Chapter Thirteen

280 13 0
                                    

Ysah's POV

Monday and its the start of training na naman, since next week ay start na ng games namin, need na namin magtraining ng sobra sobra. So I did my morning rituals and as usual hinatid ako ni kuya sa school.

Pagbaba ko ng kotse ay napansin ko si J at si ate Pau na naguusap. Ang aga naman ata ni J, mamaya pa ang pasok nya ah.

Well nastalk ko na yung sched nya, kaya alam ko kung ano ano ang subjects nya at kung kelan ang breaks, kung kelan ang tapos ng subjects nya everyday. hahaha! Iba talaga pag friend mo yung sa school admin.

Nung napansin nya kami ay agad na pumasok si ate Pau sa gym at sinalubong kami ni JJ na nakangiti.

"Good morning Ysah, kuya Enzo" bati nya sa amin.

"Aga mo ah" sabi ni kuya sakanya, nakita ko naman na parang kinabahan si J at napayuko pa ito ng bahagya at napahawak sa batok nya.

"Ah hehe, nagprepare kasi ako ng breakfast for Ysah" sabi nya at inabot sakin yung paperbag, nagtama ang mga kamay namin at may kakaibang spark akong naramdaman, bigla din naman bumilis ang tibok ng puso ko.

Ysah kalma, andyan si kuya oh, wag kang maharot dyan. I compose myself bago ako sumagot.

"Thanks J, nagabala ka pa" sagot ko sakanya at ngumiti ako para sana di sya kabahan. Ngumiti din naman sya sa akin. Nilingon ko si kuya at nakita ko naman na seryosong nakatingin lang sya kay JJ.

"Kuya thanks sa paghatid magtraining na ko, baka malate pa ako" paalam ko kay kuya at hinalikan nya ako sa ulo bago umalis.

"Sorry sa asal ni kuya" sabi ko kay J nung nakaalis na si kuya.

"Ha? wala yun ayos lang" tipid na sagot nya sa akin. Si kuya naman kasi, feeling ko tuloy natakot si J sakanya.

"Ako na magdala ng bag mo" di ko alam pero binigay ko rin sakanya yung bag ko kahit nahihiya ako at naglakad na kami papasok ng gym.

Nakita ko naman na nakatingin sa aming lahat mga kateam ko at si ate Pau todo ang ngiti, samantalang si Arianne parang hindi maganda ang gising, nakasimangot kasi.

"J nood ka muna" pagaya ko sakanya at umupo sya sa usual spot nya at tinabi ang bag ko sa tabi nya.

"Mukhang magkakalovelife na ang bunso natin ah!" si ate Martha, naiiling na lang ako.

"Inspired na naman yung bunso natin, ang hirap na naman iblock at ireceive mga palo nyan" si Gab din nakisali na sa pang bubully sa akin.

Maya maya pa ay dumating na si coach at nagsimula na kaming magtraining. Doble hirap ang training namin ngayon kaya bawal ang makulit sa floor.

Water break. Halos lumuwa na ang dila ko sa sobrang pagod at hirap ng training namin. Nagulat naman ako nung may nagabot sa akin ng towel at gatorade. Si J pala.

"Thanks J" sagot ko sakanya at binigyan nya ko ng isang ngiti. Ngiti na nakakalaglag panty. Jusko J, kung araw araw ganyan aba mahuhulog na talaga ko sayo.

Natapos ang training namin na andito pa rin si J na nanonood. Ang alam ko dapat kanina pa sya umalis kasi may klase sya at puro major subjects ang klase nya today. Remember nastalk ko na sched nya.

Lumapit naman sya ulit sakin at inabutan ako ng towel at gatorade. Nagpasalamat ako at kinuha ko naman yung paper bag na bigay nya at tiningnan kung ano ang laman nun.

Nagulat ako kasi sa ibabaw ng tupperware may nakadikit na sticky note.

Good morning. Eat me so you will have a lot of energy.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon