Chapter Twenty Four

212 10 1
                                    

Ysah's POV

After ng vacation namin sa beach house nila JJ ay mas lalo kaming naging close, madalas din lumalabas kami ng 'squad'. Manood ng sine, kumain, tumambay sa coffee shop, magaral. Ganyan na kami kaclose lahat. Pero di laging masaya, tulad ngayon. Andito kami sa bahay nila JJ, bonding sana kaso eto may drama ngayon.

Nagkatampuhan si Martha at Gab, kaya pala pagdating nila ay walang imikan at yung dating akbayan at holding hands nila ay wala.

"Ysah bakit ganun?" Hinaplos ko ang likod nya para pakalmahin sya, umiiyak sya pagdating nya pa lang. Dumating na si Arianne at may dalang isang box ng tissue, pitchel na may tubig at baso.

"Tahan ka na, uminom ka ng tubig baka madehydrate ka" Pagpupumilit ko uminom sya, pero wala eh ayaw talaga.

"Ano ba nangyari?" Tanong ni Arianne, andito kami sa garden nila JJ.

"Sabi ko kasi sakanya wag na nya ako sunduin sa bahay kasi hassel at out of way, sabi ko magkita na lang kami dito di sya pumayag" Panimula ni Martha.

"Oh, ang sweet nga nun, susunduin ka kahit out of way, anong mali dun?" Sagot ni Arianne.

"Alam ko naman na sweet sya pero minsan maging mautak din, isa pa mapapagod sya kung magpabalik balik pa sya" Dagdag ni Martha.

"Eh di ba delikado dun sa may inyo" May naholdap kasi dun sa may kanto nila at mula noon hatid sundo na sya ni Gab, kahit na sobrang magkaiba ang way nila hatid sundo pa rin sya.

"Oo nga, pero tanghaling tapat, sino naman manghoholdap dun? Tsaka may CCTV na dun at marami din tao" Depensa naman ni Martha.

"So dahil dyan kaya nagkagalit kayo?" Tanong ko, reasonable naman kasi yung point ni Gab at yung point ni Martha.

"Hindi, pero parang ganun na nga" Kunot noo kaming tumingin sakanya, nagpunas naman muna sya ng luha nya bago sumagot.

"Pumayag na sya kaninang umaga na dito na kami magkita, edi okay na. Kaso nung nagaabang ako ng taxi papunta dito kasi nga ayaw ako magjeep ni Gab na hindi sya kasama nadaanan ako ni Jay, yung best friend ko. He offered a ride kasi on the way naman daw pupuntahan ko, so pumayag na ako kasi nga malelate ako sa usapan pag naginarte pa ako. Tapos sakto naman pagbaba ko ng kotse nya nakita kami ni Gab. I tried talking to her to explain things pero ayaw nya ako kausapin" Akala nyo kumander si Martha? Well oo pero sobrang mahal nya si Gab kaya ayan akala mo naghiwalay sila.

"Jay? Di ba yan din yung pinagselosan nya nung nagbakasyon tayo?" Tumango naman si Martha bilang sagot nya.

"Oh best friend naman pala, mabuti nga at nadaanan ka at least alam namin na safe ka" Dagdag ni Arianne, well totoo naman at least yun sure na safe talaga si Martha.

I texted JJ kasi kasama nya si Gab at ate Pau sa kwarto nya. Dun daw kasi sila maguusap.

To: Babe
Babe, ano nakausap mo na si Gab? Ano daw ba bakit ayaw makinig?

From: Babe
Nasaktan babe, sino ba naman matutuwa na may ibang naghahatid sa taong mahal nya?

To: Babe
Babe wala sa plano nyang makisabay dun sa Jay, isa pa mabuti nga at kakilala yung naghatid sakanya at least safe talaga si Martha.

From: Babe
Oo wala sa plano, pero isang aya lang sumama na sya agad, samantalang si Gab halos kagabi pa nagpupumilit na sya susundo tapos yung Jay isang aya lang sumama na.

To: Babe
Ewan! Bakit kasi di nyo muna pakinggan si Martha.

Padabog kong binaba yung phone at nakita ko na tumatawag si JJ. Di ko pinansin at pinatay ko na agad yung tawag nya.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon