Ysah's POV
Friday na at last day na nang exam week, ang sarap magsaya at maghangout kaso may training pa kami ngayon at bukas. Buhay student-athlete nga naman.
Wednesday nung huli kong makita si J dito sa gym at yun din yung huling paguusap namin. Di ko sya nakita kahapon at kanina. Di ko naman matanong si ate Pau, at di ko rin naman sya mamessage kasi nahihiya ako. Ewan ko ba, pero feeling ko nakakahiya. Its just a matter of 'Hi' but still I don't have the courage to initiate the conversation.
Namimiss ko na sya.
Huh? Namimiss? Not in a romantic way, friend ko sya so nasanay ako na andyan sya. Oo tama. Nasanay ako kaya hinahanap hanap ko.
Ang hirap talaga magadjust pag nasanay ka na tapos biglang mawawala sayo.
Water break lang namin ngayon kaya naman eto nakaupo kaming lahat. Si Arianne nasa tabi ko at nakaindian sit sya, nagpupunas din ng pawis at umiinom ng tubig. Base sa paggalaw ng balikat nya ay pagod na pagod sya.
Di ko pa nakukwento sakanya na aksidente kong nafollow si JJ sa twitter at di ko rin sinabi na binigyan nya ako ng favorite kong chocolate. Maybe next time na lang pag may time na kami.
I decided to check my phone to see kung may bago ba, pero wala pala. Same notifications, nothing that could catch my attention.
Water break was done so balik na kami sa training at sa mga drills namin. Mas lalo akong pinahirapan ni coach, pinag spike nya ako paulit ulit ng down the line at cross court. Pinag off speed nya din ako at cut shot. They told me na magaling ako pero dapat mas maging matalino at madiskarte ako.
After three hours of training ay natapos na kami, hingal na hingal kaming lahat at halos wala pang gustong kumilos sa sobrang kapaguran.
"Best, di pala ako makakasabay sayo ngayon paguwi, we have a family dinner eh" paliwanag sa akin ni Arianne. I put my thumbs up for her to know na ayos lang sa akin. I'm freaking tired to talk right now. I can barely feel my arms.
Sa sobrang pagod ko ay nahiga ko sa floor. I don't mind kung madumihan ang likod ko or kung malamigan ito. Ang gusto lang ng katawan ko ngayon ay ang magpahinga.
I closed my eyes for a bit para naman makapahinga ako. Narinig ko naman na magshoshower na yung iba kaya medyo tumahimik.
Nagulat naman ako nung may tumapik sa akin. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, at nakita ko si ate Pau, bagong ligo at nakabihis na din.
"Hey, di ka pa ba uuwi? Tsaka asan si Arianne? Bakit magisa ka dito?" she asked while helping me to get up.
Paglingon ko sa paligid ay ako na lang ang hindi pa nakakaligo, at lahat sila palabas na ng gym. Nakaidlip pala ako.
"Nakatulog pala ako dito, sorry ate. And si Arianne, uh may family dinner sila eh, so di nya ako mahahatid" tumayo na ako upang puntahan ang gamit ko.
"Ganun ba? May sundo ka ba? Gusto mo hatid kita?" she offered, I want to but nakakahiya kasi aantayin pa nya akong maligo.
"Wag na ate, I'll text na lang si kuya na sunduin ako, thanks anyway" I said and gave her my sweetest smile.
"Sure ka ha? Sige una na ako, sabihin ko na lang kay manong na wag muna isara at hintayin ka malakabas" I nod at her and she waved goodbye.
I walked to the shower room and started to take a shower. Ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko.
After 30mins ay natapos din ako, I'm about to text kuya but to my surprise my phone is dead. I fished for my power bank and connect my phone to it but its dead as well.
![](https://img.wattpad.com/cover/152998611-288-k958605.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving A Student-Athlete
Teen FictionYsah is a rookie volleyball player at their school, and JJ is a graduating student that will fall inlove with her. Can their love keep burning? Pano pagsasabay sabayin ang student life, athlete life at love life? Just pure imagination. Started: July...