Twogether

842 25 0
                                    

BEA's POV

Almost a month since naging kame ni Alex, well true to his words nililigawan pa din nya ako. Meron pa ding flowers everyday, may dinner o nanonood ng sine. Basta we find time na we can have our date just the two of us. Pag minsang madaming work dito lang kame sa condo. Dito na din sya nagdi-dinner since wala syang kasama sa condo nya. Kung dati magaling syang mag-alaga sa akin nung nasa davao pa kame, mas ngayon na kame na. Mas grabe si Alex ngayon mag-alaga at mag-asikaso. Laging andyan sa tabi namin ni Fonsy. May tawag na may text pa magtatanong kung kumain na ako o kung anong ginagawa ko. Masaya akong sa itinatakbo ng relasyon na meron kame, sana eto na talaga 'to at sana wala ng maging problema pa sa pagitan naming dalawa. Mahal na mahal ko si Alex kahit noon pa man. At sa pakiramdam ko naman ay ganun din sya sa akin. Mas tumibay pa nga dahil sa anak namin. Kasama ng pag-aalaga nya andun pa din ang pagiging bossy at overprotective lalo sa akin.

Tuwing weekend we make it a point na mailalabas namin si Fonsy. Bonding naming tatlo kumain sa labas, maglaro sa arcade o manood ng sine. Plano namin na dalhin sya sa beach naghihintay lang kame ng long weekend para hindi bitin sa araw. Hinahatid pa din nya si Fonsy sa school every morning minsan nakakasama pa ako. Paghapon naman dumadaan ng condo para gumawa sila ng assignment o maglaro ni Fonsy. Minsan dinala nya si Fonsy sa totoong basketball court. Tuwang-tuwa ang anak namin habang naglalro silang mag-ama. Sabi ni Alex isasali nya si Fonsy sa milo best sa summer. Excited na nga si Fonsy para dun.

Higit sa aming dalawa ni Alex si Fonsy ang sobrang saya ng sinabi namin sa kanya ang tungkol sa amin ng daddy nya. Di mapuknat ang yakap at halik nya sa amin ng daddy nya. Ramdam ng anak ko na meron syang isang buong pamilya. Minsan nagtanong sya kung bakit di natutulog ang daddy nya sa amin. Sinabi kong mag-boyfriend lang kame at hindi mag-asawa. Pinaliwanag ko nalang sa kanya sa paraang maiintindihan nya ang sitwasyon na meron kame ng daddy nya. Siguro talagang ganoon ang kapasidad ng tao...you will crave more than you have....bata ka man o matanda.

Maayos ang relasyon namin ni Alex bilang mag-boyfriend at bilang magulang ng anak namin. Talagang binabawi nya ang mga panahong di  nya nakasama si Fonsy. Bukod sa flowers na binibigay nya sa akin nagdadala sya ng mga pagkain na noon ay mga napaglihian ko kay Fonsy, chico, macaroni salad ng kfc, dinuguan. Naghanap pa sya ng sinigwelas kahit wala ito sa panahon. Para bang binabalik nya yung panahon na pinagbubuntis ko palang si Fonsy na sana daw ay andoon sya sa tabi ko. Todo syang mag-alaga sa aming mag-ina minsan nga di ko na pinapunta sa condo dahil gusto pang dumaan kahit halos umaga na natapos ang trabaho sa hangar. Nakuntento nalang syang nag-usap kame sa messenger habang tulog si Fonsy sa tabi ko.

Sinama ko minsan si Alex sa binyag ng anak ng kaibigan naming writer din. Magpapaalam lang sana ako na may lakad ako that saturday kaso siempre knowing Alex maraming tanong. Sa huli di pala sya papayag na magdrive ako ng malayo ayaw din nyang pumayag na makisakay ako sa friends ko. So obviously kasama ko syang umattend ng binyag na ninang din ako. Malamang kaming dalawa ang ginawang pulutan ng mga kaibigan ko. Di pa nakuntento talaga si Mia at Ron hinila pa ako sa isang sulok para siguraduhin kung si Alex ba na boyfriend ko eh yung Alex na daddy ni Fonsy. Hay talagang buong araw na wala silang ginawa kungdi kausapin at tanungin si Alex. Nalaman din ni Alex na bading si Ron. Akala daw nya may relasyon kame dahil nakita daw nya kame dati sa mall na bumibili ng laruan. Naging maayos naman ang pagtanggap ng mga kaibigan ko kay Alex. It's about time na nga daw na magka-boyfriend na ako at bonus na nga lang daw at si Alex na daddy ni Fonsy ang lalaking ka-relasyon ko. Masaya sila para sa amin ni Alex at lalo para kay Fonsy.

Nasanay na din silang basta na lang sumusulpot si Alex pag minsang may mga lakad kame or nagbe-brainstorming para sa mga nobelang ginagawa namin. Sa totoo lang bago lahat ito sa akin. Si Alex lang naman ang naging boyfriend ko, nauna pa nga akong nagka-anak bago nagka-boyfriend.

Magkasama kame ni Alex papuntang BGC may dinner kame kasama ang mga kaibigan nya at mga girlfriends din nila. Na meet ko na si Ram and Camille pati na din si Carl pero ngayon ko lang makikita ang girlfriend nito. Pagdating namin sa resto andun na sila kame nalang pala ang hinihintay. Ayaw pa kasi kameng paalisin ni Fonsy kanina kaya na-late na kame ng pagpunta sa dinner namin.

"O ayan na pala sila eh." Si Ram habang tumayo na din si Carl being a gentleman na dumating na kame ni Alex
"Hey this is Rina my girlfriend and Rina this is Bea girlfriend ni Alex." Sabi ni Carl

Nagbeso kame ng mga girls at naupo na para makapag-order na din. Actually medyo close na kame ni Camille since sila ni Ram ang nakakasama namin pag gumigimik. Si Carl din naman sumasama pero ngayon ko lang na meet si Rina kaya medyo naiilang ako sa kanya. Nahuhuli ko syang nakatingin sa akin lalo na pag inaasikaso ako ni Alex. Para kasing parang pinagmamasdan nya ang bawat kilos ko....basta parang may something talaga!

"So how old are you Bea?" Si Rina
"I'm 25..." sabi ko
"Woooh, your too young. Grabe ka Alex ang bata pa pala ng girlfriend mo." Sabi ni Rina
"Hey did you know that Bea is a novel writer. Nagsusulat sya sa mga pocketbook. At ang dami mo ng beatseller ha..." si Camille
"Yeah I'm so proud of her..." si Alex
"We're did you two met?" Si Rina ulit
"We're childhood sweethearts...sya ang muse lagi ng basketball team namin nung nasa Davao pa kame." Sabi ni Alex
"So nagkabalikan kayo nung umuwe ka na dito sa manila." Si Rina ulit
"Niligawan ko sya kaya ako bumalik ng manila...tinaguan ako ni Bea di ba hon?" Si Alex
"Hoy di kita tinaguan. Bakit naman kita tataguan?" Sabi ko
"So ano nga naging kayo before tapos nagkahiwalay ganon?" Si Rina ulit
"Nope...di ko sya niligawan dati bata pa sya ng umalis ako ng Davao fresh graduate sa college only 19 baka italwil ako ng lola ko pag niligawan ko sya." Sabi ni Alex
"Ano naman ang kinalaman ng lola mo sa panliligaw mo?" Si Carl
"Bestfriend ng lola ko ang lola nya...so off limits sya." Natatawang sabi ni Alex
"So pang-ilan mong boyfriend si Alex, Bea?" Si Rina ulit
"Ha? Ah si Alex yung first..." sabi ko

At nag high five ang tatlong mokong sa sinabi ko...at walang tigil na kinatyawan si Alex. Naiiling na lang kaming pinanonood silang tatlo...

"OMG no boyfriend since birth ka pala Bea at si Alex ang first boyfriend mo? I can't believe this.." sabi ni Rina
"O tama na yan bakit ba masyado kayong interesado sa lovelife namin ni Bea?" Sabay hapit sa akin ni Alex
"Oo nga grabe...sobrang pula na ni Bea. Ang bata mo pa pala Bea." Sabi ni Camille
"Bakit ilan taon na ba kayo ni Rina." Tanong ko naman
"Well mag 29 na ako this year. Si Rina alam ko mag-30 naman." Sabi ni Camille
"So you're at the same age pala..." sabi ko

Natapos ang kwentuhan tungkol sa edad at dumating na ang pagkain namin. Masaya naman ang kwentuhan mostly tungkol sa kalokohan ng tatlo. Si Camille di na babalik ng america dahil andito naman ang family nya. Tinapos nya alang ang contract nya sa states bilang nurse sa isang ospital doon. Si Rina well sa America talaga sya naka base since andun ang buong family nya. Medyo may ilang pa din ako kay Rina pero mabait naman sya di pa lang talaga ako siguro sanay sa kanya.

Lumakad ang mga araw busy si Alex sa work ako ganun din. Nagkakaroon minsan ng konting arguments di naman maiiwasan yon. Sanay naman ako kay Alex sa ugali nya saka alam ko naman over protective talaga yan kahit noon pa naman. Kahit kay Fonsy grabe din kung pagbilinan ang anak nya. Masaya kami habang tumatagal ang mga araw minsan nagpaparinig ng kasal pero di ko sineseryoso. Parang feeling ko masyadong mabilis ang mga pangyayare. Hangat maaare ayokong madaliin ang lahat. We have our entire lifetime to spend to saka nag-eenjoy pa ako ng boyfriend ko pa lang sya. Di ba nga nanliligaw pa din sya hangang ngayun. Well basically he is true to his promise di pa din sya nagsasawang ligawan ako kahit kame na. And i find it so romantic para bang yung mga character ko sa mga nobela ko. Sa totoo lang mas inspired akong gumawa ng mga story sa mga nobela ko. Mas meron akong naiaambag sa mga readers ko dahil sa mga nangyayare sa buhay ko and everyday as it goes by the more i'm falling in love with Alex...

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon