Chapter Twenty One

228 8 0
                                    

Ysah's POV

Mabilis natapos yung season, and before we know it nagchampion na kami. Yes fam nagchampion kami at hinirang nga akong rookie of the year at si ate Pau ay MVP ng season, kaya naman may tarp akong nakasabit sa loob ng gym at yung team.

School year is almost over na din, at next school year graduating na si ate Pau at JJ. Pressure is still on our side dahil naka tatlong championship na kami at lahat yun ay yung year na naglalaro si ate Pau sa team. Last na nya next season kaya naman mas pagbubutihin pa namin.

Si JJ ayun busy sa school works, kahit na malapit na bakasyon ay puro aral pa rin sya. Ganun ba talaga pag Engineering ang course mo? Halos lahat ng estudyante ay tinatapos na lang yung requirements pero sya gumagawa pa rin ng mga school works nya.

Is JJ now courting me? No. Why? Kasi kami na, she did ask me out of the blue at na caught-off guard talaga ako nun.

Flashback...

Katatapos lang ng training namin at nagpapahinga na kami para makapagshower na at makauwi na. Sobrang nakakapagod ang araw na ito, una sa lahat di ako nasundo ni JJ, may project daw sya. Tapos sabi nya manonood sya ng training pero tapos na kami di pa rin sya nagpapakita sa akin. Dati naman pag di sya makakanood magsasabi sya agad, may text or missed call, pero ngayon ni blank message wala akong natanggap sakanya. Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang dismaya ko. Marami ang andito na students, akala nila darating si JJ. Pero tulad ko nabigo lang din sila.

Nakahiga lang ako sa sahig at nakapikit, nung may narinig akong dalawang babaeng naguusap. Di ko naman sinadya na makinig pero anong magagawa ko malapit lang sila sa akin at medyo malakas ang mga boses nila.

"Uy nakita mo na ba?" tanong nung isa

"Ang alin?" sabi naman nung isang babae

"Eto oh, kaya pala wala dito si JJ nasa mall pala eh" di ata nila alam na andito ako, napadilat ako sa narinig ko pero pumikit ulit, I tried to pretend na tulog ako para makinig sa kanila. Gusto kong malaman kung nasaan ba talaga si JJ.

"Ay oo nga? Teka sino kasama nya?" aba at may kasama pa sya, magaling! Project pala ha. Kalma ka lang Ysah baka naman groupmates nya kasama nya, malay mo may binili lang or kumain lang sila sa mall.

"Si Mona yun di ba?" Mona who? Wag mong sabihin na ito yung patay na patay sakanya, magpapaliwanag ka JJ! Inis sa sigaw ko sa utak ko.

"Weh? Patingin nga ako, hala oo nga si Mona Fox nga! Akala ko ba sila na ni Ysah? Sweet ha may paflowers pa si JJ" Halata naman sa boses nila na naiinis sila at ganun din ako naiinis ako sakanya!

"Teka baka naman matagal na yang picture na yan?" tanong naman nung isa.

"Panong matagal na eh kita mo oh bagong gupit si Mona dito at si JJ din bagong gupit, tsaka uploaded ito 30mins ago" paliwanag naman nung isa

"Argh! Nakakainis! Bakit ba ang close nila?! Ano ba nakita ni JJ dun?! Nakakainis naman!" maktol nung isang babae at ramdam ko sa boses nya yung pagkadismaya.

"Hay naku wag mo na nga isipin yang crush mo, may jowa na ata at si Mona pa, tara na lang at umuwi na" wow! So ganun na lang. Pagkatapos nya akong pakiligin at paramdam sakin na gusto nya ako. Ganun na lang kung ipagpalit nya ako. Ano ba meron sa Mona na yun!

Sa sobrang inis ko ay tumayo na ako at padabog akong nagtungo sa shower room. Narinig ko pang tinawag ako ni ate Pau at Arianne pero di ko sila nilingon. Galit ako, ayaw ko ng makakausap ngayon at baka mabuntong ko ang galit ko sakanya.

Sinadya ko na magpahuli sa paglabas ng shower kahit na ako yung naunang pumasok rito, kinakatok naman ako nila ate Pau to check on me, pero sagot ko lang lagi ay ayos lang ako. Gusto kong maiyak sa inis pero pinipigilan ko sarili ko dahil di nya deserve ang mga luha ko.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon