Chapter Sixteen

257 10 0
                                        

Ysah's POV

"Guys go get ready na, in 15mins tatawagin na tayo for warm up" paalala sa amin ni coach.

Its my first game, debut game ko. Di lang ito basta practice match, kundi real match ito.

My hands are starting to sweat again as I am super nervous. Not because first time ko maglalaro na kasama sa first six, but because a lot of people are watching. Especially kuya and my grandparents, at sabi nila andito din daw si JJ, di ko sure kung pinagtitripan lang nila ako. And they are expecting a lot from us knowing that champion team kami last season.

Nagpalit na ako ng uniform namin at nagsuot ng shirt pampatong sa jersey ko. Nagayos na rin ako ng shoes na susuotin ko at kinuha ang phone ko para magsound trip, pampawala ng kaba.

One notification receive

JJ Klein sends you a direct message.

JJ: Good luck! Show them what you got! :)

Si JJ.

After nung dinner namin naging consistent na sya ngayon sa pagaalaga sa akin. I mean, hatid sundo araw-araw, yung gatorade ko at towel every practice, my breakfast na pancake, bacon, or sometimes corned beef at fried rice na sya mismo ang nagpe-prepare. If ever naman na may klase sya or di sya available sa training pinapasuyo nya ako kay ate Pau, nakakahiya nga kasi sobrang asikaso eh. Marami ang nagsasabi na nanliligaw na daw sya sakin, I cannot confirm nor said yes to them kasi di naman namin napaguusapan ni JJ.

Magrereply na sana ako kay JJ, nung biglang pumasok yung isa sa coaching staff namin at sinabi na magline up na sa labas at magwarm up na.

Tinali ko naman agad ang shoes ko at tinago ang phone ko sa bag ko pagkatapos ay lumabas na ako.

Paglabas ko napakaraming tao, lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

"Chill, kaya natin 'to, wag kang kabahan. Imagine mo na lang practice game ito" bulong sakin ni ate Pau. Nahalata nya siguro na kinakabahan ako. Ngumiti at tumango naman ako bilang sagot sakanya.

Nagsimula na kaming magwarm up at di nagtagal nagstart na ang game namin.

The game was so intense na dikit na dikit ang laban. Talo kami sa first two sets pero nakabawi naman agad and we forced the game to a fifth set.

And as expected, si ate Pau ang nagpanalo sa amin. She ended the game with a service ace. Pagkatapos namin syang yakapin at magcelebrate ng first win namin ay nagline up na kami upang makipagshakehands sa may net sa mga nakalaban namin.

Nagulat naman ako dahil ako ang best player of the game. Niyakap na naman ako ng mga kateam ko at pinagsisisigaw nila na inspired kasi ako kaya maganda ang game ko. Naiiling na lang ako.

Bago pa ako makapasok papuntang dugout ay nakita ko na si JJ na nagaabang sa gilid. So di nila ako pinagtitripan. Andito nga sya at nanood ng first game ko.

"Nice game miss superstar" bati nya sa akin at nakipagbeso. Nahihiya man ako kasi pawis ako pero wala na akong nagawa, nangyari na eh.

"Di ako yung superstar, yung pinsan mo yun" sabi ko sakanya habang naglalakad na kami papuntang dug out.

"Sus, gagraduate na yan, tapos na ang pagiging star nya sa team, its your time. Trust me, few more games na ganyan kaganda ang nilalaro mo, paguusapan ka na rin" she said at pinagbuksan ako ng pinto ng dugout namin.

"If wala kayong lakad nila kuya after, can we eat dinner? DM me your answer" she said at sinara na yung pinto at umalis na rin.

Nagcooldown lang kami at nagbigay lang ng few pointers si coach about sa game namin at sa mga dapat pang iimprove tapos ay pinagshower na kami.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon