Ilang araw ko ding naiwasan ng magkita kami ni Alex. Tuwing pupunta sya ng condo ay naka-alis na ako. Nagre-reply lang ako sa mga text nya pero di ko sinasagot ang kahit na anong tawag nya sa telepono. Nagdadahilan akong maraming ginagawa. Totoo na madami akong ginagawa sa ngayon pero hindi naman sapat yun para di ko sya bigyan ng oras. Ginugusto ko na lang para makaiwas muna sa kanya.
Pagdating ko ng condo ng gabing yon ay hinintay ako ni yaya maring... "di ka na nahintay ni Alex di ka naman sumasagot sa tawag nya. Nagbilin yung tao na pupunta sya ng cebu at may conference sya ng apat na araw. Ikaw muna ang maghatid kay Fonsy o kung di ka pwede ako nalang."
Tumango na lang ako kay yaya. Paano ba naman ako makakasagot sa tawag nya eh di ko binubuksan ang telepono ko. Ngayong hapon pala ang flight nya papuntang Cebu. Medyo nakunsensya ako wala naman talagang kasalanan si Alex sa akin pero tinitikis ko sya. Napagpasyahan kong pagbalik nya galing Cebu ay babawi nalang ako.
Suspended ang class ngayong araw na 'to. Maaraw naman kasi mamaya daw ay parating ang bagyo. Malamang di pa makakauwe si Alex dahil bukas pa ang tapos ng seminar nila. Ayoko syang tawagan para kumustahin. Gusto ko nalang syang sorpresahin pagbalik nya galing Cebu. Since maaraw pa nagpasya akong lumabas para tumambay sa kapihan. Wala pa namang bagyo at mukha namang maayos ang panahon. Maaga na lang akong babalik ng condo mamaya. Nasa BGC kame nila Mia para sa brain storming ng ginagawa naming script. Mukhang nasa mood din si Mia na gaya ko ay inspired sa pagawa ng storya na isa-submit namin. Nalimutan ko na uuwe ako ng maaga at nagsisimula ng umulan. Sinundo na si Mia ng boyfriend nya...isasabay sana nila ako kaso out of the way. Hinayaan ko nalang silang umuwe kesa abutan pa sila ng lakas ng ulan. Tumawag na lang ako sa condo para sabihin na wag mag-alala sa akin. Naghahanap na ako ng taxi pauwe pero pang-apat na taxi na at pare-pareho ang sinasabi ng driver...mataas na daw ang tubig na dadaanan papunta sa condo namin ayaw na nilang maghatid. Nagdesisyon akong tawagan na sila yaya maring...
"Ya, mag-lock na kayo ng pinto. Try ko lang makauwe kahit mamayang madaling-araw. Baha na daw yung dadaanan pauwe dyan." Sabi ko kay yaya
"Bea mas mabuti pa hanap ka ng hotel na kalapit... sa umaga ka na umuwe para mas safe anak. Mahirap na baka kung mapaano ka pa sa daan." Sabi ni yaya
"O sige po. Mag-ingat po kayo dyan."
"Mommy where are you? I'm worried about you." Si Fonsy sa kabilang line umiiyak na ang anak ko
"Don' t worry baby...andito kang ako sa coffee shop sa BGC . I'm safe here. Mas delikado kung uuwe pa ako dyan kasi baha na. Tulog ka na ha...don't worry about me okey...i'l be fine." Sabi ko sa kanyaNag-stay pa ako ng ilang oras sa kapihan. 24 hours naman ang branch na 'to baka dito na lang ako tatambay. Bukas naman siguro ng umaga baka humupa na ang baha sa mga daan pauwe sa amin. Maya-maya ay may tumabi sa kinauupuan kong couch...si Alex. Hinapit nya ang balikat ko at idinikit sa katawan nya sabay halik sa noo ko. Di ko itatanggi na na miss ko sya, sobrang miss. Napangiti ako at yumakap sa bewang nya...
"Bakit andito ka? Di ba bukas pa tapos ng seminar mo?" Sabi ko habang pinipilit kong huwag pumatak ang luha ko dahil sa sobrang miss ko sa kanya
"May kasalanan ka sa akin." Madiin nyang bulong sa tenga ko pero nakayakap pa din sa balikat ko
"Sorry, sobrang busy lang." sabay baba ng tingin para di nya makitang nagsisinungaling ako
"I'm not buying your alibi. I know you're avoiding me for one whole week..." nagtatampo nyang saad sa akin"Busy lang talaga...promise babawe ako." Sabay taas ng kanang palad ko as a sign of my promise. Kinuha nya ang kanang kamay ko at dinala sa bibig nya para hagkan. Natunaw lahat ng sakit na nararamdaman ko sa ginawa ni Alex
"Pano mo nalaman na andito ako? Saka bakit andito ka na? Di ba dapat bukas pa ang balik mo? Pangungulit ko
"Closing party na lang bukas ayoko ng umattend gusto ko na kayong makita ni Fonsy. Saka di mo sinasagot mga calls ko kaya umuwe na ako. May bagyo pa baka ma-stranded pa ako dun." Sabi nya
"Eh bakit ka andito? Galing ka pa nyan sa airport?" Tanong ko ulit
BINABASA MO ANG
Stupid heart
RomanceSi Bea ang babaeng inaalagaan ni Alex noong una pa man noong nasa Davao pa sya.... kuya ang turing sa kanya nito. Mag-bestfriend ang mga lola nila kaya dahil doon di nya ito magawang ligawan. Isa pang dahilan ay bata pa ito ng mga panahon na yun. K...