Asthma attact

964 29 2
                                    

ALEX's POV

Nanonood kame ng rom-com movies dito pa din sa condo. Wala ng ulan sa labas di gaya kahapon pero makulimlim pa din. Ayoko pang ihatid si Bea pabalik sa condo nya. Gusto ko pang sulitin na solo muna kaming dalawa. Natutuwa akong halos wala na ang inhibitions ni Bea sa akin. Siguro nakatulong ang ilang araw na namiss namin ang isat-isa. Ni ayoko sana syang mahiwalay sa katawan ko. Mula pa noon sa davao sya na ang babaeng pinapangarap ko at iniingatan. Ngayon alam kong akin na akin na sya.

Tumunog ang telepono nya na nakapatong sa center table

"Yaya maring...! Sandali lang pauwe na ako. Yung gamot ni Fonsy yaya. Oo bibili ako bago ako umuwe." Si Bea na halos namumutla habang nasa telepono

"Anong nangyare...wait lang kalma honey. Hindi makakatulong ang pagkataranta mo." Sabi ko habang pinakalma ko si Bea

"Hon kaylangan natin umuwe sa condo si Fonsy inaatake ng asthma. Bilisan natin." Si Bea
"Sige bihis ka na kuhain ko ang susi ng oto..."

Ilang sandali pa at bumibyahe na kame pabalik ng condo ni Bea. Dumaan na din kame ng botika para bilhin ang gamot ni Fonsy. Hinawakan ko ang kamay ni Bea na nanginginig kasabay ng panlalamig nito. Di ko mapigilang maawa sa impit na paghikbi nya sa kabilang upuan.

"Malapit na tayo....tahan na magiging maayos din si Fonsy." Sabi ko sa kanya. Tumango lang sya at hinaplos ko ang pisngi nya nyang inaagusan ng luha nya.

Dali-daling kaming bumaba ni Bea sa kotse para puntahan ang anak namin sa condo. Naabutan namin si Fonsy na kasalukuyang may nakatutok na nebulizer sa bibig nya. Naawa ako sa lalim ng hininga ng anak ko. Kahit maputla ay nakuha nyang ngumiti sa amin ng mommy nya ng makita kame. Kinandong ko sya habang hawak at patuloy na sinisinghot ang usok na nagmumula sa nebulizer nya . Sumandig sya sa dibdib ko at naglalambing na hinawakan ng tig-isang palad nya ang pisngi namin ni Bea. Yakap ko sila ni Bea sa mga braso ko at para bang nang-aamot ng lakas ko. Habang nasa mga bisig ko ang dalawang pinaka importanteng tao sa buhay ko bigla sumagi sa isip ko ang hiling ni mama tungkol sa DNA ni Fonsy.

Kakausapin ko ulit ang pamilya ko tungkol doon. Di na kaylangan ang DNA test na gusto nilang mangyare. Sapat na ang minsang nabingit si Fonsy noong nabundol sya ng motor. Hinala ko pa lang yun ng mga panahon na yon. Pero pagkakataon na ang humiling para mapatunayan kong sa akin sya galing at ako ang ama nya ng kailanganin nya ang dugo ko para isalin sa kanya. Mismong doctor sa ospital ang nagpatunan na 99% match ang dugo naming mag-ama. At sa ngayon sa nakikita ko sa mga-ina ko mas lalo kong di gagawin ang test na yon. Ayokong masaktan ang mag-ina ko. Matagal ko silang di nakasama at kaylangan kong bumawe sa mga panahon na wala ako sa tabi nila.

May lagnat pa si Fonsy pero nakatulong ang gamot na pinainom ni Bea sa kanya kanina. May kulay na din ang pisngi nya pero matamlay pa din halatang may dinaramdam. Kausap ni Bea kanina ang doctor nya at pina-oobserbahan lang muna.

"Daddy dito ka lang ha. Wag ka muna uuwe tabi tayo matulog." Malamlam na boses ng anak ko
"Daddy won't go anywhere baby..." sabay ngiti ko sa kanya. Di pa kame sigurado kung papakinggan ng katawan ni Fonsy ang gamot na binilin ng doctor
nya. Pero just the same nakabantay lang kame kung sakaling ipahatid sya ng doctor sa hospital.
"Mommy wag mo pauwiin ang daddy ko ha." Sigaw ni Fonsy sa mommy nya habang tinitulungan si yaya na magluto.

Lumapit si Bea sa aming mag-ama at tumabi sa akin sa sofa.
"Ano daw yun?" Si Bea na nagtatanong sa akin
"Mommy dito lang si daddy tabi kame matutulog sa room ko." Si Fonsy habang naglalaro ng mga toys nya

Nagkatinginan kame ni Bea at nangiti sa isat-isa. Di ko napigilan na halikan ng marahan ang labi nya at nahuli ni Fonsy yun. Paghiwalay ng mga labi namin ay natatawa si Fonsy na nakatingin sa amin ng mommy nya. Sabay naming hinagkan ang magkabilang pisngi ng anak namin habang pinagmamasdan syang busy nanaman sa mga toys nya.

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon