Chapter Twenty Five

197 6 6
                                    

After one year...

Ysah's POV

Graduate na si JJ at ate Pau, I became the team captain for this season. Third year na ako at mas marami na akong major. Si JJ at ate Pau ayun may work na, dun sa firm nila nagwowork di JJ, si ate Pau dun din nagwowork.

Since nagkawork si JJ madalang na kami naguusap, she is so busy kasi malaki yung project na nakaassign sa team nila at magkasama sila sa team ni ate Pau.

Katatapos lang ng class ko and I was about to go to the gym nung biglang may tumawag sa name ko. Paglingon ko isang babae na may dalang bulaklak at paperbag.

Kunot noo ko syang hinarap at nginitian lang ako.

"For you, pinapabigay lang" sabay abot sakin ng mga dala nya. Gusto kong tanggihan kasi baka kung kanino galing pero nakakahiya naman. Kaya tinanggap ko pa rin.

"Thank you, kanino ito galing?" Tanong ko pero di sya sumagot at agad na umalis sa harap ko.

Weird.

Pagpasok ko ng gym andyan na yung mga rookies, as always maaga sila.

"Uy bes kanino galing yan?" Salubong sakin ni Arianne pero nagkibit balikat lang ako.

"Wala man lang bang card?" Tiningnan ko sya at feeling ko nagets naman nya yung gusto ko iparating. I already checked at wala akong nakitang card.

"Sabi ko nga shut up na ako eh" She said at bumalik na sa warm up.

Inayos ko lang mga gamit ko at nakita ko na nagtext si JJ.

From: Babe
Did you like the flowers? Sorry I can't pick you up andito pa kami sa site. Please eat the food on the paper bag. I love you.

Sakanya pala galing, kaya pala may kasamang pagkain kasi di nya ako masusundo. Ilang weeks na rin kaming hindi nagkikita, naiintindihan ko naman na work yun. Di naman ako nagdedemand ng time sakanya.

Kahit kami na she still courts me, kita nyo naman kahit na busy sya nakapagpadala pa sya ng bulaklak sakin at pagkain.

Pano kami nagcelebrate ng anniversary namin? Simple lang.

Flashback...

Walang training ngayon kaya naman excited ako na matapos yung class namin, anniversary kasi namin ni JJ bukas at ngayon namin icecelebrate kasi may importante syang gagawin bukas.

"Huy bes tulala ka na naman dyan?" Siko sakin ni Arianne habang nakatingin sya sa prof namin.

"Huh, hindi naman" Kunot noo kong sagot sakanya.

"Anong hindi? May pinapagawa si sir at hanggang ngayon blanko pa yang notebook mo" Sabay turo nya sa notebook ko. Shit! Oo nga! Urgh! Ano ba naman yan!

"Magsagot ka na at baka mapagalitan ka pa" Utos ni Arianne sakin at sinunod ko naman agad.

Makalipas ang ilang minuto ay nagdismiss na si sir at nauna na akong lumabas kay Arianne, narinig ko pa na tinawag nya ako pero di na ako lumingon. Tumakbo ako agad sa parking lot kung saan laging nagpapark si JJ.

Pero walang bakas ni JJ ang nakita ko, walang sasakyan. Walang mga tao. I checked my phone and my message pala sya.

From: Babe
Hi babe, andito pa ako sa office, may tinatapos pa ako. Sorry malelate ako sa Anniversary dinner natin. I asked Pau to pick you up para ihatid ka sa restaurant. See you there, I love you!

Bumagsak yung balikat ko pagkabasa ko nung text nya sa akin. Malalate pala sya, napabuntong hininga na lang ako sa nabasa ko. Maya maya ay may bumusina sa gilid ko. Si ate Pau, nginitian ko sya at sumakay na ako agad sa sasakyan nya.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon