Chapter Seven

371 12 0
                                    

JJ's POV

Its Wednesday today at eto ang pinakamabigat na araw ng exams ko. Dalawang major subjects ko lang naman ang nakasched sa akin ngayon at two-hour ang bawat isa sakanila.

Idagdag mo pa na di ko pa nakikita si Ysah, the last time I saw her was yung last hangout namin, tapos di na ako nakakapunta sa training nila, kasi I need to study for this exam week. Wala tuloy akong inspiration. Tsaka isa pa hindi ko rin alam kung pano ako haharap sakanya.

Flashback

Andito kami ni Pau sa kwarto ko at nanonood ng movie.

The notebook.

Ewan ko ba dito kay Pau kung bakit yan ang pinanood namin. Trip lang daw nya manood nyan.

While watching naramdaman ko naman na nagvibrate ang phone ko.

Two new notification received

Twitter 🐦

Ysahbella started to follow you

Ysahbella sent you a direct message

Nanlaki naman ang mata ko at kinusot kusot ko pa ito upang makita kung totoo ito.

"Shit!" napasigaw ako nung mapagtanto ko na si Ysah nga ito.

"Oh anyare sayo couz?" tanong ni Pau na naudlot ang pagiyak dahil sa pagsigaw ko.

I flashed my phone to her and pati sya nagulat. Pero after few minutes ay tiningnan nya ako ng seryoso.

"What?" ano problema neto? Kanina umiiyak, tapos nagulat, tapos nagyon seryoso naman sya.

"Magfollow back ka, wag kang snob" tipid na sagot nya pero seryoso pa rin syang nakatingin sa akin. Sumunod naman ako at nagfollow back agad tapos pinakita ko pa sakanya. Bigla syang ngumiti sa akin at nagsalita.

Bigla nyang hinablot yung phone ko at tiningnan ako ng nakakaloko. Pagkatapos nya tingnan ang phone ko ay ngumit sya sa akin.

"Oh ano na gagawin mo ngayon?" nagulat naman ako sa tanong nya sa akin. Like ano ba dapat gawin.

"Crush mo na yan couz aayaw ka pa?" nakangiting tanong naman sa akin ni Pau.

Nakakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Pau, di ko sya maintindihan.

She give my phone back and to my surprise may direct message pala si Ysah sa akin.

Pinanliitan ko naman ng mata si Pau dahil binasa nya yung message sa akin, nagpeace sign naman sya.

Binasa ko naman ang message nya sa akin.

Ysahbella

Hi J!

Thanks for the chocolate, good night.

Napangiti naman ako sa simpleng message nya sa akin.

"I told you favorite nya yung mars" bigla namang sabi ni Pau sa akin.

"Thanks couz" then I started to compose my response to her.

Reply

You're welcome, good night din, sleep well.

And I hit the send button.

End of flashback

That is the last time na nagkausap kami, and after that di na kami nagusap ulit. She just followed me on twitter and send me a DM then after my response to her, wala na. Finish na. Maybe busy lang din syang magaral since exams na.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon