Act of nature

908 26 5
                                    

ALEX's POV

          Nalaman kong nasa isang seminar si Bea kaya sinamantala kong araw-arawin ang dalaw kay Fonsy. Nakiusap ako kay yaya maring na ako na ang maghahatid sa kanila ni Fonsy sa school habang nasa seminar si Bea.Dumadaan din ako sa unit nila tuwing hapon. Pinababayaan ako ni yaya maring na makasama ang bata. Wala kaming pinag-uusapan at wala din akong itinatanong kay yaya. Pero sapat na yon para magkaintindihan kame. Alam kong may alam sya sa buong pagkatao ni Fonsy pero nirerespeto nya si Bea tungkol dito. Kay Bea dapat manggaling kung ano man ang totoo...at si Bea ang dapat kong tanungin tungkol kay Fonsy. Pagbalik nya galing tagaytay kakausapin ko na sya. Kaylangan kong maliwanagan lahat sya lang makakapag-sabi sa akin ng totoo. Alam kong anak ko si Fonsy nararamdaman ko. Lukso ng dugo hindi lang sa magkamukha kame. Una ko pa lang nakita sya may kakaiba na sa mga mata nya. Nag-iba ang tibok ng puso ko ng kausap ko sya at nahabag ako ng malamang wala syang ama. Mas lalo pang tumindi ang hinala ko ng sinimulan ko syang bisitahin ng panakaw sa school nya. Lalo na ng magkasama kame sa condo nila tuwing hapon habang wala pa ang mommy nya. Pati si yaya maring may ibang ikinikilos tuwing makikita nyang naglalaro kame ni Fonsy. Kita ko sa mga mata ng matanda ang tuwa tuwing nakikita nyang nagtatawanan kami ni Fonsy sa mga simpleng mga ginagawa namin. Si Bea,  sya lang ang makakapag-kumpirma ng lahat sana lang huwag nyang ipagkait sa amin ni Fonsy ang totoo.

          Di ko maipaliwanag ang saya tuwing pupuntahan ko si  Fonsy kung sakaling di ako makadaan at  gabi na tatawagan ko si yaya maring para makausap sya para lang kumustahin. Di lang kame pinapayagan ni yaya maring na lumabas ng condo marahil ay nag-iingat lang sya. Alam nyang patakas lang kay Bea ang pagdalaw ko kay Fonsy pero nagpapasalamat akong pinagbibigyan nya kaming mag bonding ng bata.

          Nasa hangar ako ng biglang tumunog ang celfone ko. Nagulat akong tumatawag si yaya maring. Sinagot ko ang telepono at iyak ni yaya maring ang bumungad sa akin..,,

"Yaya bakit? Anong nangyare?" Tanong ko
"Alex bilisan mo dali ka dito si Fonsy nabundol ng motor di ko makontak si Bea...bilisan mo Alex." Hingal na sabi ni yaya habang umiiyak

          Nasa daan na ako habang halos paliparin ko na ang kotse ko. Hindi ko malaman kung anong gagawin dahil sa ibinalita sa akin ni yaya. Para akong mauubusan ng hininga sa sobrang sikip ng dibdib ko. Kung pwede lang hawiin ko ang daan para makarating na ako sa hospital na sinabi sa akin ni yaya.

          Sinalubong ako ni yaya sa lobby nasa emergency room si Fonsy puno ng dugo ang katawan. Di nya mapigilan ang humagulgol ng makita nya ako. Nagkataong lumabas ang doctor at hinahanap kung sino ang kasama ng bata...

"Sinong kasama ng pasyente?" Tanong ng doctor
"Kame po. Kumusta na po si Fonsy?" Si yaya
"Kaylangan nyang masalinan ng dugo. Madaming dugo ang nawala sa kanya...!!! Type AB ang pasyente." Sabi ng doctor
"Type AB po ako.!" Sabi ko sa doctor
"Kaano-ano mo ang pasyente?" Tanong ulit ni doc

          Di ako nakasagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Alam kong sa isip ko at sa puso ko anak ko si Fonsy

"Sya po ang AMA ng bata doc...!!!" Sagot ni yaya

          Napatitig ako kay yaya maring kasabay ng pagtulo ng luha ko. Hindi pa ako umiyak ng ganoon sa tanang buhay ko....pinapasok na ako ng nurse para makapag-donate ako ng dugo para isalin sa anak ko....may tuwa sa puso ko ng sabihin ko yun kahit sa isip ko lang. Anak ko si Fonsy ... ako ang daddy nya. Pero sa isang banda may kirot akong naramdaman. Pano naitago sa akin ni Bea ito. Bakit di nya sinabi sa akin ang totoo. Limang taon akong walang alam na may anak na pala ako. Limang taon kong di nakasama ang anak ko. Ni hindi ko sya nakita habang lumalaki sya, kung anong unang salitang lumabas sa labi nya, kung anong paborito nyang pagkain, kelan sya unang humakbang. Di ko man lang narinig yung iyak nya nung baby pa sya. Pano nagawa ni Bea kay Fonsy at sa akin ang bagay na 'to. Anong dahilan nya at itinago nya ito sa akin.

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon