Mine

967 29 0
                                    

BEA's POV:

Papunta na kame ni Alex sa mall kung saan gaganapin ang launch at book signing ng mga bagong pocketbooks na ilalabas under sa publishing house namin. Kabado ako kahit ayaw kong ipahalata pero di ko talaga maiwasan ang mamawis at manlamig ang aking mga palad. Pakiramdam ko maiihi ako sa sobrang nerbiyos at naramdaman ni Alex yun.....

"Relax hon....i'm here!" sabi nitong nakangiti sabay gagap sa palad kong nakapatong sa mga hita ko.

Sino ba naman kasing di kakabahan mamaya na nila ire-reveal ang identity ko. Hanggang last minute kahapon ay nagdadalawang isip ako kung gagawin ko ba ito o hindi. Pero sige bahala na.... bahala ng malaman ng lahat ng readers ko kung sino ba talaga sako. Kahit si Alex ay walang kaalam-alam sa magaganap mamaya.Ang akala nya ay may event lang ang publishing hause namin sa mall kaya ihahatid nya lang ako. Buti na lang at kailangan sya sa hangar dahil may inspection ngayon ang isang airline. Kaya panatag akong wala sya mamaya sa event. Bahala na talaga wala na itong atrasan....

Nag-umpisa na ang event, introduction, speeches ng mga boss namin kasama na ang mga sponsors at publishers, pagpapakilala sa mga upcoming na mga libro, at finally dumating na ang pagpapakilala sa mga authors and writers......well as expected nagulat silang ako yung nasa likod ng pen name na stupid heart. Bata pa kasi ako para sa matured content ng mga stories ko sa books. Pero infairness madaming natuwa ng pag-reveal ng identity ko. Hbang nakapila na ang mga readerspara magpa-pirma ng mga bnili nilang books abot tenga naman ang ngiti namin. All in all ay sucessfull ang book launch at mukhang on the way na ang reproduction ng libro namin ni Mia.

Malapit ng matapos ang book signing at halos ubos na ang pila ng may isang taong naglapag ng mga dati ko pang na-publish na books kasama na ang mga bago sa harapan ko mismo...Nag-angat ako ng tingin at di ko akalaing si Alex yun. Halos malaglag ang panga ko sa pagkagulat dahil ang buong akala ko ay nakaalis na sya.....speechless, stunned lahat na. Iyon ang naramdaman ko ng mga sandaling yun....

"Surprise....." matamis na ngiti at bungkos ng pink tulips ang iniabot sa akin ni Alex..."can you sign all my books ms. stupid heart..." kantyaw nya sa akin sabay dukwang para gawaran ako ng halik sa labi

Ang mga kasamahan kong writers ay sa amin nakamasid lalo na si Mia. Sa gilid ng platform ay nandoon si Ron na nakatingin din sa amin ni Alex....Matapos kong pirmahan ang mga libro nagulat ako dahil lumuhod si Alex sa harapan ko.....Napasinghap ang lahat ng naroon sa venue lalo na at naglabas ito ng pulang kahita na naglalaman ng singsing. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at di nakagalaw sa kinauupuan ko. Nakatitig lang ako sa kamay nyang may hawak ng singsing....

"I've been planning to do this everytime we're alone but i can't find the right time to ask you....i had this ring in my pocket for two weeks now but i can't find the guts to give it to you. Kanina nung sinundo kita Fonsy ask me if i can enroll him sa basketball camp....sabi ko we will talk about it .... then he said an i quote "dad you have to decide....it's now or never" biglang parang may nag ring sa tenga ko....." nagpatuloy pa si Alex

"And now i'm asking you .... will you be my wife???? God knows how much i love you and i want to marry you...."  long pause as in llllooonnnggg

"Hon i need your answer everybody is looking at us .... it's now or never....please be my wife!" si Alex

Narinig ko ang mga tawanan sa sinabi ni Alex. Lahat sila nagti-cheer para sa amin. Sa sobrang pagkagulat ko nanigas ako sa kinauupuan ko at di makapagsalita....di makapaniwalang sa ganitong pagkakataon ako aalukin ng kasal ng mokong na'to. Hangang sa mahanap ko ang dila ko kasabay ng panginginig ng buo kong katawan ang aking pagtango at pag-abot ng daliri ko para maisoot ang singsing na kanina pa nya hawak.....

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon