Chapter Twenty

221 7 0
                                    

Ysah's POV

Game day.

Semis Game 1

Kinakabahan ako, tinalo ng kalaban namin ngayon yung rival school namin in just 3sets. Walang kahirap hirap, pero kami umabot kami ng 5sets para lang matalo yung rival school namin.

Nanonood si JJ at sila kuya, magkakasama sila sa pwesto.

Nagstart na yung game. First set ay nakuha namin, pero yung mga sumunod na set ay hindi na namin nakuha. In short natalo kami, at dahil yun sa mga error ko na sobrang crucial. Ito rin ang unang unang talo namin sa season na ito.

"Girls cheer up ok? Babawi tayo, may game 2 at 3 pa. Sisiguraduhin natin na tayo ang papasok sa championship" pagpapalakas ng loob samin ni ate Pau.

After game ay dumiretso na kami sa dug out, di na ako pumunta kela kuya, nakayuko akong pumasok sa dug out.

"Girls, what happened? Di naman ganyan ang game nyo nung practice match natin. Ano ba problema girls? Kinakabahan ba kayo?" tanong ni coach pagkapasok namin sa dug out.

Walang nagsasalita, lahat kami tahimik.

"Sorry coach, dami kong error" basag ko sa katahimikan sa loob ng dug out at di ko na napigilan na umiyak.

"Best di mo naman kasalanan lahat" pagalo ni Arianne sakin.

"Dami kong error best, halos ako ang nagbibigay ng puntos sa kalaban, kasalanan ko ito" sabi ko sakanya habang naiyak pa rin ako.

"Di lang naman ikaw ang may mga error baby girl" sabi ni ate Martha sakin.

"Ysah we are a team, so kung manalo o matalo tayo, sama sama tayo dito. Wag mo na sisihin sarili mo" dagdag naman ni Gab.

Di ko alam pero parang kahit anong sabihin nila, sisisihin at sisisihin ko pa rin ang sarili ko. Numbers won't lie, kitang kita sa stat sheet kung gano ako kabigat sa team.

"Girls kaya natin ito, hahayaan nyo ba na masayang yung mga paghihirap natin tuwing training? Yung mga sleepeless nights nyo? Yung bawat sakit ng katawan nyo? Girls lets look at this loss as a learning experience. Tomorrow we will train again, pero ang gusto ko papanoorin muna natin pare pareho yung game nyo and we will check kung saan tayo nagkulang" pagmomotivate ni coach sa amin.

"Sige na pahinga na bago magshower, kaya natin to, I trust in you so you have to trust yourself as well" sabi pa ni coach at naupo na sya. Tahimik ang lahat di katulad nung mga nakaraang games namin na maingay kami dito sa dugout.

Umiiyak pa rin ako, I still blame myself kung bakit di kami nanalo. Si Arianne nasa tabi ko lang, hinihimas ang likod ko at pilit na pinapatahan ako.

"Best tahan ka na please, baka mamaya mahirapan ka huminga eh. Don't blame yourself na, one team tayo, manalo matalo" pilit pa ring pinapagaan ni Arianne ang loob ko at pinapainom ako ng tubig para di daw ako madehydrate

Dahan dahan akong tumango at pinunasan yung mga luha ko, ikinalma ko ang sarili ko bago ko ihanda yung gamit ko sa pagligo ko.

"Ysah, may naghahanap sayo" tawag sakin ni Gab.

Agad ko naman pinunasan ang mga natitirang luha ko at pumunta sa labas ng dug out. Ayaw kasi huminto ng pagagos ng mga luha ko. Paglabas ko si JJ ang nakita ko. Tiningnan nya ako sa mata ko at ngumiti.

Sa lahat ng tao sya ang pinakaayaw ko makita ngayon. Bakit? Ayaw ko makita nya kung gano ako kahina, kung gano ako umiyak dahil lang sa talo kami.

"Hey" bati nya sa akin. Pero di ako kumikibo, napayuko na lang ako dahil hindi ko sya kayang tingnan at pakiramdam ko bigla na lang tutulo ang mga luha ko, isa pa di ko kayang makipagtitigan sakanya.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon