WRONG MOVE

975 27 0
                                    

BEA's POV

Di ko na napigilan si Alex na asikasuhin ang kasal. Kahit paunti-unti lang basta gumagalaw na lahat ng mga plano namin. Siguro maganda na rin ito tutal pareho naman kame ng nararamdaman at ayoko na din namang patagalin pa. Mahaba na ang anim na taon naming nasayang na magkahiwalay. Panahon naman para maging masaya lalo na ang anak namin. Madalas na din sa condo namin natutulog si Alex lalo pag naglalambing si Fonsy sa kanya....

Nasa condo ako ni Mia para sa revision ng story para sa indie film. Napasubo na kame nila Ron dahil kapatid nya ang producer ng movie. Ang siste kame ni Mia ang problemado. Napakahirap palang makalusot sa movie industry. Sabi ko nga eto ang una at huli. Busy kame sa pagtipa sa laptop ng may tumatawag sa celfone ko....si nanay maring

"Bea anak nawawala si Fonsy...." humahagulgol na boses ni nanay maring

Halos panawan ako ng bait sa narinig ko. nanginig ang buo kong katawan at hindi ako makapag-isip ng maayos. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay. Hanggang si Mia na ang nakipag-usap kay nanay maring. Tinawagan na din namin si Alex....Tumakbo na kame sa oto para puntahan kung nasaan si nanay maring. 

Hilam ang mga mata ko sa luha na makarating kame sa katapat na convenient store ng eskwelahan ni Fonsy. Bibili lang daw dapat sila ng paboritong gummy bear ni Fonsy sa tindahan na ito. Humahangos din na nakapasok si Alex sa tindahan at halos takbuhin nya ako sa sobrang pag-aalala. 

Tumawag na kame ng pulis para magpatulong. Pati guwardya ng school halos di magkandatuto sa pagsagot ng mga tanong ni Alex at ng pulis. Pinakiusapan namin ang school para ma-check ang mga cctv camera ng gate. Nahagip ito ng camera lamang ay si nanay maring ang kasama ni Fonsy.

Ang cctv camera naman ng convenient store ang pinakiusapan namin. Yun nga lang yung kabilang side na cctv di gumagana. Pinag-aadya pa din kame ng Diyos at may isang naka park na pick-up at naka-on ang dashcam nya....doon namin nakita si Fonsy na may kasamang babae hawak-hawak ang kamay ng anak namin.....si MAY

Hindi ko alam kung anong iisipin ko ng mga oras na yun. Bakit kasama ni May ang anak ko? anong gagawin nya at pano nya nalaman kung saang eskwelahan nag-aaral si Fonsy. Bakit sya naandito sa Pilipinas? Bakit nya kinuha si Fonsy?

Diyos ko para na akong mababaliw habang tumatakbo ang oras mas lalo akong nilulunod ng takot. Hindi ko na alam kung sinong santo pa ang tatawagin ko.....

ALEX's POV

Nasa police station kame at naghihintay ng balita tungkol sa anak namin. DI ko na maalo si Bea dahil kahit ako ay binabalot ng kaba sa maaaring gawin ni May sa anak namin. Mapapatay ko ang babaeng yun talagang malala na ang sapak. Sabi na nga ba at may binabalak na hindi maganda kaya nanahimik. Yakap ko lang si Bea sa aking tabi mas natatakot akong tahimik lang sya at walang imik alam kong sobra na syang nag-aalala para sa anak namin....

Maya-maya nag-ring ang telepono ko unknown number.....

"O kinakabahan na ba kayo???" sabay tawa nya sa kabilang linya. Si May ang tumatawag

"May walanghiya ka pag may nangyareng masama sa anak ko, ako mismo ang papatay sa'yo. Ibalik mo sa amin si Fonsy....hayop ka"

Tawa lang ng malakas ang iginanti ng luka-lukang si May at ibinigay nya ang celfone kay Fonsy. Hagulgol ng anak ko ang aking narinig alam kong binabalot sya ng sobrang takot kasama ng estrangherong babae sa estrangherong lugar na pinagdalhan sa kanya.....

"Anak nasaan ang teleponono mo? Anak hayaan mong nakabukas para malaman ko kung saan kita pupuntahan. Wag mong ipapahalata na may telepono ka....Susunduin kita dyan. Huwag kang umiyak baka mahirapan kang makahinga. Be brave anak parating na si daddy......"

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon