Flowers...

861 29 6
                                    

BEA's POV

          Tatlong sunod-sunod na araw ng may dumarating ng bulaklak sa condo ko. Nauuna na pa ang delivery bago pa ako magising. Noong unang araw ako makatanggap naintindihan ko. Nag-thank you si Alex for the movie date naming tatlo nila Fonsy. Yung second di ko alam kung para saan at lalo naman itong pangatlo. Di ko alam kung matutuwa ba ako o magtataka na lang. Nag text sya kanina asking kung natanggap ko ang flowers pero until now di ko pa din sya sinasagot. Kahit si yaya natatawa tuwing iaabot sa akin ang mga bulaklak. Nasa school na si Fonsy kape naman at laptop ang kaharap ko habang nagluluto si yaya ng lunch namin. Si Alex pa din daw ang naghahatid kay Fonsy sa umaga pero sinasadya kong wag lumabas ng kwarto para si ko maabutan si Alex sa sala.

"Pangatlong araw na yang bukaklak mo ah. Anong meron?" Tanong ni yaya

"Ewan? Bakit nga ba?" Sabi ko di man lang tumitingin kay yaya

"Bakit nga ba nagbibigay ng bulaklak ang lalaki sa babae? Sa mga nobelang sinusulat mo anong ibig sabihin non?" Si yaya pa din

"Ya iba yon...kwento lang yon. Siempre iba sa totoong buhay. Ayokong umasa." Sabi ko

"Oh e di tanungin mo. Asan na yung Bea na pinalaki kong palaban?" Si yaya

"Ayoko 'ya baka assuming lang ako. Saka kilala mo naman si Alex sobrang pride nun. Ayaw na ayaw non na napapahiya sya." Sabi ko

"Malay mo naman. Di ko nga din akalain na ganyan yang si Alex kay Fonsy. Isipin mo dati hindi mahilig sa bata yan, pero kay Fonsy lahat ng kapritso ng anak mo binibigay. At ang pasensya ang haba. Mula sa mga tanong ng anak mo hangang sa mga bagay na akala ko di nya kayang gawin." Si Yaya

"Baka naman ng papa-good shot lang alam mo na para di ko sila higpitan ni Fonsy." Sabi ko

"Talaga bang naniniwala ka dyan sa sinasabi mo? Anak advise ko lang...kung ano man ang nasa puso mo sundin mo. Yan ang makakapag-bigay sa'yo ng totoong kaligayahan. At pag andyan na ang pagkakataon sungaban mo isipin mong minsan mo na yang pinakawalan baka sa pagkakataon na ito at nawala pa yan...baka merong ng may may-aring iba." Litanya ni yaya

"Natatakot ako yaya, baka mali lang ang iniisip ko. Baka ako lang nanaman ang nagmamahal. Baka gaya pa din ng dati. Alam mo naman yung mga pinagdaanan ko di ba?" Sabi ko

"Kaya nga mag-usap kayo. Wala namang masamang magtanong. Patatagalin mo pa ba...anim na taon na kayong nagkahiwalay. Nagka-anak kayo ng di sinasadya...nasa magkabilang mundo kayo pero para namang ina-adyang nagkita kayo ulit. Sa tingin mo walang ibig sabihin lahat ng nangyare ito sa inyong dalawa ni Alex." Si yaya

"Ewan ko yaya, di ko yata kayang magtanong. Hintayin ko nalang si Alex na magsabi kung ano man ang intensyon nya. It's his move now...." pagtatapos ko

         Ilang linggo pa ang lumipas at nakatanggap ako ng tawag galing kay Alex. Nasa coffee shop ako as usual busy sa pagsusulat...ayoko sanang sagutin ang tawag nya pero naririndi ako sa tunog ng telepono ko...

"Hi...may kailangan ka ba?" Sabi ko
"Hey...can we talk?" Si Alex sa kabilang line ng fone
"Tungkol ba 'to kay Fonsy?" Tanong ko pa din
"No...it's about us..." si Alex

D  E  A  D    A  I   R

"Over the phone?" Pagtapos ng ilang segundong walang nagsasalita
"I want to see you....now!" Si Alex

          Parang utos pero yung utos na di mo matatanggihan....

"Okey, i'm in a coffee shop punta ka nalang dito." Sabi ko

          Yun lang...pagkatapos sabihin kung nasan ako busy tone nalang ang narinig ko. Wala pang twenty minutes nasa harap ko na si Alex...

"Hi! Okey lang ba sayo na dito na lang tayo mag-usap?" Tanong ko
"Kung san ka komportable? Okey lang sa akin?" Si Alex

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon