Chapter Six

389 17 0
                                    

Ysah's POV

After ng awkward na lunch namin with ate Pau at J, ay mas madalas na namin sila nakakabonding kumpara sa ibang mga kateam namin. Yung iba kasi madalas sa training na lang nakakasama kasi nga may kanya kanya ding barkada at may kanya kanya ding lovelife yung iba. Feeling ko nga kami na lang ni Arianne ang walang lovelife kaya naman kami lagi ang tinutukso.

Bakit di na lang daw kami ang maging magjowa, tinatawanan na lang namin sila pag tinutukso kami. Straight pa sa ruler tong si Arianne 'no, tsaka she is like a sister to me and isa pa best friend ko sya, di ako magkakagusto sa best friend ko. Madalas din nanonood ng training si J, madalas din silang sabay pumapasok at umuuwi ni at Pau. Wala daw kasi yung kotse ni ate Pau, pinapagawa pa. Iba talaga pag mga rich kids, may mga kotse.

Its friday at masaya kaming lahat dahil wala kaming training bukas. Nagcancel sila ng training kasi may family gathering si coach at sabi nya magpahinga din kami at magaral since sa monday ay prelims na, syempre ayaw naman nila na macompromise yung studies namin dahil sa love namin sa sport na volleyball.

We are still here sa gym at nagpapahinga bago magshower, katatapos lang kasi ng afternoon training namin. Yung iba naman nauna na magshower kasi may mga lakad at may mga date yung mga may lovelife.

Kami ni Arianne andito pa at nagpapahinga, si J naman andun sa kabilang bench, nagcecellphone habang inaantay matapos si ate Pau magshower.

"Bes may lakad ka ba?" tanong ni Arianne sakin.

"Ah wala naman, bakit?" sagot ko habang nakadapa ako sa floor. Sobrang sakit kasi ng likod ko eh.

"Wala, baka lang kasi may lakad ka" sagot naman ni Arianne sakin.

"Masakit ba likod mo?" sabi nya at tumango naman ako bilang sagot. Tumayo sya sa kinauupuan nya at lumapit sa akin upang imasahe yung likod ko.

Habang ginagawa nya yun ay di ko naiwasan na ivideo sya at ipost sa twitter ko.

Twitter 🐦

Perks of having a bestfriend. You have a personal PT. 😂✌ @ambonifacio

*insert photo of Ysah na nakadapa at si Arianne naman minamasahe sya

Then I heard ate Pau. Tapos na pala sya maligo.

"J tara SB muna tayo, gusto ko ng frappe" since nakadapa ako di ko alam kung anong sinagot ni J.

"Hey best friends may lakad kayo?" napaangat naman ako ng tingin at nakalapit na pala si ate Pau sa amin.

"Wala naman ate" si Arianne na ang sumagot para sa amin.

"Oh yun pala, tara sama kayo samin SB tayo" aya sa amin ni ate Pau. Tumingin naman muna sakin si Arianne bago sumagot, tila ba nanghihingi ng go signal kung sasama ba kami o hindi. Tumango naman ako at ngumit, ngumiti din sya bago tumingin kay ate Pau at sumagot na sasama kami.

"Shower na kayo, antayin namin kayo dito" sabi ni ate Pau at naupo na sa tabi ni J. Agad naman akong tumayo at kinuha ang bag ko upang makapagshower na.

"Wag kayo magsasabay maligo ha!" natigilan naman ako at napatingin kay ate Pau na nakangiti ng malawak, nakita ko naman na namula si Arianne sa sinabi ni ate Pau.

"Joke lang, kayo talaga, sige na ligo na" sabay peace sign sa amin ni ate Pau, nauna naman na pumasok ng shower room si Arianne.

Kahit kelan talaga ang bully ni ate Pau, agad naman akong nagshower, medyo binilisan ko din kasi nakakahiya naman magaantay sila ate Pau.

After magshower at ayusin ang mga gamit namin ay pumunta na kami sa kotse ni J, kinuha nya yung mga bag namin at nilagay sa trunk ng kotse nya, tapos pinagbuksan nya ako ng pinto at ngumiti sa akin, dun kasi ako pumwesto sa likod nya.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon