"What???Really??? Kelan??? I'm so happy for you..." sabay kaming tumili ng impit dahil nakakahiya sa mga tao dito sa donut shop

          Ayun na at nag-kwento na ang bestfriend ko. Sabay kaming tumili, tumawa at umiyak...sabi nya tears of joy at excitement yon. Oo naman pero yung sa akin siempre masaya ako para sa kaya yun lang may konting kirot dahil iiwan na nya ako. Magkakaroon na sya ng sarili nyang pamilya. Hindi ko na sya maiistorbo sa disoras ng gabi para lang may makausap ako at mapanatag ang isip ko. Siempre kahit papano mag-iiba na ang sitwasyon. Natulala ako habang magkausap pa din kame sa messenger....parang bigla ako nawala sa sarili ko ng marinig kong sinabi nya....

"Hoy ikaw ang maid of honor ko ha....kaylangan kang umuwi dito. At hindi ka pwedeng tumanggi dahil talagang di lang ako magtatampo....worl war 3 ito." Sabi ni Ana

          Natauhan ako bigla sa sinabi nya parang may nag-pompyang sa magkabilang tenga ko siguro napansin nyang bigla nagpalit ang itsura ko sa screen ng messenger...wala akong nasabi nakatingin lang ako sa kanya....

"Alam kong ayaw mong bumalik dito...pero di pwede yun kasi dito ang kasal ko. Gusto kitang makasama sa araw na yon....ikaw ang bestfriend ko isang araw lang naman ang hinihilingbko sa'yo???" Halos maiyak na sya sa screen ng laptop ko

"Oo naman pwede ba naman na di ako makasama sa araw ng wedding mo...saka matagal na yun siguro it's about time na makapasyal ulit dyan. Don't worry okey lang ako...matagal na yun Ana siguro kaylangan ko ng harapin ulit ang Davao...." sabi ko sa kanya " kelan nga pala ang kasal mo ?"

"Three months from now....ayaw na naming patagalin saka alam ko na sila mama at papa ayaw ng masyadong kaartehan. Saka andito naman lahat ng kakailanganin. Kahit kame ni Gene yun din ang desisyon namin kaya maghanda ka na ha....paghandaan mo na ang pagbabalik ng nag-iisang mutya ng Davao" sabi ni Ana " hoy nga pala oh eto kumpleto na ang mga pocketbooks mo ayan ha baka sabihin mo di ako bumili???" Sabay pakita ng mga pocketbooks na binili nya

"Wow naman na-touch naman ako bes...mahal na mahal mo talaga ako..." sabi ko

"Grabe sya oh....siempre naman sa tagal at dami na ba ng pinagsamahan natin. Kaya lang bes bakit na ayaw mong gamitin ang totoo mong pangalan sa mga libro mo? Bakit STUPID HEART ang pen name mo? Ayaw mo bang sumikat ang pangalan mo? Eh pangalan mo palang artistahin na.... lalo pa yang mukha mong yan? Bakit mo tinatago ang identity mo? Akala ko ba naka-move-on ka na? Stupid ba din ba yang heart mo?" Litanya ni ana

"Hindi naman sa ganon kaya lang dun na nila ako nakilala kay ayoko ng baguhin...kahit sa blogsite ko yan din ang gamit ko. Natandaan na nila kaya ok na din na yan ang gamitin ko. Dami ko ng followers sa blogsite ko. Para akong love expert guru...kung alam lang nila na NBSB pa ako hangang sa ngayon may maniniwala pa kaya sa mga isinasagot ko sa mga tanong nila???" Sabay tawa ko

"Bes bakit ba ayaw mong bigyan ng chance ang sarili kong magka-lovelife? Dami mo namang manliligaw na pagpipilian....bata ka pa live your life to the fullest" payo ni Ana

"Bes alam mo naman kung bakit diba? Saka hindi lang naman dahil dun...ayokong magboyfriend tapos makikipag-break din pag nagkasawaan na. Gusto ko pag may sunagot ako kame na hangang dulo. Sa mga nanliligaw sa akin wala akong makita na spark o yun bang parang pagkita mo palang mararamdaman mona agad na may something....basta alam mo na yun." Sabi ko "pag nagboyfriend ako sisiguraduhin kong sya si mr. Right ng buhay ko..,"

          Pauwe na ako habang ng di-drive ng kotse ko di pa din mawala sa isip ko ang nalalapit kong pagbalik sa Davao. Kaylangan ko na sigurong harapin ulit ang lugar na yon. Di ko pwedeng hindi siputin si Ana sa wedding day nya. Ayokong mag-away kame dahil lang sa takot ko. Di ako pwedeng magpatalo dito. May isang bahagi sa isip ko na nalulungkot may kasama na din konting inggit sa bestfriend ko. Ang daya ng tadhana bakit kaya ganun yung sa akin parang malabong dumating. Kahit naman isinara ko ang puso ko sa ganyan may iniwan naman akong konting siwang para kung sakaling may kumatok may sisilipan ako para alam ko kung papatuluyin ko ba o hindi. Pero sa sitwasyon ko malabo na siguro...ayoko ng may papasok pang ibang tao sa buhay ko....sa buhay namin! Sapat na sa akin na kaming dalawa na lang hangang dulo sa kanya lang kumpleto na ako. Sya ang dahila kung bakit gumigising ako at nagtatrabaho. Sya ang inspirasyon ko....sa kanya ako humuhugot ng lakas kahit madalas sya ang kahinaan ko. Di ko sya ipagpapalit kahit kanino dahil alam kong ako ang mundo nya....mahal nya ako bilang ako walang labis walang kulang. Sa kanya lang ubos na ang oras ko at panahon. Mula ng dumating sya sa buhay ko kahit kailan di ko naisip at naramdaman na mag-isa ako. Sya ang naging dahilan para maka survive ako at sya din ang dahilan kung bakit nag-iba ang takbo ng buhay ko.....si Fonsy!!!

          Pagdating namin sa condo nakaluto na si yaya maring. As usual masarap ang hapunan at puno ng kwento ni Fonsy tungkol sa crush nya. Dyosko 5 y/o lang sya may crush na. Ano ba yan parang gusto kong kabahan. San ba nagmana ang batang ito sa dinamidami ng mamanahin nya sa ama nya yung pagiging babaero pa talaga yata ang nakuha. Sa bawat araw sya ang nagpapasaya sa amin ni yaya maring...nanay ang tawag nya kay yaya...si yaya ang naging katuwang ko simula umpisa ngbpagbubuntis ko kay Fonsy...inalalayan nya ako sa bawat araw sa lahat ng hilo at pagsusuka ko. Sya ang humanap ng mga pagkaing magustuhan ko nung nagbubuntis ako. Sa bawat pagbisita sa doctor hangang sa makapanganak ako...

          Nasa kwarto na ako puno pa din ang isip ko. Di pa din nawawaglit ang isiping mag-aasawa na si Ana. Pero totoong masaya ako para sa kanya... alam kong mahal nila ni Gene ang isat-isa. Naalala ko pa nung minsang nag-away sila at lumuwas si Ana ng manila. Dito sya tumuloy pagsundo ko sa kanya sa airport mugtong-mugto ang mga mata nya...pagdating ng gabing yon nasa labas ng pintuan ng condo ko si Gene para sunduin si Ana....masaya akong natagpuan nila ang isat-isa. Kahit wala akong lovelife meron akong Fonsy....sya ang lovelife ko. Gabi na kataka-takang gumagan pa ang utak ko kaya kinuha ko ang laptop para simulan ang bagong chapter sa novel....sarap i-release lahat ng laman ng utak ko puno ng masalimuot na mga ideya para sa istoryang binubuo ko. Kung minsan tuloy naiisip kong para kong binubuo ang sariling kwento na sanay akin sa totoong buhay. Bakit di nalang ganon???natawa ako sa sarili kong iniisip. Sa mga nangyare sa buhay ko wala akong pinag-sisisihan kasi alam kong hindi aksidente ang lahat. Oo wala yun sa plano pero sa isang banda iniisip ko pa din na ang lahat ng mga nangyare ay may dahila. Kung ano man hindi ko alam. Hindi ko pa alam....sa ngayon

          Sinilip ko muna si Fonsy sa kwarto nya di ko mapigilan ang pagtitig ko sa mukha ng anak ko. Nakikita ko ang itsura ng ama nya habang tinititigan ko sya. Wala nakuha si Fonsy sa akin lahat sa ama nya lalo na ang mata at ilong. Kaya siguro ni minsan di sya nawaglit sa isip ko...di nakalimutan ng puso ko....si Alex at ang isang gabing yon sa buhay ko. Kahit kailan di ko yon pinag-sisihan...highschool palang ako mahal ko na sya kahit kapatid lang ang turing nya sa akin!!! At hangang ngayon pwede akong mag- sinungaling sa iba pero hindi sa sarili ko mas lalong hindi sa puso ko....me and my stupid heart 💔



         

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon