JJ's POV
"JJ? Ikaw ba yan?" Tinig ng lalakeng ayaw ko makita. Pumikit ako ng mariin bago tinago ang phone ko sa bulsa at humarap at ngumiti ng pilit sakanya.
"Ikaw nga! Kamusta na? Tagal mo ng hindi nagpupunta sa bahay ah" si kuya Enzo, s'ya pala ang kasama ni Ysah.
Alangan naman akong ngumiti at napahawak sa batok ko bago sumagot.
"Ayos lang naman kuya, medyo busy lang sa trabaho, ikaw kamusta? Kayo nila lolo?" I tried to sound okay na nakita ko s'ya. I felt the awkwardness on my part pero parang sa part ni kuya wala lang. Parang di n'ya alam yung nangyari between me and Ysah, or he is just being nice to me since nasa public place kami? I don't know.
"Ayos naman, tagal na natin di naglalaro ng golf, lolo is looking forward to play with your dad and you again" He said cheerfully.
I tried to look at his back to see Ysah. Still the beautiful girl. Was my girl. Naiiyak na ako, I know ako yung nakipaghiwalay at ako yung napagod. Masakit. Sobrang sakit. Yung ang lapit lapit n'ya pero di ko s'ya malapitan.
"Kuya lets go--" di n'ya natapos ang sinasabi n'ya dahil nakita n'ya ako. Nagtama ang mga mata namin, yung mga titig na puno ng pagmamahal noon, ngayon hindi ko na mabasa.
Kakamustahin ko na sana s'ya nung biglang umiwas s'ya ng tingin at nagpaalam kay kuya.
"J! Sorry ang daming tao sa meat section" and with that I came back to my senses. Si Andrea, na hingal na hingal.
"Ayos lang marami pa naman nakapila" I said at kinuha na yung meats na binalikan n'ya.
Naramdaman ko naman na nakatingin si kuya sa amin kaya naman umayos ako ng tayo at pinakilala sila sa isa't-isa.
"Kuya, si Andrea best friend ko. Andrea si kuya Enzo, kapatid ni Ysah" nagkamay naman silang dalawa at bumati sa isa't-isa.
"J we have to go na, nice meeting you Andrea" sabi ni kuya at tumango naman ako bilang sagot sakanya.
"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Andrea nung nakalayo na sila kuya. Tumango naman ako dahil hindi ko ata kayang magsalita. It feels like pag nagsalita ako bubuhos ang mga luhang tinatago ko.
Tahimik ang naging byahe namin pauwi. Para akong nawalan ng gana, parang nanghina ako. Andrea offered na s'ya na magdrive but I hesitated. I have to endure the pain. Gusto ko ng space di ba?
When we arrived home nakita ko ang kotse ni Pau, at may isa pang kotse na di ko kilala.
"J! Buti andyan na kayo, tara tulungan na kita maghanda ng mga lulutuin mo. Yun na lang regalo ko kay Andrea" natatawang sabi ni Pau at nailing na lang si Andrea sa kakuriputan ni Pau.
Masaya ang naging paghahanda namin, actually kami kami lang pala bisita n'ya. Di makakauwi parents n'ya at mga kapatid n'ya, mas okay yun kasi for sure pag andito sila pipilitin lang nila sumama si Andrea sakanila which will lead to arguments and syempre ayaw n'ya masira ang birthday n'ya after so many years ngayon na lang s'ya magcecelebrate na kasama kami ni Pau.
After few hours tapos na kami maghanda at inaantay na lang namin dumating sila Arianne, Gab at Martha.
I'm setting up the long table nung marinig kong dumating na yung mga kaibigan namin.
Arianne is with Hannah and of course the couple na laging nagaaway pero mahal pa rin ang isa't-isa, Gab and Martha.
Lahat sila may dalang gift kay Andrea. Si Pau may surprise gift din yun for sure kahit na kuripot yun basta sa mga ganitong may birthday di s'ya nakakalimot bumili ng kahit ano.
BINABASA MO ANG
Loving A Student-Athlete
Genç KurguYsah is a rookie volleyball player at their school, and JJ is a graduating student that will fall inlove with her. Can their love keep burning? Pano pagsasabay sabayin ang student life, athlete life at love life? Just pure imagination. Started: July...