Alex and Bea

941 25 0
                                    

"Hon maligo ka na ako nang maghugas ng pinggan" si alex habang tatawa-tawang nakatingin sa akin

"Mauna kana, matatapos na ako dito." Sabi ko na di tumitingin sa kanya. Iniisip ko kasi na wala akong dalang extrang damit. Naiwan sa oto ko paano kaya ito. Sana lang may extra akong underwear sa bag ko. Bahala na nasabi ko nalang sa sarili ko.

          Pagkapasok ko sa kwarto nakaligo na si Alex at nasa couch nanonood ng tv. Hindi ko alam ano gagawin ko na kaming dalawa lang sa loob ng kwarto nya. Nakatingin sya sa akin na parang nagtatanong....

"Wala akong dalang damit, naiwan sa oto ko...." sabay ngiti ko ng mapait.
Bigla namang tumawa ng malaks si Alex na tumingin sa akin na ng aasar....

"Okey lang ba sau na tshirt ko muna sootin mo? Para kumportable ka din sa pagtulog?"
Tumango na lang ako
"Kuha ka lang sa cabinet bahala ka na kung anong gusto mo don...."

Iniabot nya sa akin ang towel kaya naligo na din ako. Bitbit ko ang damit nya sa banyo para di ako lalabas na naka-towel lang. Pinapatuyo ko ng bimpo ang buhok kong basa ng panakaw na sinilip si Alex. Kinakabahan akong kaming dalawa lang sa condo at kanina pa iba ang pakiramdam ko sa mga titig nya sa akin. Babalik sana ako ng banyo para isampay ang towel ng hinawakan ni Alex ang kamay ko hinila ako paupo sa legs nya.

          Awtomatikong nanghina ang katawan ko ng sandaling maglapat ang mga labi namin. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at nagpaubaya sa kanya. Wala akong lakas na pigilan ang lahat ng ginagawa nya. Nakakapanghina, aminin ko man o hindi nadadala ako sa mga halik nya. Wala akong di nagugustuhan sa mga ginagawa nya. Nanghihina ang buong katawan ko at kasabay non ay ang mabilis na pintig ng puso ko.

          Itinigil nya ang ginagawa pag halik sa labi ko pero hindi nya pinaglayo ang mga mukha namin sa isat-isa. Magkadikit ang mga noo namin at titig na titig sya sa akin ng muli nyang sakupin ulit ang mga labi ko. Kahit nag-aalangan ay hindi ko na napigilan tugunin ang bawat halik  at yakap nya sa akin. Pinagbigyan ko ang sarili kong magpadala sa agos ng nararamdaman ko.

          Kinuha nya ang braso ko at iniyakap sa leeg nya. Ramdam ko din ang unti-unting paghigpit ng hawak nya sa bewang ko at paghagod nya sa likod ko. Nakakadagdag pa ang sensasyon na yon sa buong sistema ko. Naglulumikot ang mga kamay ni Alex sa pagpasyal sa parte ng katawan ko.

          Sinabayan ko ang bawat pag-galugad ng dila nya sa loob ng bibig ko. Ramdam ko ang parang paglalaban ng mga dila namin at para bang may sariling isip ang  mga ito sa ginagawa nila sa isat-isa.

          Hangang sa bumaba ang mga labi nya sa panga ko papunta sa tenga ko. Di ko mawari kung anong nangyayari sa katawan ko. Mas lalo pa akong nakadama ng init sa buo kong katawan ng dumako ang labi nya sa leeg ko. Maliliit na halik ang iginawad nya doon na para bang sinisipsip ang bawat hibla ng balat ko. Parang may mga nag-uunahang paro-paro sa tyan ko na gustong kumawala.

          Oo nga at naka-siping ko na si Alex noong minsan isang gabi na yun...pero iba noon lasing na lasing sya noon, marahas, walang pag-iingat parang nananakop. Kakaiba ngayon, mabini, dahan-dahan, puno ng pagmamahal, parang ninanamnam ang bawat parte ng katawan ko na isa-isa nyang minamarkahan.

"Make me stop Bea.." pero patuloy nyang hinahalikan ang leeg ko kasabay ng kamay nyang naglulumikot na naglalakbay sa kung saang parte ng katawan ko. Hindi ko makuhang mag salita dahil nakatuon ang isip ko sa ginagawa nya. Ayoko din syang tumigil at inaamin kong gusto ko ang mga nangyayare. Daing at ungol lang ang sinagot ko sa kanya tanda ng pagsang-ayon sa ginagawa nya sa akin. Bawat halik at bawat yakap ni Alex ay nakakahibang at nakakawala ng katinuan sa buong isip at katawan ko.

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon