Separate lives

1.2K 29 0
                                    

Manila
The palace (bar)
BEA 's POV

Kasalukuyan kaming nasa bar kasama ko si Ron at Mia. As usual unwind, catching-up isama mo na ang boylet hunting ni Ron. Ganyan sya pag magkaaway sila ng boyfriend nya. Eto ang gawain namin pg exhausted na kame sa kanya-kanya namin buhay.
" hoy girl ano na ang kaganapan sa bago kong novel...? Bigay mo sa akin yung draft para mabistahan ko na yan." Si Ron
Inismidan ko sya dahil sa totoo lang tatlong araw na ako g walang maisulat. Para bang naglalakbay mag-isa yung isip ko. Halos di gumagana yung imahinasyon ko.

"Alam ko na yan girl baka kasi kaylangan mo ng inspirasyon??? Alam mo na hombre. Bakit kasi allergic ka sa lalake. Yang ganda mong yan. Daming nagkakagusto sa'yo ha. Kaso pusong bato ka." Si Mia

Nilagok ko lang ang cocktail na iniinom ko pang tatlong shot ko na ito. Sa totoo lang mahina ang alcohol tolerance ko kaya madalang ice tea lang ang order ko. Ewan ko ba ngayong gabi kasama sa agenda ko ang magpaka-lasing. Para bang gusto ko ng subukang mag pass-out. Nawiwindang na kasi ako kahit anong pilit kong wag mag throwback pilit na bumabalik ako sa buhay ko sa davao. Kaya nga nagpasundo na lang ako kay Ron kanina sinadya kong di magdala ng sasakyan para kung sakaling malasing ako sila na bahala ni Mia ang maghatid sa akin sa condo. Minsan may pagkakataong gusto mong magpaka-lunod sa alak para ba maging manhid ka sa kung anong sakit man yung nararamdaman mo. Makalimot ka man lang kahit sandali lang.
Tuloy pa din kami sa kwentuhan tatlo...actually silang dalawa lang ang nagsasalita as usual taga palakpak lang ako sa kanilang dalawa. Nung magsawa na hinila nila ako sa dance floor para naman daw mawala yung kalasingan ko. Nahalata na siguro nilang may tama na ako. Enjoy lang sayaw lang...ganon tumakbo ang gabi namin. Yan ang gusto ko sa kanila di nila ako pinipilit mag kwento kung anong ganap. Hinihintay lang naman nila akong magkwento kung kailan ako handang i-share kung ano man ang dinadala o pinagdada-anan ko. Basta andyan silang dalawa lage handang makinig at tumulong kahit di ko pa hinihingi.
Pass 10 na ng umaga ng magising ako mabigat ang ulo sa hang-over. Eto ang ayaw ko kaya di ako umiinom.

"O eto ang pain killer para dyan sa hang-over mo..." sabi ni yaya maring " ano bang pumasok dyan sa kokote mo at nagpakalasin ka kagabi? E halos kaladkarin ka nung dalawa dito sa condo kaninang madaling araw..?" Si yaya maring pa din

Wala akong isinagot sa kanya humingi lang ako ng kape at ininom ang gamot na binigay nya sa akin. Si yaya maring na ang naging nanay ko magmula pa noon. Di na sin sya nag-asawa sa pag-aalaga nya sa akin. Sya lang ang katuwang ko at nakakaintindinsa akin simula pa noon. Mahal na mahal ko sya kaya kahit sinesermonan nya ako di ko sya sinasagot ng pabalang. Sya din ang matyagang nag-aalaga sa amin. Sabi nga nila ang serbisyo may katapat na pera pero ang pagmamalasakit walang katumbas na halaga. Masaya akong kasama namin sya at walang sawang nag-aasikaso sa amin.

ALEX POV
NAIA
Masayang-masaya akong nakatuntong sa NAIA. After 6 years nandito ulit ako sa pilipinas. Kasama ko sila Carl at Ram. Kasama din namin ang 1 senior mechanic namin para sa gagawing inspection sa isang airline company na kame na ang mag-me-maintain. Maaga ko talaga akong nag-file ng request ko para ma-assign ako dito sa Manila. Ewan ko ba para akong batang binigyan ng paboritong laruan ng sinabi sa akin ng boss ko na isa ako sa maa-assign dito. Since cool-off kame ni May wala syang alam kung nasaan ako. Besides wala naman syang magagawa dahil ako ang may gusto nito saka gusto ko na din naman kalasan si May. Ayoko sanang sa akin mangaling kasi ako ang lalaki pero siguro dapat ko ng sabihin talaga sa kanya na hanggang dito nalang kame. Saka malamng di sya papayag na dito ako sa manila ma-assign eto ang pinaka-ayaw nyang puntahan ang pilipinas. Yan din siguro ang isa pa sa mga differences naming dalawa. Ayaw nyang bumalik at mas lalong ayaw nyang dito manirahan sa pilipinas. Mamamatay daw sya ng maaga kung dito daw sya titira. At iyon naman ang kanaligtaran ko. Mas gusto ko sa pilipinas sabi ko nga sa sarili ko mag-iipon ako ng todo para pagbalik ko dito magtatayo na lang ako ng negosyo ko para dito na tumira ulit. Eto talaga ang bahay ko yun bang at home ka masaya pag andito ka.
May tatlong araw kaming break bago kami sumabak sa napaka-daming inspection na gagawin sa airline. Di ko alintana ang jetlag gusto kong umikot muna. Na miss ko talaga ang pilipinas. Dinala namin ang mga bagahe namin sa condo kung san kame tutuloy. Eto ang isa sa priviledge naming mga engineer libre ang tutuluyan namin habang andito kame. Kasama ni Carl ang girlfriend nya one week na magbabakasyon dito. Si Ram tulog sa unit nya kaya ako nalang ang lumabas mag-isa.
Kasalukuyan akong nasa loob ng mall ng may nahagip ang mata ko...pinikit-pikit ko pa ang mga mata ko para lang masigurado kung sino ang babaeng nasa bandang kaliwa ko....lalapit na sana ako ng biglang may umakbay sa kanya na lalaking sa tingin ko naman ay mayaman ayon sa soot nya at gwapo din naman pero siempre mas gwapo ako. Parang may relasyon sila dahil sa pagkaka-akbay nya sa balikat nito. Kinuha pa ng lalaki ang bag nya at sya na mismo ang nagbitbit na para bang ayaw nyang mabigatan ang babaeng kasama nya. Di nga ako namamalikmata....tama nga ako si Bea yun. Si Bea na muse ng team namin...si Bea na nasa kabilang street ng subdivision kung saan kame nakatira sa Davao. Sobrang ganda nya ngayon...mas lalo pa yata syang gumanda kesa nung dating huli ko syang nakita bago ako umalis papuntang US. Ganoon pa din ang buhok nya mas lalo lang naging maganda dahil may konting wave sa bandang dulo...mas nagkalaman sya ngayon kaya mas lalong sexy ang katawan nya. Naalala ko pa dati parang nene lang sya na pinabili ng suka sa tindahan. Ngayon dadaigin pa nya si PIA wurtzbach sa lantik ng katawan nya. Mas pumuti pa nga yata sya kesa dati...her long legs na dati na nya ng assets. Naka shorts lang sya na maong, loose white shirt at sneakers walang make-up pero mamula-mula ang pisngi nyang lagi ko dating pinipisil hangang sa mapikon sya at kukurutin nya ako. Sino kaya ang lalaking kasama nya? Boyfriend? Asawa? EwaN para namang dalaga pa sya sa ayos nya at pangangatawan. Ilang taon na nga ba si Bea? 24 ba 25??? Alam kong limang taon ang tanda ko sa kanya....malabo yatang may asawa na sya dahi bata pa sya para mag-asawa. Gusto ko syang lapitan pero nagdadalawang isip ako dahil sa lalaking kasama nya. Gusto ko munang kumpirmahin kung sino at anong relasyon nya kay Bea. Sinundan ko sila hangang makita kong pumasok sila sa isang toy store....na curious ako kung bakit sila pumasok dun. Hangang makita kong may binili syang dalawang race car matchbox pati yung lalaki may binili din na nerf gun. Para kanino kaya ang mga iyon? Nadagdagan nanaman ang mga tanong sa isip ko. May anak na ba sya? Asawa nya ba yung kasama nya? O baka naman may reregaluhan silang bata. Mas lalo akong naguluhan. Di ko pa nga masagot kung ano nya yung lalaking kasama nya may bago na namang tanong na dumating sa isip ko. Susundan ko pa sana sila sa kinainan nilang resto kaso tumatawag na si chief engr. at pinababalik na ako sa building ng condo namin. Wala pa din akong mabuong sagot sa mga tanong ko....mamaya susubukan kong kontakin si Caloy ang bestfriend ko sa Davao. Sa kanya ako magtatanong siguro naman ay nakabalik man lang kahit isang beses si Bea sa Davao. Di ako mapakali at di ako matatahimik hangang wala akong nakukuhang sagot. Bakit kasi di ko nakuha ang address nya dito sa manila bago sya umalis. Nagtataka din ako sa babaeng yun hapon pa ang flight nya noon papuntang manila umaga pa lang umalis na parang maiiwan ng eroplano. Kungdi lang sobrang sakit ng ulo ko noon dahil sa dami ng nainom na alak nung despedida susundan ko sna su Bea sa airport para man lang nagkausap kame bago sya umalis. Bumalik ako bg condo na para akong zombie, lutang at puno ng tanong ang isip ko.

BEA's POV
Mall
Kahit masakit ang ulo ko sinamahan ko pa din si Ron sa mall. Mas gusto ko na 'to kesa magmukmok ako sa condo dahil di pa din nawawala sa isip ko yung mga dating pictures sa Davao. Lagi nalang ganito throwback na malupit kahit hindi thursday. Pati tuloy sa mall akala ko si Alex yung nahagip ng mata ko. Alam ko naman malabo na maging si alex yung nakita ko dahil napaka layo ng america dito. Saka malabo ng babalik pa si alex siempre mas gusto nya sa US dahil andun ang buong pamilya nya saka mas madaming magagandang babae sa america. Si Alex pa mawawalan ng girlfriend eh mas madalas pa yatang magpalit yun ng babae kesa sa brief nya. Kakainis parang nanadya lang. Kumusta na kaya yung mokong na yun? Naaalala kaya nya ako? May naalala kaya sya? Eto nanaman ako....kinatok ko ang noo ko para matauhan ako sa mga walang kwentang isipin ko. Move-on san ka na ba? Baka gusto mong magparamdam sa akin....ngayun na!!!!

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon