UNIFIED

995 25 0
                                    

.....Sa bawat tanong ay may isang sagot, bawat bagay may katapat, bawat luha may kapalit na ngiti, bawat problema may solusyon.....at bawat isa sa atin may isang taong nakalaan para ikaw ay mahalin Mahaba man ang panahon na iyong ipinaghintay, masukal man ang daan papunta sa kanya, gagawa't gagawa ang tadhana ng paraan para kayo ay magkita....

BEA's POV

Araw ng kasal ko ngayon tatlong araw na kaming di nagkikita ni Alex. Ayaw ng mama nya na magkasama kameng bababa sa iisang bahay kahit alam na naman ng parehong partido namin na kasal na kame sa huwes, kaya dun muna sya naka-check-in kung saang hotel namamalage ang buong pamilya nya. Sa katabing unit naman ng condo namin ay masuwerteng na-rentahan ko habang andito ang buong pamilya ng daddy ko. Sabi ko nga noong una pa ay wala naman akong problema sa stepmom ko, lamang ay ayokong sumama sa kanila tumira sa Canada kung saan sila naka-base. Andito ang buhay ko sa Pilipinas at mas gusto kong mamalagi dito. Kahit matagal ng patay ang mommy ko, ayoko pa din malayo sa kanya at sa memories nya. Sobrang close kame ni mommy noon kaya mahirap sa akin na kalimutan sya.

Di naman malaking kasalan ang magaganap, family lang namin ni Alex at super close na mga kaibigan ang inimbita namin. Yun ang napagkasunduan nung una pa lang na pinlano ang church wedding. Intimate and exclusive para sa family and friends lang talaga as much as possible. Para lahat na eestima, lahat may time kausapin ang bawat bisita namin. Hinayaan lang ako ni Alex gawin ang bawat gusto ko sa church wedding. Although i ask his opinion from time to time, he always say "whatever you want" or "whatever my wife wants i'll go for it" pagtinatanong sya ng wedding coordinator. So to sum it all ako pa din ang may last say sa mga desisyon. And i'm thankful for that kasi mas madali para sa akin ang mag-desisyon. Isang bagay lang ang di nya pinalampas.....ang wedding gown! He even had a list of specifications na binigay nya sa designer. Feeling ko parang kumot ang gusto nyang ipasoot sa akin. Sa sobrang sakit ng ulo ng designer ng gown he really as for my help para kausapin ang asawa ko na medyo mabawasan ang restrictions ng gown na gusto ni Alex. And we end up to compromise what Alex's wants and what is good for me to wear....pinalampas naman nya ng konti yung ibang ayaw nya....

And here I am sa harap ng nakasaradong pinto ng simbahan.....wearing my ecru wedding gown. I don't know how to sum up how i feel. Officially i'm his wife pero iba pa din pala pag nakasoot ka ng trahe de boda at lalakad ka down the aisle....iba ang pakiramdam parang ang daming naglalarong paro-paro sa tyan ko, feeling ko nakalutang ako. Ganito pala maging bride. Ang daming tumatakbo sa isip ko habang nakatitig ako sa nakapinid na pinto ng simbahan. Yung kabog ng dibdib ko ay halos marinig ko na wala pa akong nakikita paano pa kaya kung buksan na nila ang pinto....

Sa pagbukas ng pinto ng simbahan nanlamig ako bigla nanghihina ang mga tuhod ko at halos di ko maihakbang ang mga paa ko sa sobrang nerbiyos...I saw Alex's face smilling at me sa tabi nya si Fonsy our best man wearing an exact suit like his dad....ang dalawang pinaka-mahalagang tao sa buhay ko. Kasabay ng hakbang papunta sa dulo ng simbahan kung saan ako hinihintay ni Alex ay ang pagpatak ng luha ko. Sinabi kong hindi ako iiyak pero di ko maawat ang hikbi ko. Siguro dahil simula sa araw na ito mas lalong titibay ang pagsasama naming mag-asawa dahil may blessing na kame ni Lord at ng mga pamilya namin. Di ko binitiwan ang mga titig ni Alex sa akin. Iyon ang nagsilbing lakas ko para lumakad papunta sa kanya. Kahit noon pa man sa kanya na ako lagi kumukuha ng lakas kahit kailan simula ng mamatay ang mommy ko si Alex ang nagpapasya sa akin. Brusko man ang pagtrato nya sa akin pero alam ko deep in his heart he cares for me. Ganoon nya ako inalagaan simula pa noon. Lahat ng sugat ko syang ang gumamot, lahat ng umaaway sa akin sya ang humaharap. Walang pagkakataon na di nya ako naipagtanggol. Basta naandyan sya nothing will go wrong....

I love you bulong ni Alex sa akin the moment na nahawakan nya ang kamay ko....nanlalamig ang mga palad nya at para bang balot din sya ng kaba gaya ko. Sa buong wedding ceremony di kawi nagbitaw ng kamay ni Alex pinipisil nya ang palad ko para pakalmahin ang kaba sa dibdib ko. Kahit sa anong sitwasyon ganyan ang epekto ni Alex pag nasa tabi ko sya. Feeling ko safe ako at walang mangyayaring masama basta magkasama kame. This will be the start of our journey together...walang ng iwanan!

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon