One heart One soul

1.2K 29 0
                                    

ALEX's POV

Almost a week na di ko nasolo si Bea...after the wedding we spent some quality time with Fonsy...he will be going to US para mag bakasyon. Ipinakiusap ng mama at papa na isama sya, summer vacation naman. Atleast di sila mabibitin sa bonding time, sabik sila sa apong lalaki dahil puro babae ang anak ng brother ko. After namin sa honeymoon vacation namin dederetso na rin kame ng US para sunduin naman si Fonsy.

Kahapon pa kame dumating ng Korea.... Jeju Island to be exact, dito gustong pumunta ng misis ko. Long time dream nya ang lugar na ito. Malamng nakuha nya yan kakapanood ng kdrama, ewan ko ba bakit hook na hook sya dyan. madami daw kasing gwapo eh sa paningin ko naman pare-pareho lang sila ng itsura. May gu-gwapo pa ba sa mga pinoy? Late na kame nakarating sa isla at walang aksyon....pagod daw ang misis ko....sige lang kaya ko pa. Mamaya humanda sya! Babawe ako.......

" Hon sorry ha sobrang antok na talaga ako kagabe, alam ko ikaw din naman pagod " sabay halik nya sa punong tenga ko, "may gusto ka bang kainin? Gusto mo magluto tayo? Parang ang aga mong nagising kala ko kanina babalik ka pa nung tumayo sa kama. Inaantay kita kaso nakatulog ako ulet."

Hay ang misis ko hangang ngayun antukin pa din. Lumapit ako sa kanya at hinagkan ang mapupula nyang lips.... " i love you...mahal mahal kita. " ang sarap sa pakiramdam ng ganito yung pwede ko syang hagkan at yakapin kahit anong oras ko gusto. " gutom na nga ako eh tagal mo kasing magising." kunyareng nagtatampo ako. di ko naituloy ang sasabihin ko kasi nagsalita na sya ulet....

"Hon masarap daw dito ung spicy seafood stew... try natin. Saka ko na i-try lutuin gusto ko muna matikman ung authentic." namimilog pa ang mata nya habang sinasabi yun halatang excited sya. Para syang bata....

Paano ko naman uunahin ang sarili ko eh sobrang excited ni Bea na ma-experience ang mga bagay dito sa jeju island. Nasa bucket list nya ito nabasa ko sa laptop nya. Sya muna bago ako, pag masaya sya doble ang saya sa akin nun kasi ako ang nakapagbigay ng saya na yun.

" Okey try natin yan, ok na ba yang soot mo o magbibihis ka pa." hinagod ko ang tingin ko sa kanya, actually okey naman ang soot nya gusto ko lang syan inisin " Sige yan na sootin mo naiinis ka na eh...." sabay ngiti ko ng matamis sa kanya.

Di mo mababayaran ang saya sa mukha ng asawa ko, pagkatapos naming kumain ay nag-aya na syang mamasyal. Una naming pinuntahan ang mga nakakamanghang museums na nandito, jeju loveland, teddybear museum at jeju aero space museum. Dinalaw din namin ang ecoland isang napakagandang garden/park. Dito muna kame naglakad-lakad, naubos ang oras nya sa kakatingin ng magagandang bulaklak sa paligid. Masarap ang klima dito nakakawala ng stress. Ayaw muna namin kumain sa resto....pareho naming gustong subukan ang mga lokal na pagkain na available sa paligid na mga kainan.

Maghapon na kame sa labas at parang wala pang balak magpahinga si Bea. Iniisa-isa nya ang mga pupuntahan namin dito. Nag-research talaga na akala mo ay may exam sya. Kahit dati pa ganyan yan kaya di mo sya mawawala. Sa wakas namitik na yata ang paa at naghanap ng matatambayan....

" Hon bukas eto itenirary natin ha....gusto ko malibot eh. Sana di tayo kulangin sa araw. Bahala na kung ano lang kasya sa oras natin. Sana pala di na tayo nagsingit na pupunta ng Seoul....city naman yun eh, mas maganda dito." kahit pagod na sya puno pa din ang isip nya ng mga gagawin namin dito

Yung natambayan naming kainan dun na lang din kame nagpalipas ng oras, nagpasya kameng dito na mag-dinner at wag ng lumipat sa iba... masarap pa din ang pagkain nila lalo yung tsaa na kasama sa meal namin.

Sinilip ko si Bea sa banyo nagbababad na sya sa tub para ma-relax siguro ang katawan nyang pagod sa kakapasyal..... "Care to join me...." akala ko di nya ako napansin na pumasok ng banyo. Siempre tatanggi pa ba ako.

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon