Family day

901 22 0
                                    

BEA's POV

Araw ng family day ni Fonsy dahil excited ang batang 'to mas nauna pa sya sa akin nagising. Di rin sya pumayag na di bilhan ang daddy nya ng t-shirt na gaya ng sa aming dalawa. Buti na lang naka-order pa ako ng t-shirt para sa daddy nya sa school. Paglabas ko ng kwarto ng-aagahan na ang mag-ama sa dining. Mabuting na lang nakaligo na ako at nakaayos na din.

"Mommy where's daddy's shirt?" Tanong ni Fonsy
"Ah wait lang kuhain ko..." tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Alex
"It's ok mamaya na...let your mommy eat breakfast first." Sabi ni Alex

Kinuha ko ang t-shirt sa room ko kasabay ng bag ko. Sana lang kasya sa kanya yung shirt. Hinubad nya ang soot nyang polo shirt at ipinalit ang tshirt ng kagaya ng soot namin ni Fonsy. Tiniklop ko ang pinagpalitan nya at ako na ang nag-dala noon. May dala din akong pamalit ni Fonsy dahil siguradong mamaya pawisan na yan. Sa sasakyan na lang kame ni Alex sumakay dahil alam ko naman na di sya papayag na magdadala pa ako ng oto. Nagulat lang akong may sarili ng car seat si Fonsy sa likod ng upuan ng daddy nya. Pinagbukasan nya ako ng pinto sa tabi ng driver's seat at pinaupo si Fonsy sa likod ng upuan nya.

Maraming palaro at family games na sinalihan ang mag-ama, may palaro din na kaming tatlo ang sumali. Masayang-masaya si Fonsy di mo mababayaran ang mga ngiti sa mga labi ng anak ko. Wala syang ginawa kungdi ipakilala ang ama nya sa mga kaklase nya. Ayun naman at naglalaro ang mag-ama ng basketball. Wala talagang kapaguran, halos tapos na ang family day ng lumapit si Ms. Joyce ang teacher ni Fonsy....

"Mabuti po naka-attend kayo ng family day. Sabi po kasi ni Fonsy ayaw nya umattend kasi wala daw ang daddy nya." Sabi ni teacher

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kayo teacher mabuti na lang lumapit ang mag-ama sa amin....

"Teacher i want you to meet my dad... daddy c teacher joyce." Si Fonsy
"Nice to meet you po. You look so happy Alfonso." Sabi ni teacher
"Yes teacher because i have my mommy and my daddy with me.." si Fonsy
"Oh good for you. Kaya pala di ka na sad sa school eh." Sabi ni teacher

Papunta na kame ng parking ng lingunin ko ang mag-ama. Nakapasan si Fonsy sa balikat ng daddy nya habang bitbit ko ang mga napanalunan nila sa mga games na sinalihan namin. Pinagpalit ko muna si Fonsy ng tshirt bago ko pinabukasan kay Alex ang aircon ng kotse. Inabot ko din ang polo shirt na kanina ay hinubad nya para mapalitan na din ang basang pawis nyang t-shirt. Nginitian nya lang ako habang kinukuha ang tshirt sa kamay ko.

"Saan nyo gustong kumain bago tayo umuwi?" Tanong ni Alex
"Daddy i want ramen and maki." Si Fonsy
"Bea ikaw anong gusto mong kainin?" Si Alex
"Kahit saan nyo gusto okey lang sa akin." Sabi ko
"Mommy di ba you like kani salad and ramen?" Sabi ni Fonsy
"Yan pa din pala ang favorite mo...sige we'll find the best japanese resto nearby." Si Alex
"Daddy alam mo pala ang favorite food ni mommy." Si Fonsy
"Of course, i will never forget your mom's favorite." Si Alex

          Nasa loob kame ng isang japanese resto ng may tumawag kay Alex. Tumayo si Alex at binati ang lalaking tumawag sa kanya may kasama itong babae na nakahawak sa braso nito..

"Pare, oh bakit iba yata ang kasama mo ngayon.." sabi ni Alex na halatang binibiro ang kaharap
"Gago pare baka maniwala si Camille." Sabi ng kausap nya
"Bro i want you to meet Bea and my son Fonsy. Bea this is Ram and Camille." Si Alex
"Oh so your the famous Bea...." sabay lahad ng kamay nya sa akin
"This is Camille my girlfriend of course you know Alex and this is Bea and Alex's son Fonsy" pakilala sa amin ni Ram
"Baka you want to join us?" Sabi ni Alex
"Some other time pare, i know you want to spend time with your family. Besides paalis na din kame habol kame sa movie." Sabi ni Ram
"O sige...kakain pa lang kame..." sabi ni Alex

Nag-order na ang mag-ama pagkaalis ni Ram at Camille. Di ko malimutan ang sinabi ni Ram kanina "so your the famous Bea" Ano kayang ibig sabihin ni Ram dun sa sinabi nya. Gusto ko man tanungin si Alex pero wala akong lakas ng loob para usisain sya. Hinayaan ko na lang at kumain na lang ako kasabay ng mag-ama.

"Daddy watch tayo ng movie." Si Fonsy
"O sige pero wag na ngayon pagod ka na. You have to rest." Si Alex
"Basta promise ha watch tayo nag movie. Mommy kelan ba yung showing nung movie ba gusto natin panoorin?" Si Fonsy
"Next thursday yata...pero weekend na lang kayo manood ng daddy mo para walang pasok." Sabi ko
"Bakit you won't join us? Dapat tayong family ang mag-watch. Di ba daddy???" Si Fonsy
"Dapat kasama si mommy mo para mas masaya kasi complete tayo." Si Alex
"Hhmm sige tingnan natin." Sabi ko
"No mommy sama ka...weekend yun and you are not working naman pag weekend di ba? Sabi mo rule natin yun remember?" Si Fonsy
"O family rule pala na no working on weekend so kaylangan kumpleto tayo." Sabay tingin sa akin ni Alex
"Oo na sige na...panalo na kayong dalawa." Yun lang at nag high five ang mag-ama. Out numbered ako sa dalawang 'to. Patay ako nito pag nagkataon...

Tulog na si Fonsy ng dumating kame sa parking ng condo ko. Kinalong na lang sya ni Alex dahil ayaw na nyang masira pa ang tulog ng anak. Sya na din ang naghatid kay Fonsy sa kwarto nito. Tinulungan pa nya akong punasan si Fonsy habang tulog at binihisan pa namin bago sya nagpaalam na uuwe na.

"Thanks for this day...nag-enjoy akong kasama kayong dalawa." Sabi ni Alex
"Salamat din kasi binigyan mo ng time si Fonsy. Ang saya-saya nya kanina." Sabi ko
"Hey, pwede bang i-send mo sa akin yung mga pictures sa family day? Mas madami kang shots eh." Si Alex
"Ah yeah sure san ko i-send? Sa messenger mo nalang. Bigay mo nalang sa akin ang messenger account mo." Sabi ko

Binigay nga nya yung messenger account nya sa akin. Hahanapin ko na lang sa Fb page nya. Binigay na din nya ang celfone number nya at wala na akong magawa ng hingin nya ang celfone number ko. Well okey lang naman, para naman kay Fonsy ito. Tsaka para may communication din kame para sa anak namin. Mamaya gagawan ko ng fb account si Fonsy para yun ang gagamitin ko na messenger account para sa pictures na ipapadala ko kay Alex. Ayokong ibigay ang fb page ko sa kanya, kahit naman i-search nya ang pangalan ko sa fb di nya ako makikita dahil di pangalan ko ang nasa fb page ko kundi ang pen name ko sa mga pocketbook na sinusulat ko. Wala namang facebook account si Fonsy pero dahil kaylangan gagawan ko na lang sya para dun nalang sila mag-uusap ng daddy nya pag gusto nyang makausap si Fonsy.

Gusto ko pa ding magtira ng privacy para sa sarili ko. Baka kung anong makita nya sa fb page ko pag yun ang ginamit ko. Mahirap na kaylangan kong magtira ng space para sa sarili ko. Lahat ng mga nangyayare ngayon walang kasiguraduhan. Anak ni Alex si Fonsy walang duda doon at sa nakikita ko mahal ni Alex ang anak nya. Pero ano ba ako sa kanya....kaibigan lang di ba at sa ngayon ina ako ng anak nya. Yun lang yon. Walang labis walang kulang. Ayokong maging assuming at mas lalong ayokong umasa baka hindi ko na kayanin. Tanggap ko kahit ganito lang kame...kahit kay Fonsy nya lang ibigay ang panahon at atensyon nya magkakasya na ako dun.

Nakakatuwang tingnan ang pictures ng mag-ama. Di ko akalain na dadating ang araw na magkakakilala sila. Parang small version ni Alex si Fonsy di talaga maikakailang anak nya ito. Walang pagsidlan ang ngiti ng anak ko tumatagos hangang sa mata nya. Ang tagal kong ipinagkait sa anak ko ang ama nya ganon na pala ang epekto nito sa kanya. Buti na lang di pa huli ang lahat at nagkakilala silang dalawa. Tama ang sinabi ni Alex...everyrthing happens for a reason. Kahit kailan di mo mape-predict ang mga mangyayare. Kahit anong gawin mo, gaano mo man pinagplanuhan ang lahat pag di iyon ang nakatakda...it won't happen.

Kahit pagod ako di ako dalawin ng antok. Nagawa ko na ang fb account ni Fonsy kaya na-send ko na kay Alex lahat ng picture sa family day. Ginawan ko pa ng collage ang mag-ama. Bukas siguradong matutuwa si Fonsy pag nakita nya ito.

Bigla akong bumangon sa pagkakahiga ko ng may naisip akong istorya na nabuo sa pagmumuni-muni ko. Love story ko....kung papano ako sikretong nagmahal at kung ano sanang gusto kong maging ending. Kahit sa nobelang kathang isip ko man lang magawan ko ng happy ending ang sarili kong romance novel....natawa ako at inumpisahan kong tumipa sa laptop ko. At parang may sariling utak ang mga daliri kong gumalaw na ayon sa dinidikta ng utak at puso ko....

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon