ALFONSO CONCIO (Fonsy)

973 29 0
                                    

          Si Fonsy ang little boy ko....i gave birth to him five years ago. Nung una kong nalaman na buntis ako halos takasan ako ng bait magtu-twenty palang ako nun kaka-graduate ko lang ng college, bagong salta sa manila at halong nag-aadjust pa lang sa bago kong buhay. Halos magta-tatlong buwan pa lang ako sa magazine na pinagta-trabahuhan ko at kinailangan ko ng mag-quit agad dahil sa mga morning sickeness ko. Mabuti nalang may pera akong ipon at pabaon sa akin ni dad. Pinapadalhan pa din nya ako noon ng allowance dahil alam nyang di pa kakayanin ng sweldo ko ang gastusin ko. Hirap ako habang pinagbubuntis ko si Fonsy halos buong araw akong nakahiga sa sobrang hilo, ang pagsusuka ko ganon din kalala na para bang pati bituka ko gusto ko ng ilabas. Awang-awa sa akin si yaya maring pero kahit minsan di sya nagtanong kung sino ang ama ni Fonsy. Sya ang naging katuwang ko sa lahat at gumabay sa akin lalo na nung buntis ako. Di ko siguro nakayanan kung wala sya sa tabi ko. Hangang sa mag-one year old si Fonsy saka ko lang inamin sa kanya kung sino ang ama ng anak ko. Walang panghuhusga, walang pag-sumbat sa pagkatao ko....yakap at hagod sa likod lang ang pinaramdam nya sa akin. Sya din ang nagpapabid ng mga luha ko noon dahil hindi ko alam kung anong gagawin sa mga pagkakataong para akong laging naliligaw. Nung nagbubuntis ako kay Fonsy dun ko inumpisahang magsulat ng nobela. Si Mia ang sumama sa akin na magpasa sa publishing house...dati ko syang kasama sa magazine sa una kong work. Two years na sya doon noon nung bagong pasok ako. Kaklase nya si Ron na sa publishing house naman nagta-trabaho. Si Mia ang naging kaibigan ko sa maikling oras ko sa magazine company. Pareho kame ng interes ang mag-sulat. Nalaman din nya ang lagay ko at kung bakit kaylangan kong mag-quit sa magazine.

          Gaya ni yaya maring di rin sya nagtanong...ang buong akala nya tinakbuhan ako ng boyfriend ko na naka-buntis sa akin. Pero inamin ko din sa kanya na wala akong boyfriend at nabuntis lang ako ng kaibigan ko. Inamin ko din na di alam ng kaibigan ko na nabuntis nya ako...sino ba naman ang mag-aakala na shooter pala yun. Isang beses lang ayan may Fonsy na agad. Grabe ang bilis lang. Sa ngayon limang tao lang ang nakaka-alam kung sinong ama ng anak ko...si yaya maring, si Ana, si Ron at si Mia. Si ana at yaya lang ang may kakilala kay Alex, si Mia at Ron alam lang nila ang pangalan nya at kung anong kaugnayan ko sa kanya....pero di nila alam kung anong itsura nito. Di ko din binabanggit kung ano pang detalye meron kay Alex at nirespeto nila yun.

         Si Dad at ang pamilya nila alam lang na may anak ako...inamin ko sa kanila yun pero gaya ng dati di ko sinabi kung sino ang ama. Sinabi ko nalang na itinago ko sa ama ng anak ko ang kalagayan ko. Sabi ko din na anak lang ang gusto ko at ayoko ng asawa. Di na sila nagtanong dahil ako mismo ang nakiusap na ayoko ng ungkatin pa at ayoko na ding pag-usapan. Palalakihin ko ang anak ko mag-isa at wala silang dapat ipag-alala sa aming mag-ina.  Pinapadalhan pa din ako ni dad ng allowance kahit tinanggihan ko na ito...sabi nya para yun kay Fonsy kaya iniipon ko na lang para sa school nya. Maayos naman ang pagsusulat ko at halos di ko din nagagalaw ang trust fund na naiwan ni mommy para sa akin. Someday magtatayo ako ng negosyo para mas stable kame ni Fonsy. Wag muna ngayon dahil hook pa ako sa pagsusulat ko.

          Pagtinitingnan ko si Fonsy nakikita ko si Alex sa kanya... parang batang version sya ni Alex. Tanga lang ang di makakapansin sa pagkaka-hawig ng mag-ama. Pati ang pagkahilig ni Alex sa basketball, kotse at eroplano nakuha din ni Fonsy. Makulit at bibo ang anak ko sinasabi kung anong nasa isip nya. Maraming tanong na halos wala akong maisagot sa kanya minsan. Mabuti nalang di sumasagi sa isip nya ang tungkol sa ama nya. Siguro dahil maliit pa sya at dahil puno naman sya ng pagmamahal sa amin ni yaya maring. Isama mo pa ang pang-ii-spoil ni Ron sa kanya. Ninong nya ito at si Mia at Ana. Sa ngayon halos kumpleto naman kame ng anak ko wala akong naiisip na kakulangan sa buhay namin.

          Si yaya maring ang naghahatid sa kanya sa school at ako naman ang sumusundo. Nasa kinder level na sya. Pagkasundo ko sa kanya saka naman ako magsusulat o gagawa ng mga errands ko. Mas okey na rin na wala ako sa opisina sa pagsusulat ko hawak ko ang oras ko. Mas nabibigyan ko pa ng time na mag-bond kaming mag-ina. Sabi ko nga everything happen for a reason. Nawala ang dream job ko kapalit nun ay si Fonsy. Wala naman akong 9-5 job nagagawa ko namang magsulat na ngayon ay bread n butter ko. Win-win solution ika nga nila.

          Si Fonsy ang naging inspiration ko...sya ang nagpapalkas sa akin. Sa kanya umiikot ang mundo ko. Sya din ang dahilan kaya ayokong buksan ang puso ko sa ibang lalake. Kay Fonsy pa lang kumpleto na ako. Atleast di nya ako iiwan. Matalino syang bata walang araw na di sya nabibigyan ng star sa school. Napaka bibo at sobrang pilyo. May crush na nga o di ba mana pa din sa ama nya ng pagka-babaero.

          Wala akong balak ipaalam sa ama nya nanag-e-excist si Fonsy. Wala syang alam sa nangyare sa amin. Sobrang lasing sya noon...kasalanan ko lahat dahil ako ang nasa katinuan pero hinayaan kong mangyare ang namagitan sa amin. Ako ang babae dapat sana akong nag-control. Siguro sobra ko syan mahal kaya nagpaubaya ako....beside aalis na din naman sya st dun na maninirahan sa america so regrets. Atleast kahit minsan lang sa buhay ko naramdaman kong yakapin nya ako, halikan at gawing kumpletong babae. Lasing nga lang sya. Naisip ko din na kung may alam sya sa nangyare eh di sana hinanap nya ako at nagtanong man lang. pero hindi wala na akong nabalitaan mula sa kanya. Naghintay naman akong kontakin nya ako kahit sa fb lang kumustahin man lang....pero pagkatapos ng apat na buwan at nalaman kong buntis na ako kay Fonsy....nagde-activate ako sa lahat ng social media account ko. Pati number ng celfone ko pinalitan ko at tanging kay Ana ko lang ibinigay. Mahigpit ang bilin ko sa kanya na wag ibibigay kahit kanino lalo na yung mga kakilala namin sa Davao. Sinunod naman nya ako at nirespeto ang desisiyon kong iyon.

          Naging maayos ang buhay namin ni Fonsy sa manila...sa loob ng halos anim na taon ko dito walang kumplikasyon routine lang. Pero ok na yung ganito...kaya ayokong magpapasok ng ibang tao sa buhay naming dalawa. Ayoko ng problema ng drama. Tapos na ako dun...at ayoko ng bumalik pa dun. Hangang kaya kong ilayo si Fonsy sa Davao gagawin ko wag lang may makaalam ng tungkol sa anak ko. Andun sa Davao ang lahat ng kamag-anak ni Alex at ayokong malaman nila na may anak si Alex sa akin. Kung yung ama nya nga di alam na may Fonsy sila pa kaya. Mas malayo kaming mag-ina mas mabuti, mas tahimik.

         Alam kong hindi magiging madali lalo na kung sakaling magtanong si Fonsy tungkol sa ama nya. Pero hangang di sya nagtatanong mas mabuti ng walang syang alam. Wala pa sa mga plano ko ang tungkol kay Alex napalayo nya sa amin baka nga may pamilya na sya ngayon. Alam kong wala na syang balak bumalik pa dito sa pilipinas at alam kong masaya na sya sa america. Sana nga lang wag ng mag-krus pa ang landas naming dalawa at sana wag na nyang makilala pa ang anak namin. Matagal ko na syan binura sa buhay naming mag-ina. Mas mabuti na yung ganun baka magulo pa kame sa buhay nya ngayon.

          May iniwang message sa akin si Ana nakalagay dun ang motif ng wedding nya at yung design ng sosootin ko...isa pa ito sa dagdag alalahanin ko. Ang pagbalik ko sa Davao. Pero wala akong magagawa dahil kasal ito ng bestfriend ko. Gusto nga sanang maging ring bearer ni Ana si Fonsy pero ako na mismo ang tumangi. Pagbalik ko ng Davao di ko pwedeng isama si Fonsy kahit gusto ko pa. Mahirap na hangang kaya kong umiwas....iiwas ako.

          May lakad kame mamayang gabi ng mga kaibigan ko. Birthday ng isang writer  kaya malamang madaling- araw na ako makaka-uwe. Sabagay minsan lang naman ako kung lumabas. Di ko rin naman nakasanayan ang nightlife. Paraan lang para maka-unwind, mag-recharge at makakausap ng totoong tao sa totoong mundo. Healthy rin naman ang paminsan-minsang sumama sa mga kaibigan at magkaroon ng time para maka-kwentuhan sila.

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon