BEA's POV
Nasa sala na ako ng condo ni Alex dadalhan ko sana sya ng cookies na binake ko kagabi. Di nya pa alam na andito ako...malaya naman akong nakapasok dahil alam ko naman ang passcode ng front door nya. Naka-awang ang pinto ng kwarto nya at dinig kong may kausap sya sa loob. Sisislipin ko sana kung may kasama sya sa kwarto ng makita kong sa laptop pala nanggagaling ang boses ng kausap nya....
"San nyo ba pinagkukuha yang mga balitang yan?" Galit ang boses ni Alex at parang iritable sa kausap nya
"Alex you're too old para magpaloko sa isang babae? Ano yun pag-uwe mo ng pilipinas suddenly may-anak ka na?" Boses ng kausap ni Alex. Di ako sigurado kung sino sya dahil di ko makita kung sino ang kausap nya
"Sigurado ako na ako ang ama ng anak ni Bea. At di ko kaylangan ng DNA test para patunayan kahit kanino yan." May diin sa bawat salita ni Alex
"For God sake Alex anim na taon kang andito sa america...di mo ba naisip na pina-aako lang sa'yo ng Bea na yan ang anak nya sa ibang lalaki? At sino ba yang babaeng yan? San mo sya nakilala? Pano ka nag-kaanak sa kanya aber?" Sabi ng kausap ni Alex"Ma..si Bea di mo ba natatandaan apo ni lola Belinda bestfriend ng mommy ni Dad. Alam ko at ramdam ko anak ko si Fonsy. I will never take a DNA test not now not ever." Halos sabunutan na ni Alex ang sarili sa pagpapaliwanag sa mama nya. So all this time mama ni Alex ang kausap nya
"Anak makinig ka sa akin....anim na taon kang wala dyan sa pilipinas. Granted na may nangyare sainyo ni Bea bago ka pumunta dito....how can you be so sure na ikaw lang ang naging lalake sa buhay nya. Eh di ba nga sabi mo na nauna pa sya sa'yo na umalis ng Davao. Paano ka nakakasiguro na ikaw ang ama nga anak nya. Hijo gusto ko lang sana masiguro mo na talagang sa'yo ang bata. Gusto ko lang masiguro na dugong CASTRO ang bata. Yun lang...makinig ka naman sana." Sabi ng nagmamaka-awang tinig ng mama ni Alex
"Ma ayokong magtampo ka sa akin, pero di ko magagawa ang gusto mo. Itakwil nyo ako ng papa kung gusto mo bahala kayo. Pero kahit kailan di ko tatalikuran ang mag-ina ko." Si Alex
"Tandaan mo ito Alex....bago namin tanggapin ang batang sinasabi mong anak mo...kaylangan mo munang ipa-DNA test yan. Kung may halaga pa kame sa'yo na pamilya mo...gagawin mo ang ipinagagawa ko sa'yo." Pagtatapos ng mama nya
Nakita ko nalang ng namatay ang laptop ng kausap nya sa video call. Nanghihina ako sa mga narinig ko. Dahan-dahan akong lumabas ng condo nya at umalis ng building na yon.
Mahirap palang mapag-dudahan ka. Kahit alam mo sa sarili kong malinis ka at nagsasabi ka ng totoo. Alam kong naiipit si Alex sa pamilya nya at sa aking mag-ina ayokong mangyare na itakwil sya ng mga magulang nya. Maayos ang pamilya ni Alex maganda ang takbo ng negosyo nila sa Davao at sa America. Ang kapatid ng papa nya ang nag-aasikaso sa Davao at ang papa naman ni Alex ang may hawak ng branch sa America. Kahit dati pa ay kilala ang pamilya ni Alex sa lugar namin. Maayos nilang napalago ang buisness na naiwan ng lolo nya. Parang di ko yata kakayanin na magkasira silang pamilya....
Ang mga narinig ko sa usapan nila ng mama nya ay masakit tanggapin. Di ko inaasahan na pagdudahan nila ang katauhan ng anak ko. Pano nila naisip na niloloko ko si Alex at ipaako ang isang batang kadugo nila. Wala akong talok kahit ilang libong DNA test pa ang ipagawa nila, kahit kailan wala akong naka-relasyon na lalake. Mas nauna pa nga akong nagkaroon ng anak kaysa boyfriend. Si Alex lang ang tanging lalake sa buhay ko. Sya ang unang lalake na nakahalik sa akin. Sya ang unang lalake na yumakap at humawak ng katawan ko. Oo pinayagan kong may mangyare sa amin ng gabing yon di dahil sa malandi ako. Isa lang naman ang dahilan ko kung bakit nangyare yun...dahil noon pa man sobrang mahal ko na si Alex. Di ko pinag-sisisihan na may nangyare sa amin noon di rin inaasahan na sa isang beses na yon ay mabuo si Fonsy. Pero sobrang sakit na mahusgahan ang buong pagkatao ko. Lalo pa ang pagdudahan ang pinanggalingan ng anak ko.
Pag-uwe ko ng condo dun ko ibinuhos sa unan ko lahat ng luhang di pa din tumitigil sa pag-agos. Kahit pigilin ko kusa syang tumutulo kasabay ng paninikip ng dibdib ko. Para akong sinasakal sa sobrang sama ng loob. Ayokong malaman ni Alex na narinig ko lahat. Ayokong makadagdag pa sa problema nya sa mga magulang nya. Mabuti na lang di ko pa sya nakausap tungkol sa pagpapakilala nya kay Fonsy sa pamilya nya. Baka pati anak ko masaktan pag iniharap nya sa na sa screen ng laptop nya. Mas mabuting di nya alam na alam ko na kung ano ang iniisip ng pamilya nya sa amin ng anak nya.
Sasarilinin ko na lang ito. Ayokong lumabas na kontra-bida sa pamilya nila. Ngayon pa nga lang nagkakagulo na sila what more kung malaman ni Alex na narinig ko ang usapan nila. Nakatulugan ko na yung pag-iyak ko kagabi. Hahayaan ko muna si Alex...."Mare ang aga mo naman dito sa office? Nauna ka pa sa akin..." sabi ni Ron na may dalang kape
"Ah may gagawin kasi ako...for editing yung isang novel dito ko na aayusin...saka may isisingit pa daw na dalawang chapter. Gagawin ko na din para makuha ko na yung feedback." Pagdadahilan ko kay Ron kahit di ako naka-tingin sa kanya"Natulog ka ba? Bakit parang tinubuan ng eyebags yang mukha mo?" Sabay dutdot ni Ron sa mukaha ko.
"Wag ka nga..,,ang kulit mo. Mag-almusal ka na lang at wag mo akong guluhin." Naiinis na sabi ko kay Ron. Iniwan na nya ako at kumain nalang sa table nya. Alam kong nakatingin pa rin sya sa akin hangang ngayon pero di ko na din sya pinapansinMaghapon na ako sa opisina at halos walang kain na din. Nagpasabay lang ako ng sandwhich kaninang lunch at walang kinakausap kahit sino. Pati telepono ko ay pinatay ko para walang makaistorbo sa akin. Tapos na lahat ng ginagawa ng mga tao sa opisina halos lahat ay nakalabas na. Naiwan na lang kame ni Ron kasama ang ilang utilities na naglilinis. Wala pa akong balak umuwe wala namang problema dahili may dala akong kotse. Mas gusto ko na muna dito kesa umuwe sa condo. Kanina tinawagan ko lang si yaya maring para i-check si Fonsy. Saglit lang yun at ibinaba ko agad ang fon nung alam kung may gusto pa syang itanong.
"Mare di ka pa ba uuwe? Ano ba talaga ang hanash mo ngayon ha?" Ang nang-aasar na si Ron
"Wala lang gusto ko lang maging busy ayokong mag-isip." Sabay buntong hininga
"Ayun eh di lumabas din ang totoo...si Alex ba yan?" Ang kulit talaga ng baklang itoDi na ako nag-salita di pa ako ready pag-usapan. Tsaka ayokong may makaalam na may hindi magandang iniisip ang pamilya ni Alex tungko sa akin at sa pagkatao ni Fonsy. Pinauna ko nalang si Ron na makauwe ayoko naman na pati sya ay maistorbo ko pa. Mag-isa na lang ako sa opisina...nakatulala sa computer pero ramdam kong umiiyak nanaman ako. Sakit lang kasi...bakit ganoon masyado bang imposible na mabuo si Fonsy sa minsanan na pagtatalik? Sana man lang binigyan ako ng pagkakataon na maipagtanggol ang katauhan ng anak ko. Okey naman sa akin ang lintik na DNA na yan kaso kung gagawin ko yon parang kinunsinti ko naman ang pagdududa nila sa anak ko. Sa totoo lang di ko kaylangan ang approval nila. Nabuhay nga kame ni Fonsy ng limang taon na kaming dalawa lang. Ang ayoko lang yung pati si Alex naiipit sa gitna. Ano ba naman kasing buhay ito akala ko okey na ang lahat. Di mo talaga hawak ang mga mangyayare kahit gaano ka pa nagplano wala din.
Pagdating ko ng condo dun ko lang binuksan ang celfone ko. 103 texts at 86 missed calls lahat galing kay Alex...di ko na sinagot ang mga yon at pinatay na lang ulit ang fone ko. Alam kong mali na iwasan ko si Alex pero di ko alam kung papano ko sya haharapin pagkatapos kong marinig yung usapan nila ng mama nya.
Mas mabuti na muna yung ganito. Hindi ko pa din nalan alam kung anong gagawin ko. Ayokong pakialaman ang pagtatalo nilang mag-ina. Labas na kame ni Fonsy doon kahit alam kong kaming mag-ina ang dahilan ng di nila pagkaka-unawaan. Baka sabihin pa nila nakikisawsaw ako. Besides pamilya ni Alex yun....siguro naman magkaka-ayos di sila.
Bukas yung script naman na ginagawa namin ni Mia ang bibigyan ko ng oras. Para maipasa nanamin. Raket din yun. I just need to be busy para yung utak ko walang maisip na problema. Para na kasi akong tanga kahit naliligo ako pagdumadaan sa utak ko yung usapan na yon naiiyak pa din ako sa sobrang sakit. Hirap wala akong mapag-sabihan para na akong sasabog... bahala na si batman time out muna ako sa pag-iisip. Nakaka-ubos!
BINABASA MO ANG
Stupid heart
RomanceSi Bea ang babaeng inaalagaan ni Alex noong una pa man noong nasa Davao pa sya.... kuya ang turing sa kanya nito. Mag-bestfriend ang mga lola nila kaya dahil doon di nya ito magawang ligawan. Isa pang dahilan ay bata pa ito ng mga panahon na yun. K...