BEA's POV
After two days nailipat na din sa kinuhang suite ni Alex si Fonsy. Nagising na sya pero mas matagal pa din syang tulog. Sabi naman ng doctor normal lang yon dahil din sa operation nya galing sa injury. He will be back in his old self in no time. Magkatulong kame ni Alex mag-alaga sa anak namin . Di muna namin masyado pinag-uusapan kung ano man yung mga nakaraan at naka focus kame kay Fonsy. Ika-limang araw ni Fonsy sa regular room nakangiti syang nagising nakita nya si Alex tulog sa couch habang ako ay nasa tabi ng kama nya.
"Mommy....i'm hungry!" Si Fonsy
"What? What do you want to eat? May masakit ba sa'yo?" Sobrang saya ko na masigla syang nagising
"I want fried chicken...i miss you mommy." Sabay haplos ng maliliit nyang kamay sa mukha koNakita kong naalimpungatan si Alex at napaupo sa couch. Lumapit sya sa aming mag-ina at hinaplos ang buhok ni Fonsy. Masaya ang mga mata nyang pinagmasdan ang mukha ng anak nya...
"How are you buddy? You want something?" Si Alex
"Your here..." si Fonsy may ngiti sa mata ng anak koDi napigilan ni Alex na yapusin ang anak nya na para bang ayaw na nyang bitawan. Si Fonsy din ay ipinulupot ang maliliit nyang braso sa leeg ni Alex. Nanginginig ang mga balikat ni Alex habang nakabaon ang mukha sa balikat ni Fonsy. Alam kong ang mga luha ni Alex ay gawa ng saya na nayakap si Fonsy bilang anak at hindi lang batang naka-usap nya lang sa mall. Kahit ako din naman ay naiyak na pagmasdan sa ganoong ayos ang mag-ama ko. Tuwang-tuwa akong makita silang dalawa na magkasama na sa wakas. Naghiwalay ang katawan nila at may pagtataka sa mata ni Fonsy ng titigan si Alex...
"Why are you crying tito Alex..?" Si Fonsy
"Nothing i'm just happy. How are you feeling?" Si Alex
"I'm hungry...i want to eat fried chicken." Si FonsyNagtawanan kame ng mahina sa sinabi ni Fonsy. Agad nagpaalam si Alex para bumili ng fried chicken na gustong kainin ni Fonsy. Naiwan kaming mag-ina sa kwarto at naghintay na makabalik si Alex.
"Mommy i like tito Alex. He's mabait. He likes playing with me especially basketball. Can you please allow him to play with him more.?" Si Fonsy
"Hey baby di ba dati you ask me about your dad?" Nanuyo ang lalamunan ko pero kaylangan ko ng umpisahan ito kahit paunti-unti lang. Nakatitig lang ang anak ko at parang naghihintay sa mga sasabihin ko pa...
"I wanna ask you something...do you want to know who your dad is? Gusto mo ba syang makilala?" Biglang namilog ang mga mata ng anak ko at ngumiti sa akin...
"Talaga mommy can i see my dad? Can you tell him to come over? Please mommy pwede ngayon na." May luha sa mga mata ng anak ko di ko alam kung para saan yon. Kahit ako di ko mapigil ang paghikbi ko. Noon ko lang naramdaman kung gaano kasabik si Fonsy sa ama nya. Bumukas ang pinto dala na ni Alex ang bucket ng fried chicken mga prutas at iba pang pagkain na nabili pa nya...nakatitig sya sa aming mag-ina parang nagtatanong kung anong pinag-uusapan naming dalawa... Hinawakan ko ang dalawang pisngi ng anak ko para makuha ang atensyon nya..."Fonsy...i want to meet your dad...tito Alex is your DAD...!" Kasabay noong ang pagdaloy ng luha ko na parang di nauubos
The next thing i knew magkayakap na ang mag-ama. Walang nagsasalita puro mahihinang hikbi lang ang pumuno sa kwarto. Di halos mapaghiwalay ang mag-ama sa yakap na yon. Parang nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko ng makita kong nagtatawanan ang mag-ama ko habang pinupunasan ni Alex ang mga luha ni Fonsy. Hinila ako ni Alex at para sabay naming mayakap ang anak namin. Tuwang-tuwa si Fonsy halos awatin na sya ni Alex para hindi maglumikot at baka mabinat. Si Alex ang nagpakain kay Fonsy habang minamasdan ko silang dalawa. Di nagsasawa si Fonsy na tawagin ang daddy nya. Hinayaan ko si Alex na tabihan si Fonsy. Di matapos-tapos ang kwentuhan ng mag-ama.
"Daddy when i'm asleep don't leave ha?"
"No i' m not going anywhere." Si Alex
"Promise...?" Si Fonsy
"Promise cross my heart..." si AlexNakatulog na si Fonsy sa yakap ni Alex. Ng nahimbing na ito ay saka nya inayos ang pagkakahiga ng bata. Tumabi sya sa akin sa couch
"Thank you...pinakilala mo na ako sa kanya." Si Alex
"It's the least that i can do. I want Fonsy to know you, alam kong sabik sya sa pagmamahal ng galing sa daddy nya. Kahit ibuhos ko ang buong pagmamahal at atensyon ko sa kanya....alam kong di sya makukumpleto pag wala ka. I owe it to Fonsy and i owe it to you." Sabay sa isang tipid na ngitiHinapit nya ako palapit sa katawan nya. Sumandal ako sa malapad nyang dibdib at ibinigay ang buong bigat ko sa kanya. Akbay nya ako habang nakaupo kame sa couch. Naramdaman kong hinalikan nya ang ulo ko hinayaan ko lang si Alex. Ngayon ko lang ulit naramdamdan yung ganito na para bang may katuwang ako. Yung kahit gaano kabigat makakaya ko kasi andyan lang sya para maging kaagapay ko. I felt at peace sa bisig ni Alex gaya noong nasa Davao pa kame. He always there to protect me and take care of me. I feel so safe whenever he's around. Sana ganito nalang lage. Sana di na sya aalis pa ulet.
Lumipas pa ang ilang araw pinayagan na si Fonsy na lumabas ng hospital. Cleared nanaman lahat ng laboratory test nya at he will back in his old self in no time. Masayang-masaya ang mag-ama habang binibihisan ni Alex si Fonsy. Inaasikaso ko naman lahat ng mga gamit namin katulong si yaya maring. Inakyat na ang bill kaya kinuha ko na ang bag ko para bumaba at magbayad. Hinawakan ni Alex ang kamay ko at hinila na ako papuntang billing. Kinuha nya sa kamay ko lahat ng bill at sya ang nagbayad lahat nito. Gusto ko sanang humati man lang sa bayarin pero hindi sya pumayag. Hinapit nya lang ako sa bewang at hinalikan ako sa noo. Di ako nakagalaw dahil nasa harap kame ng billing ng ginawa nya yon. Alam kong pinamulahan ako ng pisngi at dumagundong ang kaba sa dibdib ko.
Extra sweet si Alex pero ayokong bigyan ng malisya. Ayokong umasa baka kasi hangang ngayon kaibigan pa din lang ang turing nya sa akin. Sino ba naman ako sa buhay nya. Besides alam ko naman na di magtatagal babalik na sya ng america. Ayokong sanayin ang sarili ko na nasa tabi ko sya baka mahirapan lang ako kung sakaling umalis na sya.Isa pa nga pala yan sa alalahanin ko... panu na pagkailangan na nyang umalis. Alam kong masasaktan si Fonsy. Siguro kaylangan ko ng itanong kay Alex kung kailan sya babalik sa america para maihanda ko ang loob ni Fonsy. Meron namang skype o messenger magkikita pa naman din silang mag-ama at makakapag-usap. Madami ng ways of communication ang importante alam na ni Fonsy na meron syang daddy. Pinapalakas ko lang ang loob ko pero deep inside di ko alam ang gagawin ko kung sakaling aalis na sya.
Hahanap ako ng time para i-open ko ang topic kay Alex ayokong maiwan si Fonsy sa ere pero alam ko din na may babalikang buhay at trabaho ang ama nya sa america. Andoon na ang mundo nya at ayokong maging hadlang kaming mag-ina kung ano man ang buhay nya ngayon. Di ko yon magagawa sa kanya. Pwede naman syang bumalik dito para magbakasyon at makasama ang anak namin. Masaya na akong kinilala nya si Fonsy kuntento na ako dun. Kung ano lang ang pwede at kaya nyang ibigay para kay Fonsy masaya na ako. Sana lang kahit malayo sya wag nyang kakalimutan ang anak namin. Siguro naman din maiintindihan ni Fonsy ang sitwasyon ng ama nya. Matalino ang anak ko sa tamang paliwanag ng sitwasyon magiging okey ang lahat. Sa ngayon enjoy muna habang andito pa ang ama nya
Sa wakas naiparanas ko kay Fonsy yung gusto nyang family. Yung kaming tatlo magkakasama. Kahit sandali kahit hindi ko alam kung hangang kelan lang ito. Di pa din nawawala sa isip ko na magkaiba na ang mundo naming ginagalawan ni Alex. At ayokong sanayin ang sarili ko dahil alam kong masakit pag dumating na ang reyalidad ng paghihiwalay. Sa ayaw at sa gusto ko darating yon...kaya ngayon palang dapat paghandaan ko na habang maaga pa, habang kaya ko pa....
BINABASA MO ANG
Stupid heart
RomanceSi Bea ang babaeng inaalagaan ni Alex noong una pa man noong nasa Davao pa sya.... kuya ang turing sa kanya nito. Mag-bestfriend ang mga lola nila kaya dahil doon di nya ito magawang ligawan. Isa pang dahilan ay bata pa ito ng mga panahon na yun. K...