JJ's POV
Being the only tagapagmana ng company really sucks! Wala na akong time para kay Ysah, madalas kahit yung sunday church day namin nawawala dahil sa work. Pero kahit ganun naiintindihan ako ni Ysah, she is the most understanding person I've ever know! Wow! Nakakaproud lang magkaroon ng girlfriend na tulad nya.
We don't get to celebrate our monthsaries na rin dahil hindi talaga magtugma ang sched namin. Its either I have work, or she has other things to do, like team practice and school stuffs. Madalas nagpapadala na lang ako ng gifts for her, I see to it na hindi paulit ulit yung binibigay ko.
Kadarating ko lang dito sa office namin at tinawagan ko si Ysah. I miss her so bad!
Ilang ring lang ay sinagot na rin nya yung tawag ko.
"Good morning Babe" magiliw na bati ko sakanya habang inaayos ko yung mga gamit ko sa lamesa ko.
"Good morning din Babe" bati naman nya sa akin.
"How's school?"
"Its fine. Actually---hey ano ba! Wait lang babe" she did not finish her sentence at napakunot noo ko.
"Sorry Babe sila Gab kasi inaasar na naman ako, yeah its fine. We have games sa weekend, hope you could come?" Agad ko naman tiningnan ang sched ko at sakto free ako.
"Yes babe pwede ako, wala akong gagawin this weekend" masiglang sabi ko sakanya.
"Talaga?!" Parang batang excited yung tono ng boses nya. Napangiti ako dahil naiimagine ko itsura nya.
"Yes babe, I'll be there. I will watch your game, team captain" Pangaasar ko sakanya, sigurado ako namumula na pisngi nito, ayaw na ayaw nya kasi na inaasar syang team captain kahit na captain naman talaga sya. Napangiti ako.
"Miss JJ the meeting will start in 5mins" sabi ng sekretarya ko. Sumenyas naman ako na susunod na.
Isang buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya.
"Sige na babe baka malate ka sa meeting mo, I love you" biglang lungkot ang boses nya. God I so hate this!
"Good--" di ko na natapos sasabihin ko kasi naputol na yung tawag. Nagtatampo na naman yun, di bale mamaya ko na lang sya tatawagan after ng meetings ko at site visit, for sure tapos na rin ang training nya nun.
5PM
Kakatapos lang ng mga meetings ko at di pa ako nakakapaglunch, papers are still on my table. Tambak na sila for christ sake!
Kakaupo ko lang at kakapikit nung biglang tumunog ang cellphone ko.
Dad Calling...
"Hello, Dad"
"Anak, I'm so proud of you! Ang success ng unang project mo, tuwang tuwa ang client natin sa gawa nyo ng team mo, di na ako magaalala sa company kasi andyan ka na"
Napapikit na lang ako, parang di ko gusto ang tono ng tatay ko.
"Thanks dad" pinilit kong maging masigla ang boses ko.
"Oo nga pala, another client is coming and yung team mo ang i-a-assign ko doon, this saturday will be your meeting with them"
"Dad I ca--"
"Sorry anak I have to go, I have a meeting pa with mr. Cruz"
Di ko pa natatapos ang sasabihin ko at binaba na nya ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako. Nagpromise pa naman ako kay Ysah na manonood ako ng game nya. Paano ba ito.
Pano ko sasabihin kay Ysah? Madidisappoint na naman sya, bihira na nga kami magkita tapos di pa ako makanood ng live game nya. Argh!
Tawagan ko kaya si dad?
Then what? Tell him na di mo kikitain yung clients mo on the first meeting? For sure papagalitan ka lang nun!
Sabihin ko na lang kaya kay Ysah? Arrrrghhh! Ewan!
Mababaliw na ako dito sa opisina ko nung bigla tumunog ulit ang phone ko.
Pau Calling...
"Couz! You are my life saver!"
"Huh?"
"Pwede bang ikaw na lang umattend sa meeting natin with the client sa saturday? Manonood kasi ako ng game ni Ysah" tuloy tuloy kong sabi sakanya. Sana pumayag sya.
Tahimik, di sya sumasagot.
"Couz...please?"
"Why don't you ask tito na lang na di ka makakapunta because of Ysah" biglang bumagsak ang balikat ko sa sinabi nya sa akin. As if naman ganun lang kadali kausapin si dad about sa business.
"Couz alam mo naman na di sya papayag pag yun ang reason ko" malungkot na wika ko.
"Exactly, so why don't you get your ass up and ask your dad kung pwede by Monday na ang meeting para magkita kayo ni Ysah at makanood ka ng game nya" pangaral ng pinsan ko.
May point naman sya, and besides ayaw ko magsinungaling sa dad ko, di nila ako pinalaki na sinungaling and he trust me big time.
"Couz its another big client ng firm, di ko kayang mapahiya ang company" malungkot na sabi ko sakanya.
"Then you have to choose, its either you will talk to tito and ask for approval or talk to Ysah habang di pa weekend para di sya umasa na darating ka"
"Pero couz--"
"Joanna Josaiah, suportado kita sa lahat, pero sa ganitong pagkakataon ikaw ang magdesisyon. Ayaw ko magsinungaling ka kay tito, and besides if di man pumayag si tito na i-move yung meeting, I know Ysah would understand" at tuluyan ng bumagsak ang balikat ko sa dismaya. Pero tama naman sya, if ever na di mamove, Ysah would understand.
"Fine, I will talk to him later sa bahay, thanks couz... By the way san ka uuwi? Sa amin or sa inyo?" Madalas na kasi syang sa bahay nauwi since madalas wala parents nya. Ayaw naman nyang bilhan sya ng condo dahil masasayang lang yung ipapangbili at may bahay naman sila.
"Dun muna sa bahay, umuwi sila mom galing states eh, baka magtampo pag wala ako sa bahay" halata sa boses nya ang excitement nya.
"Nice! Say hi to tita and tito for me"
"I will couz, so see you when I see you. Baka pumunta kami sa inyo sa weekend. Bye!"
At binaba nya na ang tawag ng ganun ganun lang. Tsk! Kahit kelan.
I looked at the clock and it is freakin' 7pm! WTF?! Nakauwi na si Ysah neto, damn! Sabi ko pa naman tatawagan ko sya after practice.
I tried calling her pero di nya sinasagot. Nagiwan din ako ng sandamakmak na message pero ni tuldok na reply wala. Baka busy sa school works, dadaan muna ako sakanila bago ako umuwi.
I fixed my things at bumaba na sa parking, dumaan ako sa flower shop at cake shop para bilhan si Ysah. Peace offering. Sana gising pa sya.
Kung minamalas ka nga naman, traffic pa. 8:30pm na nasa daan pa rin ako at malayo pa kela Ysah. Tulog na siguro yun.
9:30pm na ako nakarating sakanila at nakapatay na ang ilaw sa kwarto nya. Tulog na nga sya.
Bumaba ako ng kotse at lakas loob na nagdoorbell, nakatatlong doorbell ako bago ako pinagbuksan ni manang Flor.
"Oh hija ginabi ka ata, tulog na si Ysah, gusto mo ba gisingin ko?" bati sakin ni manang. Napayuko naman ako sa hiya, naistorbo ko pa ata tulog nya. Nakapajama na kasi sya.
"Ganun po ba? Huwag na po, pakibigay na lang po ito sakanya" sabay abot ko ng bulaklak at cake na binili ko. Nagipit na rin ako ng note sa bulaklak para mabasa nya.
"Ah eh sige, magiingat ka sa pagmamaneho" tumalikod na ako at pumunta sa kotse ko, pero bago ako pumasok sa kotse ay nilingon ko muna ulit ang kwarto ni Ysah.
"Good night babe, I love you"
BINABASA MO ANG
Loving A Student-Athlete
Teen FictionYsah is a rookie volleyball player at their school, and JJ is a graduating student that will fall inlove with her. Can their love keep burning? Pano pagsasabay sabayin ang student life, athlete life at love life? Just pure imagination. Started: July...