Chapter Fourty

214 6 4
                                    

JJ's POV

"Ysah, ayaw ko na"

"Pagod na ako"

"Its not working anymore"

"I can't do this anymore"

Ilan lang yan sa mga huling salita na binitawan ko kay Ysah. Pano nga ba kami humantong sa ganyan?

Flashback...

Andito ako sa school kasi susunduin ko si Ysah for our dinner date. Ang tagal na nung huling labas namin at super miss na miss ko na sya.

I got out of my car holding a boquet of roses na favorite nya. Dahan dahan akong naglakad papunta sa loob ng gym. Maaga pa naman for sure di pa sila tapos.

Pagkapasok ko nakaupo na silang lahat sa sahig siguro tapos na sila. Inilibot ko agad yung mga mata ko para hanapin ang mahal ko pero di ko sya makita.

"Uy J! Di ko alam na darating ka" masiglang bati sakin ni Arianne.

"Ah magdidinner kasi kami ni Ysah" sabi ko sakanya habang palinga linga pa rin at hinahanap ang mahal ko.

"Ah may dinner kayo? Ano kasi nauna na kasi umalis si Ysah, nagmamadali nga at may tatapusin daw sila ni... Jonas" alanganing sagot ni Arianne sakin.

Okay so another episode of Ysah forgetting our date.

Ngumiti ako kay Arianne.

"Ah ganun ba? Baka nagtext s'ya sakin kanina na di kami tuloy at di ko lang nabasa. Salamat Arianne" tumawa pa ako ng konti, sana lang di nya mahalata yung nararamdaman ko ngayon.

Nakatingin lang si Arianne sakin, bakas sa mata n'ya ang awa sa akin. Pero nginitian ko lang s'ya. Pinilit ko na totoong ngiti ang ibigay sakanya.

"Oh una na ako Arianne, salamat ha" tumalikod na ako at naglakad na palabas ng gym, pero bago pa ako makalayo tinawag ako ni Arianne.

"J! Wait lang!" Nilingon ko naman s'ya agad at tumakbo s'ya papunta sakin.

"Pwede ba antayin mo akong makapagshower? Mabilis lang promise, papasama lang ako sa'yo kung ayos lang" tumango naman ako at naupo sa bleachers.

Ngumiti naman s'ya bago tumakbo papuntang shower room.

Di naman s'ya nagtagal at lumabas na rin, bitbit na yung gym bag n'ya at may kausap sa phone n'ya. Pagkalapit n'ya sa akin ay binaba na n'ya yung tawag at ngumiti.

"Lets go?" Aya n'ya sakin kaya tumango na lang ako at sumunod sakanya.

Nakita ko naman na andun ang driver nila, kinausap n'ya ito saglit at binigay ang bag n'ya dito bago pumunta muli sa akin.

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong n'ya sakin, nagtataka man ay sumagot pa rin ako.

"Sa bahay" Tipid na sagot ko sakanya.

"Huwag dun, may gusto ka bang puntahan? Yung dinner n'yo? Nagpareserve ka ba? Tara puntahan natin sayang 'yun!" Masiglang sambit n'ya sakin.

"Hindi ako nagpareserve, balak ko kasi sa bahay lang kami magdidinner para sana may privacy--" Hindi n'ya ako pinatapos at nagsalita s'yang muli.

"Oh ayun pala, sige sa bahay n'yo na lang tayo. Sayang naman pinahanda mo doon. Tara na" Aya n'ya sa akin at sumakay na sa shotgun seat.

Pumasok naman ako sa drivers seat at nagsimula na magdrive, first time namin na kaming dalawa lang ni Arianne sa kotse. Madalas kasi kasama namin si Ysah. I can feel na gusto n'ya akong i-cheer up sa nangyari. Buong byahe ay panay tanong n'ya sa sakin, sa trabaho ko. Panay din ang kwento n'ya about sa team kung paano na ang school. Pero never n'yang binabanggit si Ysah.

Loving A Student-AthleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon