JJ's POV
Game day.
Ngayon ang game nila Ysah laban sa rival school namin, di ako kinakabahan sa laban nila dahil alam ko naman na kayang kaya nila yun. I saw how she improve day by day, I may not be always present sa mga practices nila pero I always make sure na present ako sa actual games nila. Last two games ay sya ang best player, di maikakaila na sobrang galing nya.
One month and a half at tapos na ang first sem ng school year, bakasyon na naman. San naman kaya kami pupunta ni mama ngayon. I didn't bother to ask kasi di pa rin tapos yung project nila, dapat tapos na yun kaso naextend sila dahil may pinadagdag na design yung client at ayaw naman silang pakawalan nito. Regular client nila mama ito kaya naman hindi sila makatanggi dito.
Andito ako sa library doing the finishing touches sa thesis ko. Pasahan na nito sa friday at after that I'm free! Dejoke lang, mas marami na akong oras kay Ysah, mas maraming oras na ako na makakasama sya, makikita sya. Nakakaexcite!
Well kung tatanungin nyo ako kung mahal ko na ba sya, isa lang masasagot ko sa inyo.
We are getting there, I am on the verge of loving her. Kung baga I'm crossing the bridge from liking her to actually loving her completely. Why? Kasi di ba nga di pa ako sure sa feelings ko sakanya, kung infatuation ba ito or what. Its my first time to feel this way kaya I don't have any idea kung ano ba talaga ito. But this time I can confidently say na I'm on 80% sure na mahal ko na sya, but still I won't court her, ayaw ko sya masaktan. Unless I am 100% sure that is the time na liligawan ko sya.
Natapos ko ang thesis ko at pinasa ko na sa prof ko, agad naman akong naglakad ng mabilis papuntang kotse ko para makapunta sa game nila Ysah, sa rival school kasi namin gagawin ang game at medyo malayo ito sa school namin.
Nung makarating ako sa venue ay agad akong umupo sa spot kung saan makikita kong mabuti ang laro.
I texted Ysah a good luck message. Ayaw ko syang tawagan at baka madistruct sya, ayaw ko mawala ang focus nya sa game. Its a big game, kasi bukod sa rival school namin ang kalaban ay battle for top spot ito.
The game started at tulad ng inaasahan ng lahat ito ay intense game, dikit ang laban. Walang nagpapalamang ng dalawa, laging isa lang ang lamang ng bawat team. The game lasted for almost 3hours dahil sa dikit ng mga sets.
The game ended at panalo sila Ysah, I knew they could deliver. It was a five setter game na yung last set umabot pa ng 22-20 ang score.
Nung panalo na sila ay bumaba ako at lumapit sa bench nila, lahat sila ay nagsasaya. Lihim ko naman kinuhanan ng picture si Ysah. Another candid shot, pandagdag sa album ko ng mga pictures nya.
After they sang the song for our school nakita na ako ni Ysah at patakbong lumapit sakin at yumakap. She is almost crying.
"Sssshhh, bakit ka umiiyak?" I'm still hugging her at siniksik nya yung mukha nya sa leeg ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, this is the first time na nayakap ko sya ng ganito. Sana naman di nya marinig ang kabog ng puso ko.
"I thought we couldn't make it. Akala ko matatalo kami" she said while still crying and hugging me. God! Ysah bakit ka ganyan. You are so fragile.
I know how she feel, sa sobrang crucial ng laban at sa sobrang intense nito ang pagkapanalo lang ang makakapagpagaan ng loob mo.
"You did make it, we won! So cheer up champ! Ikaw pa ba" pagpapalakas ko ng loob nya at feeling ko naman effective kasi napatawa sya ng konti.
"Hey lovers mamaya na yan, may picture taking pa tayo Ysah" si Pau, kahit kelan talaga panira ng moment ito eh.
BINABASA MO ANG
Loving A Student-Athlete
Novela JuvenilYsah is a rookie volleyball player at their school, and JJ is a graduating student that will fall inlove with her. Can their love keep burning? Pano pagsasabay sabayin ang student life, athlete life at love life? Just pure imagination. Started: July...