EPILOGUE

1.9K 43 9
                                    

Para kay Alex....

Ikaw ang aking pangarap noon pa man
Sa murang isip laging napapanaginipan
Tirik ang araw ngunit diwa'y inookupahan
Mga sandaling nasa akin kang harapan....

Bawat bulyaw at sigaw sa akin ay musika
Boses mo pa lang ako'y natataranta
Sulyap na matatalas na iginagawad mo sinta
Dadalhin sa langit at mga alaala....

Kahit minsan di mo ba napansin
O naramdaman kaya ang nasa damdamin
Kabog ng dibdib habang ako ay nakatingin
Tumatagos na titig kahit nasa ilalim ng dilim...

Binalot ng panibugho ang bata kong puso
Ang daming tanong na sa akin ay naglalaro
Darating ba ang araw na ikaw ay mapapa-amo
At hihilingin sa akin na ako ay makasuyo....

Masakit ang ating paghihiwalay
Parang pinupunit mga laman kong gutay-gutay
Matutunan ko kaya o ako ba ay masasanay
Malayo sa iyo at wala sa aking buhay....

Walang makaka-agaw sa binigay na alaala
Nagbago ang takbo buhay na tinatamasa
Di ipagpapalit sa kahit anong yaman at medalya
Anghel na dumating dulot sa akin ay pag-asa

Walang kahit na sinong papapasukin
Sa aking puso ikaw at ikaw pa rin
Di mo man ako tinapunan ng tingin
Mananatili kang nag-iisa sa akin

Dadaan ang mga araw buwan at taon
At sa kahit ilang beses magbago ang panahon
Nakalaan sa'yo maraming bukas ko at kahapon
Puso ay pagmamay-ari mula noon magpahangang ngayon....

Isinulat ko ito noong araw na nalaman kong buntis ako kay Fonsy. Di ko malilimutan ang sandaling yon. Para bang biglang tumigil ang mundo ko, takot, kaba, tanong. Halos blangko lahat, para bang nasa dulo ako ng tunnel na wala ako makitang daan para ihakbang ulit ang mga paa ko. Pero ang pintig sa sinapupunan ko ang naging sandalan ko rin para lumakad ako at umusad kung saan man natigil ang mga paa ko. Mahirap noon ang naging sitwasyon, kahit nag-iisa ako ng pinanganak ko sya at makita ko mukha nya si Alex bigla ang naisip ko. Doon ako nagsimula ulit kasi kahit wala ang ama nya parang kasama ko pa din dahil magka-mukha sila. Habang lumalaki si Fonsy at nagkaka-isip lumalabas ang ugali ng ama nya kahit bata sya. Sabi ko noon kumpleto na ako....di man kame naging kame may Fonsy naman ako.....anak ko pang sapat na. Sobra-sobra pa.

Andito kame ngayon sa harap ng bagong bahay na lilipatan namin. Sabi ni Alex dapat matagal na itong tapos kaso di nababawasan ang revisions nya. Baka daw kasi di ko magustuhan. Kahit kailan laging ako ang inuuna nya....

"Hon tara pasok tayo....do you like it?" Si Alex habang kapit-kapit nya ang kamay ko. "Say something....nagustuhan mo ba?"

Natatawa akong napatingin sa mukha nya "hhmm ...." di ko tinuloy ang sasabihin ko sinadya kong bitinin para kabahan sya. Inikot ko lang ang aking paningin sa buong first floor ng bahay.

" cr@p ...... i knew it. Dapat talaga isinama na kita sa pag-plano palang ng bahay." Halos parang naluluha na sya habang hinahagod ang noo nya. " anyway kung may gusto kang ipabago just tell me kausapin nalang natin si architect."

Di ko na maitago ang ngiti ko at dahil din kasi naaaliw ako sa itsura nya. Kabado talaga sya. "Hahaha.....grabe ang ganda. Atin talaga 'to, house natin 'to....?" Sabay takbo ko at mahigpit na yakap papunta sa kanya....

" I love you.....sobrang mahal kita! Kakainis ka hilig mong mang-surprise."  Naiyak na ako kasi talagang na-surprise ako. Grabe ang asawa kong magmahal di ko akalain na ganito sya sa akin. Dati naman bini-bully nya lang ako. Niyakap ko sya ng sobrang higpit para maramdaman nya ang malakas na tibok ng puso ko.

" Mas mahal kita....sobra-sobra sa kaya kong sabihin. Babawe ako sa lahat ng oras na wala ako sa tabi mo. Sa lahat ng taon na di mo ako nakasama. At sa lahat ng pagkakataon na hinarap mong mag-isa ang problema. Babawiin ko lahat yon may tubo pa. I love you more than words can say...."  sabay halik ko sa labi nya na ayaw ko pang tapusin nararamdaman ko ang pag ngiti nya habang magkalapat pa ang mga labi namin.

" My God pinakaba mo ako.... akala ko di mo nagustuhan." Sabay buntong-hininga nya ng malalim. Hinapit nya ako ng mahigpit papunta sa katawan nya. Halik sa labi na matamis at pinaliguan pa ako ng maliliit na halik sa buong mukha ko. Niyakap ko ang dalawang kamay ko sa batok nya para tugunin ang mga halik na yun. Mainit naghahanap at humihingi ng katugon ang mga labi nya kaya nagpaubaya ako.....Natigil lang kame ng marinig namin ang maliit na tinig ni Fonsy

" where's my room? Dad i love this house. Can we sleep here tonight?" Si Fonsy

"Second floor first room left side....check it out!" Sabay tapik nya sa ulo ng anak namin

Sabay-sabay naming ginala ang buong bahay. Two floors storey ito, may kumpletong kagamitan ang kusina ko at maaliwalas ang receiving area. Sa dining area ay may konektadong maliit na lanai at may swing sa gilid. Pagdating sa itaas ay ang masyers bedroom sa right side. May balkonahe at may nakaka-relax na mga upuan sa gilid. Nasabi ko sa sarili ko na ito ang magiging opisina ko tuwing mag-susulat ako ng mga nobela ko. Katabi ng kwarto namin ang cute na opisina ni Alex. Andito ang mga paperworks nya kung wala sya sa hangar, dito din sya magta-trabaho kung may kaylangan syang tapusin galing sa opisina. Sa kaliwang bahagi ng ng second floor ay may tatlong sunod-sunod na kwarto. Isa na doon ang kay Fonsy na nasa tapat lang ng kwarto naming mag-asawa. Malamang ay nagustuhan nya yon dahil ng buksan ni Alex ang pinto ay naroon ang anak namin at walang tigil na nagtata-talon sa ibabaw ng kama.

Parang pangarap lang ang lahat, pangarap na natupad at nasa harapan ko na. Sinong makapag-sasabi na may katugon pala ang pagmamahal ko kay Alex? Sa dinami-dami ng mga pinagdaanan namin noon, sa mga pagsubok na akala ko di ko na malalampasan.... heto kami ngayon magkasamang bumubuo ng aming pamilay. Sinagot no God lahat ng tanong ko, binigay Nya lahat ng hiling ko... puro pasasalamat lang ang laman ng puso ko!

Mula sa araw na ito mag-uumpisa na kaming tuparin ang aming pangarap. Dito nanamin itutuloy ang pagbuo ng pamilya na matagal na dapat naming ginawa kungdi lang kame natakot noon sa sasabihin ng iba. Pero ganoon pa man wala pa din akong babaguhin sa mga nangyare. Dahil sa mga naganap tumibay kame ni Alex....pinatatag ng panahon pinatibay ng mga pagsubok. Siguro kaya kame dumanas ng ganoon kabigat na sakit ay para paghandaan ang buhay namin ngayon. Buhay na magkasama at kahit kailan ay di na maghihiwalay pa.....

Ako si Mrs. Beatrice Castro ..... NBSB

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon