BEA's POV
Sa coffee shop na ako nagpasundo kay Alex. Di talaga sya papayag na hindi ako susunduin. Di ko na sya pinapunta pa sa publication dahil ayokong makita nya ang mga libro na ilalabas sa bookstore. Kahit minsan naman di sya interesado sa mga pocketbooks ko. Di nga nya alam kung alin sa mga nakahanay na libro sa bookstore ang gawa ko. Besides nagtatago pa din ako sa pen name na dala ko bilang author. Sa book signing nalang nila malalaman kung sino ako, itsura ko at anong pangalan ko. Para siguro sa mga nagbabasa at bumibili ng mga gawa kong nobela big deal yon. Ayaw ko sanang i-reveal ang identity ko kaso may pa-booksigning. Madami na daw kasing naiintriga sa akin. Almost 2 years ng top selling ang mga pocketbooks na gawa ko. Gusto na din ng management na magpakilala ako, may mga sumusulat at tumatawag at nire-request na isama ako sa mga event ng management. Panay ang kantyaw sa opisina pumipila na daw sa labas ang mga admirers ko.
Tatlo lang sana kami nila Mia at Ron na magkakasama. Pero sumunod sa printing press ang publisher ko...si ADAM LOPEZ. Pang-apat na beses na syang ng finance ng publication ng libro ko. Yung naunang dalawang libro kasama lang sya sa group ng publisher na nag-finance pero itong huling dalawang pocketbook na nilabas solo sya as publisher. Hands-on sya masyado nitong huling dalawang libro. Nakikibasa pa sya noon sa drafts palang. He even suggest for the twist ng story... nakakasama namin sya hangang late nights nung binubo palang ang plot.Nakakatuwa nga kasi madaming tumatakbo sa imagination nya kaso wala syang tyaga na gawin ng buo ang bawat chapters. Ideas lang daw ang meron sya...yun ang lagi nyang sinasabi sa amin ni Mia kaya gustong-gusto nyang sumasama pag nagbe-brainstorming kame. Pati sa printing ng cover at design may say din sya.
Nasa isang lamesa kameng apat sa coffee shop at nakasalansan ang dalawang laptop habang umiinom kame ng kape ng dumating si Alex. Nakatalikod ako sa pinto kaya di ko sya napansin na pumasok. Pinatong nya ng isang kamay nya sa bakikat ko at hinagkan ako sa noo kaya napatingala ako sa kanya. Hinuli nya ang labi ko na alam kong ikinapula yun ng mukha ko. Sanay na si Mia at si Ron kaya lang nahiya ako kasi andun si Adam...Pinakilala namin sya kay Alex at parang may halong pagtataka sa mata nya kung bakit kasama namin si Adam....
"Hi! Tapos na kayo?" Pagtatanong ni Alex habang humihila ng upuan para tumabi sa akin
"Yeah...nagku-kwentuhan na lang. Gusto mo ng kape?" Umiling lang sya sa akin at nagtanong din
"Pang-ilang kape mo na ba yan this day?" Nakangiti syang humarap sa akin
"Pang-apat?" Si Ron ang sumagot
"O akin nalang 'to sobra na ang caffeine intake mo mahirapan ka namang matulog..." sabay kuha sa kape ko."Bea excited ka na ba sa book signing? Daming inquiry sa office. Kino-confirm yung location..." si Adam nakatingin habang nagtatanong sa akin
"Hala ka mare magugulat ang lahat kung sino ka. Sikat ka na mare ko...kaya lang mawawala na ang privacy mo kasi makikilala na nila kung sino ka. Yes nakaka-excite..." sabi ni Mia na kinikilig pa"Well i think it's about time na makilala ka na ng mga readers mo. Para malaman nila kung gaano kaganda yung sumulat ng libro...." si Adam na naka-ngiti sa amin.
Napahigpit ang hawak ni Alex sa kamay ko. Ayokong isipin na napikon sya sa sinabi ni Adam iba pa naman si Alex pag uminit ang ulo....
"Naku isang araw lang naman ang event...kinabukasan nyan nakalimutan na nila ang mukha ko." Pagtanggi ko sa biruan namin
"Kaya nga mate-test natin ang pagiging instant celebrity mo girl." Si Ron"I doubt na makakalimutan ng mga readers mo ang itsura mo. You're so pretty Bea malabo yun. Magtataka pa nga sila kung bakit ka nagtatago sa pen name mo?" Nagulat kame sa sinabi ni Adam nakatingin silang tatlo sa akin habang umiinom ng kape si Alex
Nakakaramdam ako ng tensyon kay Alex habang hawak pa din nya ang kamay ko. Hinuli ko ang mata nya at sabay tinanguan ko sya para makapag-paalam na kame para umuwi bago pa man mapikon ng tuluyan si Alex. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya at akmang tatayo na ako. Hinila ako ni Alex kaya napaupo ako sa lap nya....
"Hoy PDA kung PDA ha...." panunukso ni Ron
"Tara na Hon may office ka pa bukas..." tumayo ako at hinihila na sya patayo
"Sige una na kame." Nakatingin syang nagpaalam sa tatlo pero imbis na hawak lang sa kamay hinila nya ang bewang ko palapit sa kanyaNaglakad kame palabas ng coffee shop bitbit ni Alex lahat ng gamit ko. Di ko alam kung bakit parang may iba sa ikinikilos nya. Ganito sya noon sa Davao pag may umaaligid sa akin na manliligaw. Tahimik pa din sya sa loob ng oto habang nagmamaneho. Ayokong magbukas ng topic at pinipilit ko na lang na ipahinganang isip ko.
"Sa condo ka na matulog nag-text na ako kay yaya maring kanina." Seryoso ang mukha nya talaga. Nakatutok ang mga mata nya sa daan. Hinayaan ko na nga lang baka maka-dagdag pa ako sa pagka-badtrip nya.
"O sige agahan na lang natin bukas dun na lang tayo mag breakfast kasabay ni Fonsy." Tango lang ang isinagot nya sa akin. May kakaiba talaga sa lalaking ito. Kanina okey naman sya tapos bigla-biglang umiinot ang ulo.
Nasa condo na kame ng biglang nagtanong si Alex....
"Nanliligaw ba sa'yo yung gagong yun?" Mataas na tono ang tanong nya. Sabi na nga ba may ibang tumatakbo sa utak ng lalaking 'to
"Sino si Adam? Hindi ah, publisher ko yon. Ganoon lang talaga yon mabiro." Pagtatanggi ko sa kanya. Di naman kasi talaga."Eh bakit magkakasama kayo, sabi mo si Mia at Ron lang ang kasama mo." Ang kulit talaga parang bata
"Kame nga magkakasama tapos sumunod sya sa printing press sa amin. Malay ko bang sasama pa syang mag-kape. Besides publisher ko yon alangan namang sungitan ko sya yung ng finance ng libro." Naiinis na talaga ako kay Alex di ko malaman saan pupunta ang usapan namin
"Bea lalaki ako alam ko kung papano tumingin ang lalake kung may gusto sya sa isang babae..."at talagang bumulalas na ang inis na tinatago ni Alex "wow first name basis talaga kayo ng gagong yon."Di ko na lang pinatulan si Alex baka humaba pa ang usapan na wala namang ka-kwenta-kwenta. Di ko rin alam kung maiinis ako o matatawa sa kanya. Ang lagay pala itong lalaking ito ay may insecurity palang natatago sa katawan nya....
"Nagseselos ka ba kay Adam?" Nanunukso kong tanong sa kanya. Nilapitan ko sya saka niyakap sa bewang nya
"Gago eh....sa harap ko pa talaga nagpapalipad hangin sa'yo. Gusto kong sapakin kanina eh....nagtitimpi lang ako." Nandito kame sa terrace at magkaharap na nag-uusap. Yumakap ako sa bewang nya para mawala na sana ang init ng ulo nya... lalo kong idinikit ang katawan ko at pilit na inaabot ang labi nya para halikan. Taas baba pa din ang paghinga nya halatang inis pa din. Hinawakan ko ang mukha nya para mahuli ko ang labi nya....
"Hon tama na yan...ikaw ang mahal ko alam mo yan di ba." Sabi ko habang magkadikit ang mga noo namin. Sa wakas ay nagpahalik din
"Ayokong sasama ka sa Adam na yon ha." May awtoridad na sabi nya
"Honey hindi naman pwede yon alam mo naman yon diba?" Paglalambing ko sa kanya " sige ganito nalang never ako sasama pag kaming dalawa lang. okey na ba yon?"
"Dapat alam ko ang mga lakad mo at kung saan ka pupunta...lalo na pag bumubuntot sa'yo ung gagaong yun.."
"Fine! May idadagdag ako...magkakasama lang kayo pag work related lang at di pwedeng kayong dalawa lang. Di ka rin pwedeng sumakay sa kotse yan. Baka kung san ka dalhin nung gago na yon." Ang daming kundisyon talaga. Hinayaan ko nalang para matapos na ang pagmamaktol nya. Ngayon ko lang nakita ang side nya na ganito....grabe sa pagka-possessive. Naging maayos na din naman sya at parang humipa na ang init ng ulo. Niyakap ako ng mahigpit at hinalikan ang tutok ng ulo ko....Akala ko tapos na kame sa topic kanina pero parulog na kame at iyon pa din ang inungkat nya....
"You're mine Bea...i don't intend to share you with anyone." Si Alex habang magkaharap kameng nakahiga sa kama
"Possesive...di ko naisip na magseselos ka kay Adam." Nangingti kong tugon sa kanya
"Kay Adam at sa lahat ng lalaking tumitingin at lumalapit sa'yo..." pag-amin ni Alex
"Wala naman akong naging boyfriend ah. Ikaw pa lang. Nauna pa nga akong naging mommy kesa nagkaroon ng boyfriend." Sabi ko. Hinapit nya ako at isiniksik sa dibdib nya
"I know that...i'm the first man in your life oops no i am the only man in your life and it will remain that way.... I love you so much Bea and i intend to stay in your life forever."
"I love you too Alex...you will be the only man in my life. You and Fonsy..."
"For now kaming dalawa pa lang ni Fonsy...baka malay mo lalaki ulit ang susunod na baby natin." Natatawa nyang sinabi sa akin
"Ikaw talaga. Puro ka kalokohan."
"O bakit di naman imposible yun. Pero sige sa ngayon dalawa lang muna kame ni Fonsy. Kame munang magbabantay sa'yo."
"At bakit naman kaylangan nyo akong bantayan aber?"
"Siempre daming umaalig-aligid sa'yong mga kumag dyan. Subukan lang nilang lapitan at ligawan ka may paglalagyan ang mga yan. Tagal kitang binatayan sa Davao tapos maagaw ka lang sa akin....no way honey...you are mine from the day you were born... akin ka lang." at pinaliguan na ako ng halik at alam ko na kung san nanaman kame makakarating nito....
BINABASA MO ANG
Stupid heart
RomanceSi Bea ang babaeng inaalagaan ni Alex noong una pa man noong nasa Davao pa sya.... kuya ang turing sa kanya nito. Mag-bestfriend ang mga lola nila kaya dahil doon di nya ito magawang ligawan. Isa pang dahilan ay bata pa ito ng mga panahon na yun. K...