Present time
San Diego Cal.
ALEX POV
Magmula ng umalis ako ng Davao 6 years ago wala na ako masyadong balita. Naging busy ako sa training ko dito sa US. Tinanggihan ko ang trabaho sa air force mas pinili ko ang pumasok sa airline company para maging mekaniko ng mga eroplano. Nung una kasi pinagbigyan ko lang ang parents ko na tumira dito kung papasok ako sa airforce wala akong kawala para makabalik ng pilipinas. Mas gusto ko pa din sa Davao. Di ko ipagpapalit ang buhay ko doon. Pero nag dalawang isip na din ako dahil halos wala akong babalikan....ang mga kaibigan ko na sobrang close sa akin may mga asawa na. May mga girlfriend sila noon ako lang naman ang di nagseseryoso sa relasyon. Palagay ko nun wala pa akong nahahanap na babaeng magpapatino sa akin. Yun bang susundin ko kung ano man ang iutos nya o kung naglalambing man sya. Para kasing sa mga nakarelasyon ko laging may kulang....lagi ako may hinahanap. Kaya nauuwe lahat sa wala kahit sobrang okey na. Si Caloy na lang ang halos nakakausap ko kahit may asawa na din sya yung iba nasa abroad din dahil may mga asawa na at may mga anak na nag-aaral. Wala na din ako balita kay Ana at kay Bea. Nung gabing ng despedida yun ang huli kong kita kay Bea. Pinuntahan ko sya sa bahay nila at ihahatid ko sana sa airport dahil kinabukasan ng hapon ang flight nya papunta ng manila kaso umaga pa lang sarado na ang bahay nya at wala ng tao. Sabi ng kalapit na bahay maaga daw umalis si Bea at si yaya maring sumakay na taxi at may mga dala ng maleta. Di ko na sya naabutan di man lang nakausap. Ang telepono naman ni Bea naka-off, pati fb account nya wala na din. Di ko alam kung ano ng nangyare sa kanya dahil pati si Ana wala na din sa fb. Nung una nakakausap ko pa si Ana sa messenger pero kalaunan ng deactivate na din ang account nya. I lost track dahil din sa sobrang busy ako dito sa US.
May dalawa akong kasamahan dito sa airline full booded Filipino si Carl at si Ram. Sila ang tropa ko mga binata pero may mga girlfriend. Malapit na nga ikasal si Carl magpo-propose na daw sya. Pinay din ang mga girlfriend nila nurse dito. Ako meron din kaso on and off si May. Nurse din sya dito pinay pero born and raised here. Mabait kaso clingy ayoko pa naman ng ganoon. Saka wala pa sa isip ko na mag-asawa ayoko pa....di ko din pa maramdaman na sya na ang gusto kong makasama sa buhay. Wala pa ako dun sa ganoong phase....mas gusto ko pang mag-enjoy kaya di ko sya siniseryoso. Kaya minsan ako na yung umiiwas kapag usapang pag-aasawa na ang topic. Mahirap na baka mapasubo ako, masaya pa ako sa buhay ko at mas gusto ko lang ng ganito hangang girlfriend lang muna. Ilang beses na ba kaming nag-cool-off ni May....di ko na mabilang at sa lahat ng pagkakataon na yun...si May ang gumagawa ng paraan para magkaayos kame. Mabait sya walang duda dun kaya nga hindi ko pa talaga nakikita ang sarili ko na ikakasal ako at di ko pa din sigurado kung handa ba akong pakasalan sya at kung sya ba ang gusto kong mapangasawa. Bumabalik pa din ako sa dulo na may iba akong hinahanap....yun bang kinakapa mo sa sarili ko yung spark yung magic yung taong magpapagulonsa sistema mo at yung taong parang di mo kayang mabuhay o tumagal na di mo nakakasama. Hindi ko alam bakit ganito basta may kulang....may hinahanap pa ako.
Maayos ang trabaho ko dito sa america....kung tutuusin kayang kaya kong bumuo ng pamilya. Di palang talaga ako handa at di ko pa nakikita ang hinahanap ko kaya siguro di ko maseryoso si May. Kaya nga minsan mas gusto ko nalang na magtuloy-tuloy na lang sa hiwalayan yung cool-off namin. Kaso nga di ganon yung nangyayare.
May balita kame sa office na ang company na din namin ang mag-me-maintain ng isang airline company sa pilipinas. Di pa daw sure kasi di pa sarado ang merging pero sana nga para sana may dahilan ako makabalik ng pilipinas. Mag-re-request akong ma-assign sa pilipinas kung sakali. Ewan ko ba kung yung iba gustong-gusto sa america ako naman para bang nagkulang ang buhay ko simula ng pumunta ako dito. Para bang may naiwan akong gusto kong balikan pero di ko naman alam kung ano...there's this part of me that does not fit here...a space that i can't fill kahit anong gawin ko. I cannot ask for more when it comes to my job i love what i do....this is my dream its just that something is missing in my life. I don't actually know what it is pero alam kong may kulang...
I'm turning 30 next year fulfilled professionally may ipon may mga naipundar na din but when it comes to my personal life something is lacking. Di ako ganito noon sa Davao. Doon buo ako walang hinahanap walang space, walang blangko, walang tanong na di masagot. May direksyon ako pagdating sa trabaho ko junior mechanic na nga ako a year ago pero pagdating sa personal na buhay ko di ko alam san papunta???
Sana nga matuloy ang merging para ngayon palang mag-file na ako ng request na sa pilipinas ako ipadala. Yung big boss na nga lang daw hinihintay pumirma at selyado na ang merging. Hoping for the best.BEA's POV
Minsan pag ganitong wala ako sa wisyo kung ano-anong pumapasok sa utak ko. Wala ako g mabuong istorya kaya mas mabuti pang umuwe na lang. Nasa kwarto ako at nagkukuting-ting ng mga drawers bakit ba naman nabuksan ko ang isang kahon ng mga old pictures. Kumusta na kaya sya? May asawa na kaya? Ilan na kaya ang anak nya? At sino ang napangasawa nya? Kahit kailan ayokong buksan ang topic tungkol sa kanya pag magkausap kame ni Ana. Para bang taboo na iniiwasan mong maungkat. Nandun yung takot at kaba na para bang bigla na lang bubulaga sa mukha mo. Para bang nakakapasong pag-usapan. Mas mabuti pang wag nalang ungkatin pa. Hayaan na lang.
Nakahiga ako sa kama nakatitig lang sa kisame ng kwarto ko. Bigla na lang may tumulo sa mata ko, bakit parang may kirot tuwing naalala ko sya? Bakit parang maraming tanong na naglalaro sa isip ko na ayokong malaman ang mga sagot? Bakit ba kasi kaylangan pang bumalik sa dating mga alaala pwede namang huwag na? Matagal ko ng pinagbawalan ang sarili ko na balikan at ungkatin ang tungkol kay Alex pero sa tuwing mag-isa ako kusa itong bumabalik, pinapasyalan ang isip ko at nilalaro puso kong matagal ko ng isinara para sa kanya. Espesyal sya sa akin matagal na pero walang maidudulot yon na maganda sa akin....sa amin!!!
Anim na taon pinilit kong ibaon sa lupa, ipatianod sa dagat at iwasiwas sa hangin at sabayan ng panalangin na wag na sana akong balikan ng mga alaala noong araw na yun. Pero habang tumatagal kahit anong pilit ko di pa din yun nawawaglit sa isip ko na animo ba ay kahapon lang yun nangyare. Bakit ganon...??? Para pa ding sasabog ang dibdib ko tuwing maaalala ko....kaya ko pa ba? Hangang san ko pa kaya kayang tiisin? Habang tumatagal at habang pinipilit ko mas lalo lang akong nalulunod sa mga nangyare ng gabing yun....
Natauhan lang ako ng tinawag na ako ni yaya maring para kumain na ng hapunan. Mabuti nalang lagi syang nandyan para sagipin ako sa mga ganitong pagkakataon. Swerte pa din naman dahil madaming blessings na dumarating kahit alam mong may kulang at may hinahanap ka pa di na din masyadong nararamdaman. Magiging maayos din ang lahat pasasaan ba at maglalaho na din ang bagay na nakakabigat lang sa mga dalahin ko. Matatapos din 'to...makaka move-on din ako ng tuluyan wala namang permanente. Everything has to end and i just hope it will be the soonest time possible!!!
BINABASA MO ANG
Stupid heart
RomanceSi Bea ang babaeng inaalagaan ni Alex noong una pa man noong nasa Davao pa sya.... kuya ang turing sa kanya nito. Mag-bestfriend ang mga lola nila kaya dahil doon di nya ito magawang ligawan. Isa pang dahilan ay bata pa ito ng mga panahon na yun. K...