Chapter Fifteen

249 8 0
                                    

JJ's POV

"Alisin mo piring mo para makita mo ako" sabi ko kay Ysah na ilang hakbang lang ang layo sa akin.

Dahan dahan naman nyang inalis ang piring nya at nakita ko na nagulat sya kung nasaan kami.

Andito kami sa garden ng bahay nila. Dito ko plinano na magdinner kami. Para mas intimate at solo lang namin ang isat-isa. Well not really kasi andito sila kuya at ang grandparents nya.

Umaga pa lang alam ko na pumayag na si kuya na magdinner kami, personal akong nagpaalam sakanila at sinabi nila sakin na nagpaalam na daw si Ysah sakanila. Kaya naman sinabi ko na sakanila yung plano kong dinner namin ni Ysah at natuwa naman sila.

Kaya ayun kakuntsaba ko sila na ayusin ang garden nila. Simpleng ayos lang naman kasi super ganda na ng garden nila. Table for two lang, candle light dinner, then yung puno nila nilagyan ko lang ng lanterns, dagdag liwanag na rin.

And kung bakit wala ako sa training nila kanina ay dahil ako mismo ang nagluto ng dinner namin. Simpleng dinner lang naman. Hinatid ko dito yung mga niluto ko sa bahay namin at ako din nag prepare ng table namin. Wala kasi yung prof ko sa ibang subjects so free cut ko, kaya ayun.

And of course ayaw ko na di maramdaman ni Ysah yung care ko sakanya kaya I texted Pau earlier about my plan and ask her to take care of Ysah. Tinawanan pa nga ako kasi daw ang torpe ko, bakit daw di pa ako umamin. Eh sa hindi pa kaya ng puso ko at ayaw ko naman na mabigla si Ysah sa mga pangyayari.

Dahan dahan naman akong lumapit sakanya para sunduin sya sa kinatatayuan nya. Pagkalapit ko sakanya ay tulala sya at walang expression ang mata nya. Fuck! Bakit tulala sya. Di ba nya nagustuhan? Shit ka J, dapat kasi dinala mo na lang sa restaurant eh.

"Di mo ba nagustuhan? If you want we can go out and eat som--" she cut me off

"I like it, nagulat lang ako" she said plainly at ngumiti sa akin, I felt relief kasi ngumiti sya sakin. Huminga ako ng malalim bago ko sya inaya na kumain na.

"Lets eat" aya ko sakanya at nilahad ko ulit ang kamay ko at sya namang hinawakan din nya. Naramdaman ko na naman yung kakaibang kuryente sa katawan ko.

I compose myself at naglakad na kami papunta dun sa table na hinanda ko. And holding hands pa rin kaming dalawa.

Ipinaghila ko sya ng upuan at nginitian sya. Yumuko kami at nagdasal, nagpasalamat kami sa pagkain at ako nagpasalamat ako dahil binigyan ako ng pagkakataon na i-date si Ysah, pagkatapos magdasal ay kumain na kami.

Carbonara at buffalo wings lang naman ang hinanda kong dinner naming dalawa then for our dessert ay naghanda lang ako ng buko pandan.

Habang kumakain kami ay di ko maiwasan na di sya tingnan. Napakaganda nya, simpleng shirt at short lang ang suot nya pero ang lakas ng dating nya.

"Masarap ba?" tanong ko sakanya at tumingin sya sa akin. Nagpunas naman muna sya ng bibig nya bago sya sumagot sa tanong ko.

"Oo naman, paborito ko ito eh" napangiti naman ako dahil nagustuhan nya ang hinanda ko, and there goes her smile again.

We continued eating at pagkatapos ay naupo kami sa bench na nasa tabi ng malaking puno nila.

"Nabusog ka ba?" panimula ko. Di ko alam kung pano kami maguusap eh. I know pangatlong beses na namin lumabas na kami lang. I mean yung wala kaming ibang kasama. Pero ewan ko ba iba pa rin pakiramdam pag kami lang, yung kahit tahimik kami basta magkasama kami ay sobrang fullfiling ng pakiramdam.

"Oo, ang sarap eh. Feeling ko nga tumaba na ako" sabi nya sabay sandal at hawak sa tyan nya. Napangiti naman ako sa ginawa nya.

"Di naman, sexy ka pa rin naman" Nakita ko naman na tumingin sya sa malayo. Fuck! Ano ba naman yan! Kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig ko.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon