BEA's POV
....Everything is going smoothly, nakaka overwhelmed kasi parang wala ng mga sagabal sa pagsasama naming mag-asawa. Everybody knows na ako na si Mrs. Alexander Castro... natatawa pa din ako tuwing isusulat ko ang pangalan ko dala ang apelyido nya. Isipin ko lang ang mga pinagdaanan naming dalawa simula ng nasa Davao pa kame. Di ko akalaing sya ang makakatuluyan ko. Sa dami ng iniiyak ko dahil sa pang-iinis at pang-bubully nya sa akin nung bata pa ako kaya sobrang iwas ko pag magkakasalubong kame sa street namin.
.....Di pa kasali dyan yung mga iyak ko pag meron syang bagong girlfriend noon tapos isinasama pa nya pag may laro ng basketball sa clubhouse ng village. Grabe ang mga tili na akala mo ba sila lang ang tao. Halos di ko na mabilang ang mga dumaang babae kay Alex palibhasa sobrang gwapo, matangkad, hunk at umaapaw ang confidence. Pero ngayun isang salita ko lang tiklop ang asawa ko......
.....Pag babalikan mo talaga madami kang mare-realize. Madami kang maiisip na sana di mo ginawa, na sana sinunod mo ang mga dapat sundin. But i will not change any of it kase dahil sa mga bagay na nangyare we met at some point.....
.....Papunta kame ng Tagaytay ni Alex may kakausapin daw syang taga Saudia Airs na dun naka base. Nagpasama sa akin para makapahinga din kame ng ilang araw lang. Naging busy din ako ng ilang weeks dahil sa script ng indie film na project namin. Okey na din na sumama ako i think i need a break nakaka-tuyo ng utak ang pagawa ng script.
" Napagod ka? sabi ko sayo uwe ka muna dito sa villa habang nasa meeting ako eh." Hinalikan ako ni Alex sa aking noo bago nagbibihis ng pambahay nya
" Okey lang atleast nakapamalengke ako para sa pagkain natin....mas gusto ko akong magluto ng kakainin natin kesa kakain tayo sa labas."
" Pwede naman tayo magpa-deliver na lang, besides andito tayo para makapahinga kahit ilang araw lang..." tumabi sya sa akin habang nagluluto ako ng ulam namin "ano ba yang niluluto mo? mukhang masarap.? Did i happen to say i love you today? I love you Mrs. Castro...." sabay ngiti ng matamis
" Mixed veggies lang naman 'to. sarap mamalengke fresh ang mga gulay sinahugan ko lang ng shrimp. May nabili din akong fresh tawilis ipiprito ko na din." Medyo tumalikod ako ng konti para itago ang kilig ko sa sinabi nya sa akin
" Ako na dyan sa prito maya puro talsik ka nanaman ng mantika, nipis pa namang ng balat mo..." sabi nya habang hinahanap ang kawali. Napakatamis talaga ng dila ng lalaking ito
Habang kumakain ng dinner masaya kaming nagku-kwentuhan tungkol sa church wedding namin this month. Halos patapos na ang preparation salamat sa kinuha ni Alex na wedding coordinator. Malaking tulong sya sa aming dalawa.
"Hon matagal ko ng gusto itong itanong sau..." malalim na napabutonghininga si Alex. Ako naman ay biglang kinabahan. " Anong ginawa mo nung nalaman mong buntis ka kay Fonsy? Ano ang una mong naisip?" bigla akong natulala sa tanong ni Alex hanggang sa naibuka ko ang aking bibig para magsalita
"Noon sobrang nablangko ako nung nasa clinic kame ni nanay maring. Di ako naniniwala ng umpisa, ayaw tangggapin ng utak ko. Pano ako mabubuntis sa minsan na yun. Pano na ako? Saka pano yung baby....wala syang daddy."
"Di ba sumagi sa isip mo na kontakin ako sa States alam mo naman ang email add ko at iniwan ko din ang fone number ng bahay nila papa." nakatitig lang sya ng malalim sa akin habang hinihintay yung isasagot ko, pero nagtanong sya ulit "Binalak mo bang ipaalam sa akin na buntis ka o wala talaga sa plano mong sabihin kahit kanino sa family ko. Kasi pwede ka ding bumalik ng Davao, andun ang lola. Para mas maalagaan ka sana close ka naman sa kanya?"
"Sa totoo lang wala akong balak sabihin kahit kanino sa mga taga-Davao na kakilala natin.... Lalo sa'yo."
Di nagsalita si Alex hinihintay nya lang ang iba ko pang sasabihin....nagpatuloy ako
BINABASA MO ANG
Stupid heart
Roman d'amourSi Bea ang babaeng inaalagaan ni Alex noong una pa man noong nasa Davao pa sya.... kuya ang turing sa kanya nito. Mag-bestfriend ang mga lola nila kaya dahil doon di nya ito magawang ligawan. Isa pang dahilan ay bata pa ito ng mga panahon na yun. K...