Aftermath

936 28 0
                                    

ALEX's POV

          Walang kaalam-alam kanina si Bea na nasa simbahan din kame ni Caloy. Napaganda nya sa soot nyang gown mas lalong lumutang ang maamo nyang mukha dahil sa pagkaka-pusod na maluwag ng kanyang buhok. Ayoko pa din magpakita sa kanya. Mas gusto kong titigan lang sya habang pinag-aaralan ang bawat kilos at galaw nya.

          Pagdating sa reception mas ginusto kong pumwesto sa likod mula doon ay nakikita ko sya ng malaya. Napagmamasdan ko ang kanyang kabuuan. Hindi na sya ang dating neneng binabantayan ko sa school o sa park ng village. Di na sya yung nanonood ng mga games namin sa basketball court ng subdivision. She's not a kid anymore...my Bea turned to be this gorgeous woman...a fine lady that i always picture her to be. Mas lalo akong na-mesmerize when she sings on the stage. Eversince she had that elegant grace with her persona...the way she move, the way she talk...she's breathtakingly beautiful. Everything about her is regal and full of poised. Kaya ng matapos syang kumanta di ko na napigilan ang sarili kong di sya lapitan at kausapin. It's now or never...i have to move for her. Kaylangan kong masabi sa kanya kung anong pakay ko at kung anong nasa isip at puso ko. Kung kaylangan ko syang ligawan gagawin ko, kahit anong gusto nya.

          Hinahanap sya ng mata ko ng ihagis ni Ana ang bulaklak sa ere...hoping na sana sya ang makasalo ng bridal bouquet ng bestfriend nya....pero nagsialisan na ang mga dalaga sa gitna pero walang bumalik na Bea sa tabi ko. Alam kong babalik pa sya dahil naiwan nya pa sa table ang panyo na hawak nya kanina. Halos mag twenty minute na ang lumipas pero di pa din sya bumabalik. Nagpatulong ako kay Caloy na hanapin sya sa paligid o baka ng CR lang pero hindi namin sya nakita. Lumapit na ako kay Ana para tanungin kung nagpaalam ba sa kanya si Bea. Pero nagulat sya ng makita nya ako. Sinagot din naman nya ako na di nya nakita si Bea mula ng bumaba ito sa stage kanina after nyang kumanta. Hinanap na din namin sya may garden sa likod ng pavillion baka nagpapa hangin lang pero no luck at all.

          Tapos na ang reception wala na talaga kaming inabot ni Caloy...nagtanong kame sa receptionist ng hotel at nalaman namin dun na nag-check-out na ito kanina pa. Dumaan ako sa dating bahay nila at wala namang bakas na may tao dun dahil naka padlock ang gate mula sa labas.

          Di na ako nakatanggi ng pinigilan ako ng lola na dun matulog sa dati kong kwarto. Pinagbigyan ko na lang tutal bukas naman ay pabalik na ako ng manila...sa gabi na ako bi-byahe para naman makapag-kwentuhan pa kami ni lola kahit buong umaga bukas...

          Nasa kwarto na ako ng pumasok si manang para magpalit ng kobre kama ko. Nung pinapalitan nya na ang cover ng kama may napansin akong bahid na pula sa kama tinanong ko si manang dahil sya pa rin naman ang dati pa naming kasambahay kahit nung dito pa ako nakatira...

"Manang ano yan mantsa na yan? Ito pa rin ba yung dati kong kama na ginagamit?" Sabi ko
"Oo naman....matagal na yan dyan napansin ko yan nung gabing nagdespedida ka bago ka umalis papuntang amerika." Si manang " naalala mo ba nung umagang yun nagmamadali kang pumunta sa bahay nila Bea dahil paalis naman sya papuntang maynila.
"Manang sinong tumulong sa akin nun paakyat ng kwarto?" Tanong ko
"Baka si Bea di ko alam kasi nagkakape pa sila nung mga lasing na kayo dyan sa sala." Si manang ulit
"Ah oo si Bea nga kasi pinipigilan ka nya non na umakyat at baka ka mahulog sa hagdaan kaso nagalit ka pa at sabi mo gusto mong maligo kaya inaalalayan ka nya paakyat ng hagdan..."

          Anim na taon na matapos ang despedidang iyon...lasing ako pero may naalala akong mga bagay na nangyare sa kwarto ko nung gabing yun. Ng magising ako ng kinabukasan ng despadida gusto kong makausap si Bea para magtanong dun sa mga kaunting mga naalala ko. Ang pabango ng dalaga na sumama sa amoy ko, ang pagyakap ko sa isang babae maging ang paghalik ko sa labi nito. Nagtatalo ang isip ko kung totoo ba yun, imahinasyon lang ba dahil sa sobrang kalasingan o panaginip kaya. Hangang sa panahon ng kasalukuyan di ko pa din matukoy kung ano nga bang nangyare ng gabing yun. Pero palaisipan sa akin ang sinabi ni manang tungkol sa naiwang mantsa sa  kama. Mahirap ng tukuyin dahil sa anim na taong nagdaan pero sumasagi pa din sa isip ko kung paano kung may nangyare be sa amin nung gabing yon. Kungdi sana sa sobra kong kalasingan mas malilinawan sana ako.

          Gumising ako ng maaga para makasalo ang lola sa agahan di ko muna sinabing nasa manila lang ako para di na kulitin. Saka nalang ako babalik sa davao pag nagkapanahon ulit tutal naman dito na ako muna mamalagi sa pilipinas dahil sa trabaho. Ayaw ko muna ipaalam sa kahit na sino na dito naka base ang trabaho ko. Pinalabas kong andito lang ako para magbakasyon ngbilang araw at babalik na ulit ng america. Mas gusto kong ganon ang isipin ng mga kakilala namin para walang mag duda. Sa nangyare sa kasalan kahapon mas lalo kong napatunayan na nagtatago si Bea...na ayaw nitong may makaalam kung nasaan man sya sa parte ng manila. Sa takbo ng pag-uusap namin kahapon kahit maikli lang ito walang isinagot ang dalaga na matino sa akin. Parang may itinatago, iniiwasan at alam kong hindi ito kumportable kahapon habang katabi nya ito. Patunay pa na bigla nalang itong nawala na parang bula habang ang paalam sa kanya ay sasalo lang bulaklak ng bride. Ni hindi ito nagpaalam kay Ana na aalis na sya. At ang higit na nakapag pataka sa kanya ay ang sinabi ng receptionist kahapon na nagmamadali itong umalis palabas ng hotel at halos di pa naisasara ang dala nitong maleta kahapon samantalang ang reservation ng tinutuluyang kwarto sa hotel ay sunday pa ng before lunch ang check-out nito.

          Anong dahilan ni Bea at nagmamadali itong umalis ng reception at di pagpapa-alam kay Ana. Ang pagtataka sa mukha ni Ana kahapon habang kausap ko sya ay isa pa din sa nakakadagdag sa mga tanong na gumugulo sa isip ko. Bakit parang may kinakatakutan si Bea sa Davao? Kaylangan ko ng bilisan ang kilos ko para mahanap si Bea...hindi ako matahimik masyadong maraming naglalaro sa isip ko.

          Gaya ng pinangako ko kay lola nagkwentuhan kame buong umaga. Pinagpaluto pa nya ang paborito kong ulam. Nagpaalam ako na magbabakasyon ng matagal sa susunod. Sinabi ko nalang na madami akong naiwan pa na trabaho kaya pumayag na syang paalisin ako ng hapon ng linggo. Si Caloy pa din ang naghatid sa akin sa airport...

" bro may nakakita daw kay Bea kagabi dito sa airport habang naghahanap ng flight pabalik nag manila kagabi din." Si Caloy " sabi din ng cebu pacific pinapalitan nya yung ticket nya na imbes linggo ng umaga yung flight kagabi ang ipinalit nya."

          Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Caloy. Nagkatinginan kameng dalawa at nagsusukatan kung anong nasa isip namin...

"Bro wala ka bang nagawa kay Bea na ikinagalit nya?" Si caloy
"Wala akong matandaan dahil ng huli ko syang makita despedida naming dalawa eh." Sabi ko
"Para kasing napaka-ilap ni Bea parang hindi sya...napansin mo ba yung mga pag-iwas nya...parang may itinatago. Ewan ko lang ha hindi kasi ako sanay na ganyan sya..." si caloy
" sa totoo lang bro ako din nagtataka...pero hayaan mo gagawa ako ng paraan...basta keep in touch."

Noon na nag sink-in sa utak ko na kaylangan ko ng gumawa ng paraan para makausap sya ng masinsinan...kung ano man ang problema nya andito ako at tutulong sa kanya. Alam kong wala syang kasama dito sa manila...pero andito na ako di na ako aalis sa tabi nya. Pagbalik ko ng manila hanap ako ng private investigator kung kailangan para mahanap ko si Bea...alam kong may dahilan ang lahat ng mga ikinikilos nyang kakaiba sa akin at sya lang din ang makakasagot sa lahat ng tanong na naglalaro sa isip ko. I will get to the bottom of this i swear aalamin ko lahat ng mga bagay na nangyare simula ng umalis sya ng davao....

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon