Chapter Twenty Two

219 9 0
                                    

Ysah's POV

School year was over at andito kami ngayon sa bahay nila JJ, magbebeach kami, may beach house pala sila sa Zambales. RK eh, di na ako magtataka, sila yung may ari ng pinakamalaking construction firm sa buong Pilipinas so having a house in almost every province is not impossible.

She was the one who asked permission from my family, they already know na kami na at wala naman silang tutol dun, yung parents naman ni JJ ay di ko pa namemeet personally pero nakita ko na sila sa mga picture nung pumunta ako sa bahay nila. May malaki silang family portrait na di basta picture lang kundi painting talaga, like old school painting ng mga royal bloods. Ganyan sila kayaman.

"Are you guys ready?" tanong ni JJ sa amin, nakasakay kami sa van nya, yes guys she owns it. Their family driver will be one to drive for us since medyo malayo yung Zambales at di sya pinayagan ni Manang, pero still she insist to drive if pagod na si kuya.

"Yes!" sabay sabay na sagot namin, kasama namin si Arianne, si Martha, si Gab, at syempre si ate Pau.

Sa likod kami umupo ni JJ dahil gusto nya dun sa maluwag at para iwas bully nila ate Pau, di kasi kami tinitigilan asarin eh.

"Hoy JJ porket pinsan kita akala mo makakalusot ka sakin? Bata pa yang is Ysah wag kang gagawa ng kalokohan dyan sa likod malilintikan ka sakin!" natawa naman ang lahat pwera lang sakin, di ko magets yung sinasabi ni ate Pau.

Nahalata naman ata nila na di ko nagegets si ate Pau, kaya naman nagsalita na si Arianne.

"Bes wag daw kayong gagawa ng kababalaghan dyan sa likod" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Arianne at pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.

"What?! Seriously Pau ganyan tingin mo sakin?" JJ blurted out at inirapan silang lahat.

"Huh?" pagkukunwari ko na di ko nagets mga sinabi nila, para di nila mahalata yung pagkapula ng pisngi ko.

"Don't do what adults do, don't make out dyan sa likod" si Gab naman ang nagexplain. Ah yun lang naman pala yun. Teka!?! Ano daw?

"Huy Gab! Ikaw talaga yang bibig mo di mo pigilan!" suway naman ni Martha at nakatikim ng hampas si Gab sakanya.

"What?! Lowkey pa nga yung sinabi ko eh, what do you want me to say? Don't do sex at the back?" napatingin naman kaming lahat kay Gab at nakatikim sya ng hampas kay Martha at kay ate Pau. Napansin naman nila yung pagka uneasy ko sa topic kaya naman natawa na lang sila.

"See bata pa yang si Ysah, don't you dare smudge her with your dirty mind!" banta ni ate Pau, sabay tingin ng masama kay JJ, si JJ naman naiiling na lang.

"Uh guys baka nakakalimutan nyo andito din ako, at bata pa rin ako" may diin dun sa word na 'bata' sa pagkakasabi ni Arianne, kaya naman lalong napahampas si ate Pau at Martha kay Gab.

"Hey guys stop it na, di tayo makaalis oh anong oras na" nagsalita na si JJ, kaya naman huminto na sila at naupo na ng ayos, pero maririnig mo pa rin yung mga bulungan nila na nagtuturuan kung sino ang may sala.

Nailing na lang kaming dalawa ni JJ.

Before umalis nagdasal muna kami at pinagusapan kung saan magaalmusal, pagkatapos ng mabilis na meeting ng mga itinerary namin ay natahimik na lahat. Since nasa likod kami, kita ko lahat ng galaw nila. Si ate Pau at Arianne ay naglagay ng mga headset nila at sumandal, matutulog siguro. Si Gab at Martha naman ay nagshare sa isang headset, di pa daw sila nyan pero sweet na sila. Mga pabebe.

Ano na ginagawa namin ni JJ?

Eto nakaupo lang sa likod, may konting space sa amin kasi naman yung mga kaibigan namin mga baliw, kung ano ano sinasabi. Feeling ko tuloy naiilang na si JJ, well naiilang din naman ako pero alam ko naman na joke lang yung mga sinabi nila.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon