Chapter Thirty Two

169 7 5
                                    

Ysah's POV

I feel so guilty. Ilang beses ko na naditch si JJ tuwing aayain nya akong magdinner or maglunch. Pero still di sya pumapalya na sunduin at ihatid ako. Take note sya mismo ang sumusundo at naghahatid sa akin. Yun na lang halos time namin, pero I know she understands. And I am so grateful for that.

Andito ako sa library finishing the projects sa mga majors ko. Yes, projects and majors. Kasi lahat sila may paproject, jusko di na naawa sakin. Charot! Buti nga at di sumabay deadline sa Finals namin sa volleyball.

"Hi Ysah" di ko na tiningnan kung sino, boses pa lang alam ko ng si Jonas ito.

"Sungit naman" sabi pa nya at tumabi sa akin. Di ko sya pinansin at tinuloy ang ginagawa ko.

"Ysah kain tayo after mo dyan"

"Uy pansinin mo naman ako"

"Ysah" napapikit ako sa inis ko sakanya.

"Jonas can you stop!" Mahinang bulyaw ko sakanya.

"Can't you see I'm doing something, I'm busy, okay?" Nakita ko naman na parang napahiya sya.

"Sorry" yan lang nasagot nya.

"Stop bothering me, I need to finish this" I said at binalik na yung atensyon ko sa ginagawa ko.

"Ysah, if you are free later I'll wait sa cafeteria" he said at umalis na.

Naiiling na lang ako sa kakulitan netong mokong na ito.

"Oh bes di ka pa tapos?" Tanong ni Arianne na kakapasok lang ng library.

"Obvious ba bes? Kabwisit kasi itong Jonas na ito, hilig mangulit" pagsusumbong ko sakanya kaya naman napaupo sya bigla sa tabi ko.

"Asan yun? Gugulpihin ko yun" inis na sabi nya sakin, napalakas boses nya kaya pinagtinginan kami ng mga estudyante sa loob ng library, pati yung masungit na si Mrs. Troy.

Napayuko naman kaming dalawa sa hiya

"Bes bibig mo talaga" suway ko sakanya.

"Eh kasi naman pag naririnig ko yung pangalan ng bobong yun nagiinit ang dugo ko eh" bulong nya.

"Tama na bes, dami ko pa ginagawa oh? Quiet ka muna dyan" at pinakita ko sakanya lahat ng ginagawa ko.

"Bes tulungan na kita, tapos ko na yung iba dyan" sabi nya at ayun tinulungan nga ako. Di na ako nagreklamo kasi nagmamadali din ako at malapit na next class namin.

"Hi Ysah" napairap na lang ako.

"Oh ano na naman gusto mo ha Gonzalez?" Sabi ni Arianne at bigla akong tinago sa likod nya.

"Aayain ko lang si Ysah maglunch" proud at confident na sabi ni Jonas.

"Busy kami, wala syang panahon makipaglunch sayo" si Arianne na sumagot para sakin.

"Di naman ikaw ang tinatanong ko" masungit na sagot ni Jonas.

"Abat-" hinawaka ko sa braso si Arianne kasi baka masapak nya ito.

"So Ysah, lets eat lunch?" confident na sabi ni Jonas.

"Busy ako Jonas, so please lang wag ka na makulit okay?" kalamadong sagot ko sakanya.

Tumango lang sya bilang sagot.

"See? Busy sya di ba? Tsk" singit ni Arianne.

"Lets go na bes" sabi ko at hinatak na sya, pero di pa kami nakakalayo hinawakan naman ako ni Jonas sa braso ko na syang nakapagpalingon sakin.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon